Ai-Ai delas Alas denies marrying boyfriend Jed Salang: “Kasi emotionally at saka physically, hindi pa kami masyadong ready.”

Itinanggi ni Ai-Ai delas Alas at ng boyfriend nitong si Jed Salang na ikinasal nila. Pero inamin ng dalawa na gusto na nilang magkaanak pareho. Sabi ni Ai-Ai, “May balak pa, pero ano na, via scientific experimentation. Gusto ko kasi medyo may edad na ako so later on... In case lang, pero siyempre ayoko naman, kung wala na kami, nakikita ko yung little Jed sa buhay ko.”


Itinanggi ng Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas na kasal na sila ng boyfriend nitong si Jed Salang.

Nag-ugat ang kuwento nang nakitaan silang dalawa na may suot na parehong singsing, na pinaniwalaan ng iba na ito na ang kanilang wedding ring.

Lalo pang lumakas ang bulung-bulungan na nagpakasal na nga sila dahil isang “wedding photo” ang lumabas.

Pero sa report ng abs-cbnnews.com, sinabi ni Ai-Ai na fake ang lumabas na wedding photo nila ng boyfriend, base na rin sa interview ni Korina Sanchez para sa Rated K na lumabas kagabi, February 10.

Pagtanggi pa ni Ai-Ai, “Yung photo na ‘yan ay chika photo lang namin kasi masyadong excited na kaming pakasal. Kaya sa picture lang muna.

“Kasi emotionally at saka physically, hindi pa kami masyadong ready.”

Pero hindi naman nila ipinaliwanag ang tungkol sa wedding rings.

Ikinuwento din ni Ai-ai kay Korina na gusto niyang magkaanak sa kasalukuyang minamahal. May tatlo nang anak si Ai-Ai—isa sa dati niyang karelasyon at dalawa sa dating asawa na si Miguel Vera.

Lahad ng 48-year-old actress, “May balak pa, pero ano na, via scientific experimentation.

“Gusto ko kasi medyo may edad na ako so later on...

"In case lang, pero siyempre ayoko naman, kung wala na kami, nakikita ko yung little Jed sa buhay ko.”

Sinegundahan naman ni Jed ang balak na ito ni Ai-Ai.

Ani Jed, “Ako, gusto ko rin. Ganun din yung iniisip ko.

“Sana huwag… kasi eto talaga lagi niya sinasabi in the future, ‘Baka iwan mo’—at least mayroon akong baby kay Ai-Ai.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN