Luis Manzano refuses to comment about issue between Jennylyn Mercado and Patrick Garcia

Malaking pagkagulat ni Luis Manzano sa napabalitang ang ama pa niyang si Edu Manzano ang nagkumpirma na kasal na sila ni Jennylyn Mercado. Hamon niya sa nagkalat ng balita: “Kung sinuman ang nagsabi na narinig nila ang daddy ko na nagsabi na pinagkakalat niya yun, please, I would love to meet you.”


Naging malaking kontrobersiya ang pagtatapat ni Patrick Garcia na hindi raw niya nahihiram ang anak na si Alex Jazz mula sa dating girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Ayon sa aktor, ang pinag-ugatan ng lahat ay nang hindi siya makapagbigay ng financial support sa anak sa loob ng dalawang buwan dahil sa kawalan niya ng trabaho.

Sa ganitong sitwasyon ay hindi maiiwasang matanong si Luiz Manzano, ang kasintahan ngayon ni Jennylyn.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa TV host/actor, sinubukan naming kunin ang saloobin niya tungkol sa isyu.

Pero sabi ni Luis, “I will never ever comment pagdating sa pamilya nila, si Pat, saka si Jazz.

“I guesss it’s not… I don’t want someone commenting on my family.

“I won’t comment on that, but I can say Jen is one of the best moms in this whole wide world.

“This is a crazy world and Jen is definitely one of the best moms.”



AFFECTED. Naging emosyonal si Jennylyn nang hingin ang reaksiyon tungkol sa naging pahayag ni Patrick. Ang ayaw lang daw niya ay nagagamit siya pati ang anak na si Jazz.

Ayon naman kay Luis, “I knew a few things here and there, but still I don’t wanna touch that subject—sa kanila kasi yun.

“Suporta? Definitely, wala naman puwedeng kumuwestiyon doon.”

Sa kabila ng paiwas na salita sa mga nangyari, ang hiling ni Luis ay maayos sana ang anumang hindi pagkakaunawaan nina Jennylyn at Patrick.

“Definitely, honestly, sabi ko, it’s still a relationship between a mother, a father, and their child.

“We all wish the best with a kind of family like that."

"PERFECTLY OKAY." Kinumusta rin namin kay Luis ang relasyon nila ni Jennylyn ngayon.

Sagot niya, “We’re perfectly okay, we’re in the steady aspect of a relationship na we’re content, we’re happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba nagiging problema ang oras kung saan sobrang hectic ang sked ngayon ni Luis?

“Oo naman... maybe not as much as before.

"Yun ang maganda sa artista rin, naiintindihan na once we work, we really work.

“Once we say we’re blessed, we’re really blessed na if you don’t get sleep, e, paano pa kaya? Hindi ba?

“But she understands and sometimes when she’s very blessed, I got to understand… hindi naman ito lang ang trabaho natin.”



WEDDING RUMOR. Hindi naman nagustuhan ni Luis ang balitang kasal na sila ng girlfriend, na nagmula pa raw ang kumpirmasyon sa amang si Edu Manzano.

“It’s weird! Sinasabi ko po, kung sinuman ang nagsabi na narinig nila ang daddy ko na nagsabi na pinagkakalat niya yun, please, I would love to meet you.

“Definitely, hindi gagawin ng daddy ko yun.

“I don’t see the point kung bakit gagawin ng Daddy ko yun—wala, wala talaga!

“Apparently, ikinasal kami sa Dubai. Apparently, ikinasal din kami sa Hong Kong and sa Batangas—may kuwento pang ganoon.

“Sana nga, mag-usap-usap sila para magkaisa naman yung tsismis. Ang gulo, e! Paulit-ulit!

“Nakakatawa lang na tapos na pala, sana na-inform lang kami na tapos na pala yung kasal.”



SO LONG SARAH G LIVE. Isa si Luis sa regular co-hosts ng Sarah G Live, ang show ni Sarah Geronimo, na namaalam na sa ere kagabi, February 10.

Nalungkot daw si Luis sa pagkawala ng show sa kabila ng Pilipinas Got Talent (PGT) nila ni Billy Crawford ang papalit sa timeslot na iiwan ng Sarah G Live.

“Of course… sad, sad for Sarah… sad for production.

“Pero sabi nga, I was asked in one interview ni Sarah, I was able to grow as performer because of Sarah G.

“And also I was able to grow as a host because of Sarah G.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We don’t have to say goodbye, it happens naman in every show.

“For me, yes. Ang papalit naman is PGT along with Billy Crawford, Sir FMG [Freddie M. Garcia], Kris Aquino, and Ms. Ai-Ai [delas Alas]… panibagong putahe naman."

Mas kapana-panabik daw ang mga mapapanood ngayon sa PGT kumpara sa mga naunang seasons.

“Very, very excited. In fact, I was able to watch the pilot episode and trust me po when we say it, you must watch the pilot episode.

“Natatawa kami… production, the extra mile the Pilipinas Got Talent.

“If you think na-figure out ninyo ang Pilipinas Got Talent for three seasons, Season 4 can be something different.

“Pressure? Oo naman. Nandiyan naman talaga ‘yan and as the goal of the show, of the production, is to always level each and every season.

“Sa ngayon, I could tell you, this will be something different, Pilipinas Got Talent Season 4,” saad niya.



NO TIME. Ang huling pelikula ni Luis ay ang This Guy’s In Love With You, Mare (2012).

Sa sunud-sunod na shows na hinahawakan niya as host, wala na raw siyang oras para makagawa pa uli ng pelikula.

Sabi niya, “I don’t have the time. ASAP nga, hindi ko ma-regular, paano pa ang pelikula?

“It’s better this way, biting off more than I can chew.

“Eksakto naman ito na mas nakaka-focus ako sa mas dapat kong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN