Glaiza de Castro almost rushed to hospital after shooting heavy scenes for Temptation of Wife

Bumigay ang katawan ni Glaiza de Castro pagkatapos ng sunud-sunod na mabibigat na eksena niya sa Temptation of Wife. Kuwento ng aktres, “Ayoko naman kasi na hindi ko itodo yung acting kasi yun ang role ko, e—kailangang sobrang tapang ko talaga. Pinagsasabihan nga ako ni Mommy na hinay-hinay lang ako, pero mahirap mag-control, e. Once na you’re in character, wala na. Buhos na talaga. Hindi ko na mapigilan kasi yun nga ang hinihingi ng c


Muntik nang isugod sa ospital si Glaiza de Castro pagkatapos makunan ang ilang mabibigat na eksena niya sa taping ng Temptation of Wife noong Sabado ng madaling-araw, February 9.

Sa Marikina City Jail kinunan ang naturang eksena, kung saan kinailangang sumigaw, magwala, at magpakita ng sobrang galit ng kanyang karakter bilang Heidi.

Hinintay muna ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na magising si Glaiza bago namin siya tawagan sa telepono noong Sabado rin para sa isang eksklusibong panayam.

Kuwento ni Glaiza sa kabilang linya, “Sobrang wasted lang ako.

“Kasi, ilang sequences din yung dapat kong tapusin. Around twelve sequences yata.

“Hindi lahat nakunan, pero yung scenes, e, talagang ang bibigat.

“Ito yung kung saan nasa labas ako ng kulungan, nagwawala ako, nagsisisigaw.

“Galit na galit ako sa pulis, inagawan ko pa siya ng baril.

“Yung ikukulong nila ako, pero ayoko, gustung-gusto kong makita si Marcel [Dennis Trillo].

“Meron pa sa loob ng kulungan na parang binu-bully-bully ako nina Bubbles [Paraiso]. So, kailangan hindi ako magpatalo sa kanila.”

EXHAUSTED. Bigay na bigay nga raw si Glaiza sa mga eksenang yun na parang nauubos na yung energy niya, lalo na’t inabot ng madaling-araw yung mga take.

Saad niya, “Yung ibang scenes kasi paulit-ulit na kinukunan.

“May iba kasing talents na parang di makuha ang gustong acting ni Direk [Dominic Zapata], so inuulit-ulit siya.

“Nakakapagod din naman yun, pero okey lang sa akin.

“Tapos ako naman, bigay na bigay.

“Ayoko naman kasi na hindi ko itodo yung acting kasi yun ang role ko, e—kailangang sobrang tapang ko talaga.

“Pinagsasabihan nga ako ni Mommy na hinay-hinay lang ako, pero mahirap mag-control, e.

“Once na you’re in character, wala na. Buhos na talaga.

“Hindi ko na mapigilan kasi yun nga ang hinihingi ng character ko.”

Sa sobrang pagod nga raw niya ay napasubsob na lang siya sa isang lamesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ipinapahinga ko lang talaga.

“Exhausted na ako. Nararamdaman ko na kaya isinubsob ko na lang.

“Kasi, iba na ang pakiramdam ko.

“Tapos nung pauwi na kami sa bahay, e, parang di na ako makahinga.

“Kaya nang umakyat si Mommy sa kuwarto, binigyan niya ako ng brown na supot tapos pinainom niya ako ng gamot.

“Nagte-take ako ng alkaline capsule at alkaline water.

“Yun, nakatulog ako nang maayos.”



SECOND TIME. Pangalawang beses na raw itong nangyari kay Glaiza.

Noong una ay sa taping ng Stairway To Heaven noong 2009 kung saan isinugod talaga siya sa ospital.

Hindi ba siya natatakot sa puwedeng mangyari sa kanya?

“Natatakot din,” sagot ni Glaiza.

“Pero, sabi naman ng doctor, hindi naman siya yung sobrang nakakatakot.

“Kailangan ko lang daw talaga ‘wag masyado mag-exert ng sobrang effort.

“Okey naman daw laboratory results ko.

“Kaya nga lang, pag ganito ang role mo, paano ka naman di mag-e-exert ng sobrang effort?

“Makikita ‘yan ng audience kung di ka bigay-todo sa pag-arte. Nakakahiya naman sa kanila.

“Kaya nga, pray ko na lang na walang mangyari sa akin.”



CONCERN FOR HER. Wala bang tumawag sa napabalitang suitors niya para magpakita ng concern sa kanya?

“Wala pa naman,” sagot ni Glaiza.

“Siguro, hindi naman nila alam ang nangyari sa akin.

“Yung fans ko, sunud-sunod yung mga texts nila. Masyado silang concern sa akin. Nag-aalala.

“Dito nga raw nila nabasa sa PEP Alerts kaya text kaagad sila.

“Kahit yung sa production staff ng Temptation of Wife, nagti-text sila.

“Siyempre, sa part ko, natutuwa talaga ako. Salamat sa concern.”

Na-realize nga daw niya kung gaano kahalaga ang pahinga sa klase ng trabaho niya.

“Oo naman,” pagsang-ayon ng Kapuso actress.

“Kaya nga, pag may time, sinusulit ko talaga ang magpahinga.

“Hindi naman ako mahilig sa mga lakwatsa. Minsan, pag free ako, yun, gimik lang sa banda. Kanta-kanta lang kami sa bar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag wala, sa bahay lang ako.

“Sabi ko sa mga nag-aalala sa akin, ‘I’m fine. Okey na ako. Thank you sa concern.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN