Kris Aquino gets permission from son Bimby to date again

Ano ba ang mga ini-expect ni Kris Aquino ngayong pinayagan na siya ng anak na si Bimby na makipag-date ulit? Sabi ng TV host-actress, “More than anything, I want peace. I want someone na hindi iko-complicate ang buhay ko. Susuportahan ang mga gusto ko at masusuportahan ko rin siya. And above everything else, yung we can have long, exciting, and intellectual conversation.”


Kris Aquino will turn 42 on Valentine’s Day, February 14.

Ilang araw bago ang kanyang birthday ay may nakakaintrigang posts si Kris sa kanyang Twitter account, na ang dating sa iba ay dumadaan sa tinatawag na “birthday blues” ang Queen of All Media.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng The Buzz na lumabas kahapon, February 10, dumadaan talaga ang isang tao sa birthday blues kapag malapit na ang kaarawan nito.

“Kasi totoo naman talaga na dadaan ka sa birthday blues at may masamang gising ka talaga.

“May nabasa kasi ako na kapag parati mong tinitingnan kung ano ang nawala, at hindi mo tinitingnan kung ano ang meron at ano ang parating, walang magandang parating.

“So, parang binuksan ko lang ang mata ko na parang na-realize ko na siguro, ang suwerte ko na nakakauwi ako sa isang bahay na punumpuno ng love—at ramdam na ramdam ko yun.

“And then, I have my siblings, I have my two sons [Josh and Bimby], and I love my work.

“Kung anuman yung ikina-senti ko, siguro ano lang yun... um-emote lang.

“Maganda naman ang buhay, so there’s no reason to complain or whatsoever.

“Na-release ko and, now, I’m happy.”



BIRTHDAY VACATION. Sa kabila ng kanyang birthday blues, excited naman daw si Kris sa magiging bakasyon niya para na rin sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Sabi niya, “Aalis kami, we’re going to an island that I’ve never been to.

“Pero, masisilip ninyo ‘yan, sa ‘Just Us’ na portion sa Kris TV."

Makakasama raw ni Kris ang mga anak niya, ang kaibigan na si Zsa Zsa Padilla, kapatid na si Pinky at asawa nito.

“Grupo kami and excited lang ako kasi parang bagung-bago yung place.”



BIMBY NOW UNDERSTANDS. Samantala, masaya rin daw si Kris dahil unti-unti nang naiintindihan ng mga anak niya ang kanyang trabaho at mga eksenang ginagawa para sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kris, “Alam ninyo, nakita nila up to the wedding and ini-explain ko sa kanila.

“Finally, na-get ni Bimb na trabaho ‘yan.

“Sinasabi niya sa kuya niya na, ‘Kuya, you know, Mama is just pretending. So, it’s really just acting, not the real life.’

“Minsan nga, kapag nakikita niyang umiiyak, sinasabi niya, ‘Mama, is that pretend tears or the real tears?’

“So, parang finally, napaintindi ko sa kanya at nari-realize niya na itong trabahong ito na ginagawa ng Mama niya ang bumubuhay sa amin.

“Kasi, parang sabi ko sa kanya… Sabi niya, ‘I hate it.’

“Sabi ko, ‘If you hate it, what are we gonna eat?’

“Tapos sabi ko, ‘Honey, if you love your Mama, you should love what I do. Anyway naman, I’m a good Mama.’

“Magmula noong nasabi ko yun, okay na siya.

“Ngayon, hindi na sila nagseselos. Tanggap na nila na it’s part of my job.”



DATING AGAIN. Ngayong bukas na ang isipan ng kanyang mga anak sa kanyang trabaho, bukas na rin ba ang mga ito sa posibilidad na muli siyang makipag-date, lalo na’t malapit na ang Araw ng mga Puso?

“Ang regalo ko sa sarili ko is to not talk about it para hindi maudlot.

“Pero kasi, may permission na ni Bimb.

“Sabi ko, ‘Bimb, can I go out?’

“Sabi niya, ‘Okay, but no holding hands, ha.’

“Ayun na!” natatawang sabi ni Kris.

Patuloy niya, “Hindi naman ako makiki-holding hands.

“Pumayag na siya at sabi niya, ‘Just one, ha.’

“So, handa na siya at meron na siyang level of maturity.”

Kung sakali, mas magiging maingat na ba siya sa pagpili?

“Alam ninyo, hindi naman, e.

“Kasi, na-realize ko talaga na hindi dapat sarhan ang puso ko at pag-iisip ko just because of a bad experience.

“More than anything, I want peace. I want someone na hindi iko-complicate ang buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Susuportahan ang mga gusto ko at masusuportahan ko rin siya.

“And above everything else, yung we can have long, exciting, and intellectual conversation.”

Naniniwala pa rin siya sa kasal?

“Wala pa ngang date, marriage na kaagad? Ano ba naman ‘yan!" bulalas niya.

Dagdag ni Kris, “Kasi, na-realize ko na darating ang time talaga, my sons will have their own life.

“So, gusto ko rin to have a companion.

“Pero, alam ko rin na at this point, with the schedule like this, alam ko na a relationship will take devotion.

“And, at this point, hindi ko pa kayang ibigay ang devotion na yun.

“Bimb is only five, I have so much work to do, pero if he’ll understand... sana dumating.

“I keep praying God na when it comes, you know, when it’s best, so I know it’s on God’s time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN