Director Jeffrey Jeturian says working with Vilma Santos in indie film Ekstra is "dream come true"

Sa kauna-unahang pagkakataon ay naidirek ni Jeffrey Jeturian sa isang pelikula ang isa sa mga hinahangaan niyang aktres, ang Star For All Seasons na si Vilma Santos. Tampok ang award-winning actress sa Cinemalaya 2013 entry na Ekstra.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakatrabaho ng direktor na si Jeffrey Jeturian ang Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos.

Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang Ekstra, entry sa Cinemalaya 2013.

Ayon kay Direk Jeffrey, “dream come true” sa kanya ang makatrabaho ang award-winning actress.

“Kasi bata pa lang ako, e, big fan na talaga ako ni Vilma.

“Kaya sino ba ang hindi mangangarap na maidirek ko siya, di ba? Parang imposible noon.

“Yung isa kong iniidolo na si Susan Roces e naidirek ko na sa Magpakailanman [GMA-7 drama anthology].

“Tapos, heto nga, si Vilma.

“Parang ang suwerte-suwerte ko naman dahil nabigyan ako ng pagkakataon na maidirek ang isang iniidolo ko nang husto.”

Suwerte rin daw para sa produksiyon dahil sa dami ng offers kay Ate Vi na gumawa ng indie movie ay ang pelikula nila ang pinili ng premyadong aktres at politician.

Dagdag ni Direk Jeffrey, “Then, siyempre, honored ang lahat.

“Pati ang Cinemalaya, I’m sure super-excited sila dahil may Vilma Santos sa Cinemalaya ngayong taong ito.”

Gaano katagal bago nila napasagot si Ate Vi?

“Di naman kami nahirapan. Hiningi lang niya sa amin ang script.

“Nang mabasa na niya ang script e nakipag-meeting na kami.

“Tapos, yung meeting namin, doon sa isang lugar na sinabi niya sa amin na dito kami magmi-meet.

“Kasi ang lugar na yun, sa Rockwell, lahat daw ng mga transaksiyon niya o offer niya sa pelikula o TV show, natutuloy daw,” masayang kuwento ng award-winning director.



SMALL PEOPLE IN THE INDUSTRY. Pagkatapos nito ay inilarawan ni Direk Jeffrey ang tatakbuhin ng istorya ng Ekstra.

“Tungkol ito sa mga extra, mga maliliit na kasama sa pelikula.

“And siguro, tribute na rin ni Vilma para sa maliliit na tao sa industriya.

“Timely na rin dahil fifty years na niya sa business and never naman talaga siyang naging extra sa mga pelikula niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, bata pa lang siya e bida na agad siya.”

Binanggit na rin ni Direk Jeffrey sa PEP ang mga lalabas na guests sa Ekstra: sina Piolo Pascual, Marian Rivera, Cherie Gil, Pilar Pilapil, Richard Yap, at Eula Valdes na darating daw from Australia para sa shooting ng pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN