Nora Aunor flies to the U.S. again for check-up; promises to fulfill commitments upon return

Marami na namang naka-lineup na projects ang Superstar na si Nora Aunor tulad ng mga pelikulang Dementia, The Editha Burgos Story, at Ang Kuwento Ni Mabuti. Sabi niya, “Nakaka-excite lahat... sana maumpisahan na agad. Pagbalik ko, gagawin natin ‘yan.”


Umalis muli papuntang USA si Nora Aunor ngayong araw, February 12.

Kinumpirma ito ng Superstar sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya sa live airing ng Wowowillie sa Delta Theater noong February 9, Sabado, matapos niyang mag-promote ng Never Say Goodbye.

“Mga two to three weeks lang naman para sa Green card ko.

“Kailangan na kasi ma-renew iyon, hindi puwedeng pabayaan,” sabi ni Nora.

Bukod doon, ang pagpapa-check up ng kanyang lalamunan ang isa pa ring sanhi ng pagpunta ni Ate Guy sa Amerika

“Tuloy yung check-up... sa Boston [Masachussetts] ako pupunta, doon yung ospital.”

Matatandaang naitakda ang pag-alis ni Ate Guy noon pang January 30, pero hindi siya natuloy bunga ng kanyang pagkakasakit at pagkaka-ospital sa nagdaang dalawang linggo.

Noong Biyernes ng gabi, February 8, nakausap din ng PEP si Ate Guy sa location ng TV5 teleserye na Never Say Goodbye, sa Binondo, Manila.

“Okey na... wala na akong ubo,” sabi niya.

“Mas maganda na ang pakiramdam ko ngayon.

“Tumaas lang kasi ang BP [blood pressure] ko noong nakaraang taping namin, kaya nanghina ako at hindi ko na talaga nakaya magtuluy-tuloy.

“Ngayon, okey na talaga.

“Ako lang yata ang maysakit na ang lakas pa ring kumain!” natatawang saad pa ni Ate Guy.



FANS’ SUPPORT. Sa nagdaang linggo, dalawang araw nag-full taping si Nora para sa Never Say Goodbye sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Masayang-masaya ang atmosphere sa taping, lalo’t dinalaw siya ng kanyang matatapat na tagahanga mula sa grupo ng Noranians Worldwide/NOW at iba pang affiliated fans club members.

Touched na touched daw si Ate Guy sa gesture na iyon ng mga fans.

“Ay, sobra!” seryosong sabi niya.

“Hanggang ngayon, hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan ko sa ginagawa nila.

“Marami na ngang nawala sa kanila, pero may pumapalit at nakakatuwa ang pag-aalala nila… nakakataba ng puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RAPPORT. Ang kinunang eksena ay sa isang bahagi ng World Trade Center to look like a hospital ward. Kaeksena niya si Gardo Versoza.

Later, sa Jones Bridge, sina Nora at Cesar Montano naman ang direktang magkaeksena.

Kumusta ang naging rapport nila ni Buboy (palayaw ni Cesar), matapos ang eksenang magkasama sila?

“Okey naman. Mabait si Cesar,” simpleng tugon ni Ate Guy.

Unang nakasama ni Cesar si Ate Guy sa Sa Daigdig ni Nora (IBC-13 drama anthology).

Off-cam, hindi man masyadong nag-uusap ay naroon ang respeto nila sa isa’t isa as co-actors.

Kuwento nga ni Cesar, “I’m excited! I’m so proud!

“Meron na naman akong ikukuwento sa nanay ko!” nakangiting sabi ni Cesar about his mom, Emma, na isa raw avid Noranian.’



NEVER SAY GOODBYE. Habang inaayos ang set-up para sa susunod na take, sandaling kinausap ng PEP ang direktor ng Never Say Goodbye na si Mac Alejandre.

Ate Guy is off to the US, does it mean ito na ang huling taping ng Superstar para sa Never Say Goodbye?

“Hindi! Sino’ng may sabing ‘last taping?’” tanong ni Direk Mac.

“Oo, pero hindi last taping.

"Meron pa siyang taping, hindi ko lang alam kung kelan, kasi hindi ko naman alam pa ang schedules, e.

“Hindi ito last taping ni Ate Guy!

“Nagulat naman ako doon. Not true!” pag-ulit ni Direk Mac.

May kinalaman sa kinunang eksena, kung saan mababaril ang mga tauhang ginagampanan nina Cesar, as Javier, at Nora as Marta.

Hudyat nga ba iyon na mawawala na muna sa kuwento ang character ni Ate Guy?

“Not true!” mabilis na tugon uli ni Direk Mac.

Direk Mac further assured na marami pang mangyayari sa kuwento involving Ate Guy’s character.

“Oo, iba. Marami pa siyang kakaharapin.

“Soap opera, e… maraming twists and turns!” sabi niya.



AWARDS. Sa pagbabalik ni Nora sa unang linggo ng Marso, inaasahang makakadalo siya sa mga pagpaparangal ng NCCA (National Commission for Culture and the Arts), ang Ani ng Dangal Awards; at sa 29th Star Awards for Movies ng PMPC (Philippine Movie Press Club), sa AFP Theater, sa March 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simula sa taong ito, ibinabalik ng PMPC ang paggagawad-parangal sa orihinal na tagapagbigay na si Nora, sa pamamagitan ng kanyang Nora Aunor Foundation, Inc.

Sabi ng aktres tungkol dito, “Natutuwa naman ako sa pangyayari... dati naman po talagang tayo ang nagkakaloob ng Ulirang Artista Award.

“Si Kuya Oskee [Salazar, late veteran writer-columnist and PR man] ang nagpasimula noon.

“Siya ang naghikayat sa akin [na mag-award ng Ulirang Artista],” sabi ni Ate Guy.

Ipinasusulong pa rin ni Nora ang mga proyekto at benepisyong laan sa kapakanan ng kanyang mga fans.

Aniya, “Yung mga scholarship at livelihood projects, tuloy pa rin ’yon, sa pamamahala ng mga officials [ng fans club].”



MOVIE PROJECTS. Tinanong din ng PEP si Ate Guy hinggil sa mga uumpisahan niyang movie projects kapag natapos na ang lahat ng mga eksena niya sa Never Say Goodbye.

“Yung kina Perci [Intalan, TV5 executive], kay Direk Jun Lana,” sabi ni Nora tukoy sa suspense-drama thriller Dementia.

“Matagal na yun, e.

"Una ko pang nakausap sina Direk Jun kaya posibleng yun talaga ang mauna.”

Na-contact ng PEP si Direk Jun, sa pamamagitan ng Facebook, matapos makausap si Ate Guy, at ito ang naging pahayag ng premyadong indie filmmaker:

Dementia ang para talaga kay Ate Guy. Walang ibang makakagawa noon—iba’t ibang personalities.

“Actually, ang tagal na ng Dementia, one year na yata. Kaso, walang makuhang schedule, busy...”

Gayunpaman, buo ang pag-asa nina Direk Jun, Sir Perci, at ni Ate Guy mismo, na matutuloy na sa taong ito ang filming ng Dementia para sa Studio 5.

Meanwhile, totoo bang hindi na matutuloy ang indie project na ididirek ni Joel Lamangan, ang The Editha Burgos Story na unang napabalitang gagawin ni Nora this year?

Balitang wala pang approval ang TV5 o hindi pa nagsa-submit ng formal request letter ang may kinalaman sa produksiyon.

Sabi ni Ate Guy, “Tuloy pa rin iyon... hindi pa lang tapos ang script ni Ricky Lee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala pang script, e. Isinusulat pa ni Kuya Ricky.

"Pero magandang kuwento iyon, tiyak aapruban din ng TV5.”

Nag-submit din ng request sa TV5 ang indie filmmaker na si Mes de Guzman na pagbidahan ni Ate Guy ang project niyang Ang Kuwento ni Mabuti.

Kung matutuloy, si Nora ang gaganap na bida sa kuwento, bilang isang healer, si Mabuti, na nakatagpo ng isang bag na naglalaman ng limang milyong piso.

Sa mga nabanggit ay walang pag-aatubili si Ate Guy.

“Nakaka-excite lahat... sana maumpisahan na agad.

“Pagbalik ko, gagawin natin ‘yan,” masayang sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN