Cristine Reyes confirms going out with Derek Ramsay… and also with ex-boyfriend Rayver Cruz

Masaya raw si Cristine Reyes sa pagiging single niya ngayon. Aniya, “I am happy na single ako at hindi ko naman hinahanap ang kasiyahan ko sa ibang tao. Kaya masasabi ko na kuntento ako ngayon.”


Kasama si Cristine Reyes sa cast ng Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi, ang bagong pelikulang gagawin sa produksyon ng Viva Films at sa ilalim ng direksyon ni Direktor Andoy Ranay.

Excited daw si Cristine sa pelikulang ito dahil makakasama niya ang mga artistang talagang hinahangaan niya.

“Excited ako, kasi unang-una, Gabby Concepcion, di ba? Ms. Alice Dixson, Ms. Dina Bonnevie...parang, lahat sila, tinitingala ko nung bata ako, e. Lahat ng mga ‘yan, parang institusyon na, di ba?

“So, parang overwhelming yung feeling na makakatrabaho ko sila at the same time parang hindi ako makapaniwala.

“Kasi, parang… ‘Nangyayari talaga ito?’ Na parang, wow, ka-partner ko na, katrabaho ko na…” pahayag ni Cristine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang kausap nitong entertainment press na inimbitahan sa story conference ng nabanggit na pelikula, kahapon, February 10, sa JT’s Manukan sa Sct. Borromeo St., Brgy. South Triangle, Quezon City.

Kung sa No Other Woman ay ang tunay na asawa ang papel ni Cristine, sa 2013 adaptation ng 1983 Danny Zialcita classic na ito ay mistress naman ang gagampanan niya.

Pero kakaibang mistress daw siya rito dahil may asawa rin siya sa pelikula.

Hindi pa raw niya napapanood ang dating version ng Nagalit Ang Buwan Sa Haba Ng Gabi.

“I’d rather not watch it,” sagot ni Cristine nang tanungin kung may balak siyang panoorin ang original version.

Dahilan niya, “Siyempre para sa akin, modern ngayon, iba na yung generation natin. Kumbaga, mas maganda kung ano yung natural acting mo, yun na lang, di ba? Kesa yung manggagaya ka sa iba.

“Ginaya na nga natin yung… ni-remake na nga natin, pati ba naman yun acting? Tama na yung sa atin na lang, di ba?”

GOING OUT WITH DEREK RAMSAY. Siyempre pa’y hindi nakaligtas si Cristine na matanong tungkol naman sa lalaking naiuugnay sa kanya ngayon—si Derek Ramsay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa PEP Talk appearance ni Derek, kinumpirma nitong lumalabas nga sila ni Cristine, ngunit idiniin na walang kung anumang espesyal na namamagitan sa kanila, liban sa pagiging magkaibigan lang.

(CLICK HERE for related article and video)

Ganundin ang sagot ni Cristine tungkol sa mga sinasabing sightings nila ng Kidlat lead actor.

“Hindi naman namin dini-deny na lumalabas kami. We really go out, hang-out, dinner, merienda, lunch…

“Minsan nagpasama sa ‘kin ‘yan one time mag-golf. Minsan naman ako, pinupuntahan niya sa family gathering ko, like birthday ng sister-in-law ko… ganun.

“Pero hindi ko masasabing we’re dating, e. Pareho naman kaming aminado na we’re friends, e. We like hanging out together, but it’s not really a date, ‘coz it’s not that romantic, e.

“Nag-aasaran kami ‘pag magkasama kami… We’re friends,” pahayag pa ni Cristine.

Wala rin daw siyang balak na pumasok sa panibagong relasyon sa ngayon, at alam daw ito ni Derek.

“Yes, alam naman ni Derek yun. Gusto ko munang maging single.

“And I’m very sure wala siyang intensyon. Kasi alam ko naman yung mga ginagawa nung lalaking yun.

“Minsan nagpapatulong pa yun sa akin, ilakad ko raw sa babaeng yun…ayokong pangalanan, baka magalit sa ‘kin.

“We’re friends lang talaga. Wala kaming sweet moments nun, sapakin ko yun, e. Wala talaga.”

SEEN WITH RAYVER. Samantala, nakikita rin daw silang lumalabas ng dati niyang boyfriend na si Rayver Cruz. Kaya tanong tuloy sa kanya ng PEP, hindi ba ito unti-unting hakbang sa kanilang pagbabalikan?

“Alam mo, mag-Instagram ka. Hindi ka updated,” sita tuloy ni Cristine sa writer na ito.

Sa Instagram account niyang queencristinereyes ay mas madalas maglagay si Cristine ng mga latest na nangyayari sa kanya.

“Ano lang yun… I’m really good friends with Ray,” ani Cristine tungkol sa pagkakakita sa kanila ni Rayver na magkasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw dapat na bigyan ng kahit na anong kahulugan o hint na magkakabalikan sila ng dating boyfriend.

“Pagkakaalam ko, nagdesisyon kami para maghiwalay, hindi para magbalikan ulit. Ano ‘to lokohan? Naglokokohan ba tayo dito?” natatawang biro ni Cristine.

Pagdidiin pa ni Cristine, naging maganda ang hiwalayan nila ni Rayver. Sa kabila ng magkahiwalay nilang estado ngayon, nananatili pa rin daw silang magkaibigan.

“Okey naman kami, e, di ba? Wala namang third party sa amin. And naghiwalay kami, alam naman namin pareho na para sa career namin. Para mag-focus sa life namin.

“Kasi bata pa kami para masyadong mag-focus sa relasyon.”

Kinumusta ng PEP ang Valentine’s Day niya ngayong single na siya.

“I am happy na single ako at hindi ko naman hinahanap ang kasiyahan ko sa ibang tao. Kaya masasabi ko na kuntento ako ngayon.”

Basta sa ngayon daw, masaya siya sa pagiging single na nagagawa ang lahat ng gusto niya, nararating ang mga lugar na gusto niyang puntahan, at mas may oras para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

CLICK HERE for related video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN