John Prats on "marrying" Isabel Oli: "Sana nga, doon na papunta."

Ang tungkol sa mga dating relasyon ang iniiwasang pag-usapan ni John Prats kapag kasama niya ang nali-link sa kanya ngayong si Isabel Oli. Sabi niya, “Napag-uusapan pero hindi na ko nagdu-dwell sa past. Yun nga ang paniniwala ko, kaya nga ex, kaya nga past, hindi nag-work.”


Halatang inspirado at masaya si John Prats ngayon.

Hindi na nga siya kailangang masyadong tanungin tungkol sa lovelife niya at sa balitang panliligaw niya sa Kapuso star na si Isabel Oli.

Nakangiting kinumpirma ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na masaya siya talaga ngayon.

Saad niya, “Masaya lang talaga ako ngayon, happy and, hopefully, huli na talaga—nakaka-syogod [nakakapagod] na, di ba? Nakakapagod na.

"And noong na-meet ko naman si Isabel, I think she’s on the stage na okay na rin. Doon na rin siya papunta.

“She wants to settle down and, at least, we’re on the same page.

“Yun lang, natutuwa lang ako na hindi na ako magwu-worry…

“And if ever na dumating yung time and I’m open about it na… if ever magkayayaan, I know na she’s there.

“Hindi siya yung tipo ng ibang artista na, ‘Ay, hindi pa puwede.’ May gagawin o may gusto pa kong gawin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa live na pagsalubong at countdown ng Banana Split sa Chinese New Year sa Quirino Grandstand last Saturday, Ferbuary 9.

THE REAL SCORE. Diretsahan naming tinanong si John kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nila ni Isabel.

Kapag si Isabel kasi ang tinatanong, sinasabi nitong hindi niya masabi kung nanliligaw nga ba siya rito.

Nang ang kapatid naman ni John na si Camille Prats ang tinanong, sinabi nito na si John ang dapat magsalita. Ngunit kinumpirma ng Kapuso actress na "dating" na sina John at Isabel.

Ayon naman kay John, “Kasi naman si Isabel, sabi niya, ngayon daw niya napi-feel na babae nga raw siya.

“Tama naman na, I think, it should come from me as a guy.

“Siyempre, ayaw rin naman niyang mag-assume dahil, siyempre, babae siya.

“Ako naman, talagang special sa akin si Liv [Isabel] at yung courtship naman, parang hindi ako naniniwala ever since.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But, ipinaparamdam ko naman sa kanya na special siya sa buhay ko and I give her importance.

“Ayoko kasi ng courtship, parang best foot forward.”



BRIDGE. Ayon kay John, ang kapatid na si Camille ang naging daan para magkakilala sila ni Isabel.

“Ang istorya kasi nito, parang last year, parang after my last relationship, I gave up on love—I really did.”

Ang huling relasyon na tinutukoy ni John ay ang sa kanila ng dating beauty queen na si Bianca Manalo.

Kuwento pa rin ni John, “Honestly, parang I gave up on love. Coming from... basta.

“Alam ninyo yung naniwala na ako na baka nga binuild ako ni God to be single forever.

“Baka magge-girlfriend-girlfriend na lang ako.

“Alam mo yung, emotionally, napaka-tiring?

“And I never talk about my past relationship and masakit din for me kung ano-ano ang ibinabato sa akin—playboy…

“Actually, for me, hindi naman siya… siguro sa ibang lalaki, compliment yun, pero sa akin, hindi.

“There are always two sides of the story and I never gave mine.

“Sobrang parang… kung gagawin ko man yun, parang ungentleman naman ako.

“I wanna keep kung ano yung magandang pinagsamahan talaga."

Sa nakikita ni Camille sa kapatid, nagbigay ng siya ng suggestion na baguhin ang naman ang approach ni John.

“And sabi ni Camille nga, ‘Kuya, why don’t you pray for it? Pray for love and ipagdasal mo naman siya na dumating sa iyo.’

“E, I never prayed for my lovelife.

“Ako kasi dati, ipinagdarasal ko ang kalusugan ng pamilya ko, career ko, but I never prayed for my lovelife.

“So, tinray ko. I attended nine mornings [simbang gabi], nag-sacrifice ako. Basta may sinacrifice ako.

“Sabi ko lang, ‘God, surprise me next year.’

“E, hindi ko naman alam na January 2013, e, sinurprise na niya ako—ganoon talaga kabilis!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SEPARATED. Magkaibang network sina Isabel at John—Kapamilya ang binata samantalang Kapuso naman ang dalaga.

Paano niya nasabing si Isabel na nga?

Kuwento ni John, “Nagsimula ‘yan nang mapanood ko sa QTV-11.

“Sabi ko, ‘Ang ganda naman ni Isabel.’

"Tapos, sabi ni Camille, ‘Ayan, Kuya, dapat ‘yan ang gine-girlfriend mo.’

“E, sabi ko, ‘Camille, wala kaming common friends.’

“Huli kaming nagkakilala noong nasa ABS siya. Tapos, lumipat na siya ng GMA.”



VIA INSTAGRAM. Crush ba niya si Isabel noon pa?

“Nagandahan ako sa kanya, pero may girlfriend ako that time.

"Tapos, sa TV, casual lang na ang ganda ni Isabel.

“Wala akong alam kung may boyfriend siya. Tapos, I followed her in Instagram, nag-comment ako.

“Tapos, si Cams, sabi niya, ‘Kukunin ko ang number para sa iyo.’ Talagang si Cams ang trumabaho.

“When I got her number, sobrang takot talaga siya kasi nga, wala sa imahe ko na... alam naman natin, hindi kagandahan.”

Paano niya pinakita ang totong imahe niya kay Isabel?

“Sabi ko naman sa kanya, ‘Give me a chance. You heard things from me but you never really know me. You don’t even know me kung ano talaga ko.’

"So, neverending naman yun.

“Ang kapalit naman ng ganoong imahe, you just have to prove it again and again. Yun lang siguro ang sumpa ko.

“So ngayon, I’m taking it slow with her and I’m relaxed with her.

"Walang pagpapanggap at sinimulan ko talaga na magkaibigan kami to the point na ang tawagan namin, ’Mars.’

“Mars—alam mo yun? Dahil sa show ni Camille.

“Alam mo yung sa kanta, nakaka-LSS. Alam mo yung kapag nanood ka, Mars, Mars… dumating kami sa point na yun.

“E, sabi ko, tigilan na namin. Pero, very fun, very fun kaming mag-usap.”



OF AGE. Nililigawan niya pa lang ba si Isabel o sila na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko nga nililigawan,” giit ni John.

“But we’re dating, we’re dating. Nararamdaman ko na, e.

“At sana naman, kasi kung pupunta pa kung saan ito, parang ano naman yun?”

Sa mga pahiwatig niya, tila nakahanda na siyang magpakasal o nandoon na ang kaisipan niya.

Posibleng kapag sinagot na siya ni Isabel, yayayain na niya itong pakasal?

“’Yan na nga yung ano kasi, magtu-twenty-nine na ako… pini-pressure na ako ng daddy ko na magkaanak.

“E, ang mommy ko, thirty, pumayag na. Mommy ko, ever since… no.

"Siguro, na-realize rin nila na after ng last relationship, I spent time with them.

“I never dated and ibinigay ko lang talaga ang sarili ko ng buong eleven months na single ako na ako lang—pamilya ko lang.

“So, siguro nakita rin ng nanay ko na, ’Malungkot din pala itong anak ko… kailangan din eventually, may makasama na ito.’

“Kasi nga, siguro naipakita ko sa kanila na hindi na... hindi na ako magdyo-dyowa.

“So, sana nga, doon na papunta.

“Ako talaga, yun lang ang ipinagdarasal ko ngayon at yun lang ang next na ipinagdarasal ko."

Sabi pa ni John tungkol kay Isabel, “Wala akong nakikitang masama sa kanya ngayon.

"And sabi nga niya, ‘Kung anuman, seryosohin mo na ako, ha?’

“Yun talaga ang sinabi niya sa akin. At sabi ko nga, ‘Wag lang siyang magbago.’

"And I don’t think naman…”



FIRST TO WED. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Camille, nabanggit nito na sana raw ay si John ang maunang magpakasal sa kanya—kung sakali man makahanap ang aktres ng bagong iibigin pagkatapos ntitong mabiyuda.

Natatawang sabi naman ni John, “Nakakahiya naman sa kanya kung ikasal siya ulit at ako, hindi pa nakakasal!

“Sinabi ko talaga sa kanya, ‘Camille, tigil-tigilan mo talaga at paunahin mo naman ako ngayon.’

“Hindi kaya si Camille, kaya ako pinu-push… may plano ng talaga?” natatawang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talagang kasal na nga ang nasa isip niya?

“E, hindi na rin naman ako... I mean, idealistic kasi kami ni Cams.

“Twenty-one na rin ako sa industriya and, siyempre, hindi na rin ako bumabata.

“Nakita ko na family ko, mommy ko, daddy ko, and eventually, kami rin, ganoon kaming lumaki na gusto namin, magkaroon din ng pamilya.

“Ayaw naman naming dumating sa punto na puro career na lang.

“Tapos, yung isang kaligayahan na hindi kayang bilhin, napaglipasan mo na lang.”

EX-BOYFRIEND. Ang ex-boyfriend ni Isabel ay si Gab Valenciano.

May koneksiyon sina John at Gab, bilang naging ex-girlfriend din ni John ang ex-girlfriend din ni Gab na si Rachelle Anne Go.

Hindi ba yung nakaapekto kay John para magpursigi kay Isabel?

Sagot niya, “Hindi naman, kasi naging ex niya [Isabel] si Gab was like two years ago.

“Kami naman ni Gab kasi, we worked together but we never, parang… never kaming naging close na lumabas talaga.

“But nagkikita kami sa trabaho, ‘hi and hello’ at saka matagal na rin naman yun.

“Para sa akin, siya rin naman, kapag ex mo na naman, I don’t talk about it anymore.

“Kaya nga ex, hindi na dapat pag-usapan.”

Hindi nila napag-uusapan ni Isabel ang mga past relationships nila?

“Napag-uusapan pero hindi na ako nagdu-dwell sa past.

“Yun nga ang paniniwala ko, kaya nga ex, kaya nga past, hindi nag-work.

“So, huwag na nating ubusin ang mga oras natin sa mga ex and let’s just start and plan our future.”

SAME TASTE? May impresyon tuloy na pareho sila ng “taste” ni Gab sa babae.

“Nagkakataon nga, e!” natawang sabi ni John.

“But, well, hindi ko naman siya iniisip ng ganoon.

“Iba-iba naman kasi ang mga tao. Iba-iba naman yung approach sa relationship.”



VALENTINES CUM BIRTHDAY. Malapit na ang Araw ng Mga Puso na kasabay rin ng mismong birthday ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang plano niya para kay Isabel?

“Kasal!” natatawang biro niya.

“Valentine’s Day 2015 siguro, puwede na ‘yan,” natatawang sabi pa niya.

Pero ano nga ang plano niya sa napaka-espesyal na araw na yun?

“Actually, ngayon ko pa lang paplanuhin.

"Baka may taping ako ng Maalaala Mo Kaya on the 14th, birthday ko.

“So, hindi ko muna alam.

"Kasi, sinasagad ko muna lahat ng meron na ibinibigay sa akin para kapag nag-settle down na.”

May Valentine’s gift na ba siya para kay Isabel?

“Yun nga, e, wala pa akong maisip.”

Pero siya ba ang taong masorpresa?

“Ma-surprise akong tao, pero random ako. Kung ano lang ang maisip ko.

"Mas more on walang okasyon ako."

Naipakilala na ba niya si Isabel sa kanyang mga magulang?

“Oo, naipakilala ko na siya sa family ko—sa parents ko, sa mga kapatid ko—and positive naman.

“Ako naman, I’m looking forward to meet her parents din.

“Kasi, nasa Cebu, medyo malayo. But I’ll find time. Maybe, we might go there.”

Paano naman niya nasigurado sa sarili na in-love nga siya kay Isabel?

“Ano kasi ako, mahirap akong ma-in love. Madali akong magkagusto.

“Alam mo yung feeling na, ‘Uy, crush, ang ganda!’ Nakaka-appreciate ako nang mabilis.

“Pero for me to talk to someone 24/7 and eagerness ko na makita ang tao, doon ko nalalaman na gustung-gusto ko yung tao.

“Kasi, hindi ko napi-feel sa sarili ko.

"Di ba, minsan may nararamdaman ka, pinipilit mo sa sarili mo para magkaroon ka lang ng girlfriend?

“Pero sa kanya… effortless. I want to see her every day at kapag may time, e-effort ka talaga.

“Yun ang time na malalaman mo na gusto mo ang tao at ma-effort naman ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN