Rayver Cruz clears “family matter” issue regarding breakup with Cristine Reyes

Rayver on settling the “family matter” issue once and for all: “Kaya naisipan na rin namin, sabihin na rin namin ni Cristine kasi nga nagiging unfair na sa side niya. Ayoko namang mangyayari yun para sa kanya, so yun.”


Marahil, isa sa mga malaking bumungad na balita sa showbiz ngayong 2013 ay ang hiwalang Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Sa paglabas ng dalawa sa talk show na The Buzz last January 13, inamin nila ang hiwalayan at inabsuwelto ang pangalan ni Derek Ramsay bilang third party.

Pero nananatili pa rin ang mahiwagang tanong ng karamihan, kung ano nga ba ang totoong dahilan ng kanilang break-up, at kung kailan nga ba ito naganap last year.

Una nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine Reyes na lumabas dito last January 27, pero ang tangi lang niyang sagot ay ‘mutual decision’ ang dahilan ng kanilang breakup, dahil naisip daw nilang mga bata pa sila.

Sinabi ni Cristine noon na, “Hindi gusto na kasi, na parang na realize ko na parang a, ambata bata ko pa, tapos bata pa kami ni Rayver.

“So, parang na-realize ko na parang sayang yung time, sayang yung kabataan namin di ba, so parang focus muna kami sa work, priorities sa life, para in the future hindi kami magsisi.”

Last Tuesday, February 5, eksklusibong nakausap ng PEP si Rayver sa SM Megamall Cinema 9 sa premiere night ng pelikulang I Luv U Pare Ko na pinagbibidahan ng kanyang kapatid na si Rodjun Cruz at Rocco Nacino.

Nang pinakiusapan namin si Rayver kung okay lang ba siyang makapanayam, hindi naman ito nag-atubili at pumayag naman.

Ito bale ang unang pagkakataon na makapanayam naming muli ang binata matapos ang kanilang interview ni Cristine sa showbiz talkshow ng ABS-CBN.

THE BREAK UP. Inusisa muna ng PEP kay Rayver ang tungkol sa ‘mutual agreement’ nila sa kanilang paghihiwalay na dahil nga mga bata pa raw kasi sila.

Pagsang-ayon ni Rayver dito, “Oo, kasi yun totoo naman yun na mga bata pa kami, natuklasan namin na siguro mas maayos kung magkaibigan na lang muna kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa ngayon, kailangang focus muna kami sa mga ginagawa namin and at least ang maganda dun, friends pa rin kami, di ba?”

“Ahh, very mutual naman yun... di ko na kailangan i-elaborate pero mutual naman siya.”

Marami ang pumuri sa kanilang dalawa ni Cristine dahil maganda daw ang naging hiwalayan nila.

Reaksiyon niya dito, “Ewan ko nga, e... ang dami ngang natutuwa, e, nakakatuwa. Yun yung okay, walang siraan, yun kasi... kung meron man, hindi namin kayang makita ang bawat isa.”

Dagdag pa niya, “E, kasi nga okay sa amin, maayos yung paghihiwalay namin. Sinabi namin ng sabay sa The Buzz, di ba?

“So, okay kami parehas, so yun yung importante dun. Magkaibigan pa rin kami, magkasama kami sa show, nagkikita kami sa taping.”

Ang sinasabing show ni Rayver ay ang kontrobersiyal na serye ng Kapamilya network na Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan silang dalawa ang magka-love team.

Nauna nang sinabi ni Cristine dito sa PEP na kahit sa taping nila ay walang pinagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa. Sumang-ayon naman si Rayver dito.

Lahad niya, “Oo naman, bumibisita ako (sa dressing room), siyempre kaibigan ko yun, e, and halos lagi kaming magka-eksena, di ba? So yun yung okay sa amin.”

Kamusta naman kaya pagdating sa kanilang mga eksena, nagkakailangan ba sila?

Sagot nito, “Ganun pa rin, basically walang nagbago, e... hello, ang tagal naming magkasama ni Cristine and kilala namin ang bawat isa and sobrang kabisado namin ang isa’t isa.

“Ngayon, nag start naman kami as friends e, nagtapos kami as friends... so basically, maayos kami, maayos kami.”

FAMILY MATTER. Noong nagkahiwalay na sila, maraming mga lumulutang na intriga na diumano’y natutuwa ang mga kamag-anak ni Rayver dahil sa nangyari, hindi raw kasi gusto ng pamilya niya ang dalaga.

Nagpaliwanag na rin si Cristine tungkol dito sa interview kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi gusto ng family? A talaga? E kasi, palagi naman kaming nagdi-dinner, and alam mo yun, nagbibigay sila ng food sa akin, ako din nagbibigay ng food.

“Anytime pumupunta ako dun, so paano nila masasabing hindi okay yung family ni Rayver sa akin.

“As much as possible kasi huwag tayong makikinig sa mga write ups and everything, kasi wala naman kayo, hindi naman ninyo kami nakikita araw-araw, di ba?”

Pinabulaanan naman ni Rayver ang balitang ito. Paliwanag niya, “Hindi, hindi totoo yun... hindi totoo yun, siyempre may mga naglalabas na ng mga ganun, di ba?’

Dagdag pa niya, “And kaya e, naisipan na rin namin, sabihin na rin namin ni Cristine kasi nga nagiging unfair na sa side niya. Ayoko namang mangyayari yun para sa kanya, so yun.”

Sa ngayon ba, handa na siyang umibig muli?

Natatawang sagot nito, “Tingnan na lang natin, kasi yung ganyan, yung mga ganyan hindi hinahanap, e... darating yan, darating yan.”

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN. Sa ngayon daw, focus daw muna si Rayver sa kanyang bagong project, ang teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin kung saan labis daw siyang natuwa sa kanyang role.

Lahad niya, “Basically, step brother ko si Gerald (Anderson) dito.”

“Yun, medyo excited ako kasi medyo mature na yung role ko dito and very challenging... ibang Rayver. Drama, medyo mabigat na drama. So, excited ako.”

Dagdag pa niya, “Sana ito yung start [ng magandang mga projects], so very happy ako, kada pagdating ko sa set sobrang excited ako mag-work so sana panoorin ng mga tao.”

Game na game si Rayver sumagot ng mga katanungan namin kaya naman inusisa na rin namin siya kung kumusta na ang co-star niyang si Gerald sa set.

Pero parang napansin ng binata na madami pa kaming itatanong tungkol kay Gerald kaya natawa na lang ito at nagsabing, “Okay naman siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN