Robin Padilla says wife Mariel Rodriguez will not be a hindrance to his job as an actor despite recent incident

Bagamat sinuyo niya ang asawang si Mariel Rodriguez, hindi naman daw ito nangangahulugan na malilimitahan na si Robin Padilla sa kanyang trabaho bilang aktor. Saad ni Robin, "Hindi naman talaga kahit kailan magiging balakid si Mariel sa aking trabaho. Yun e pangako ng isang lalaking sinuyo ang kanyang asawang babae. Pero hindi ibig sabihin na ibabahag ko naman ang buntot ko para sa asawa ko, hindi naman. Kailangang maintindihan din ng asawa ko ang aking punto.”


Marami ang nagulat dahil sa pagbubuhos ni Mariel Rodriguez ng kanyang emosyon sa Instagram account niya noong nakaraang linggo.

Inisip ng marami na selos ang dahilan kung bakit nakapag-post si Mariel ng ganung mga salita at larawan na nailathala rin dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

(CLICK HERE to read related story.)

Ngunit isang araw lang pagkatapos nito at naayos din agad ang gusot nang bisitahin ni Robin si Mariel sa noontime show nito sa TV5 na Wowowillie.

(CLICK HERE to read related story.)



THE LOVE SCENE. Sinasabing ang maiinit na love scenes nina Robin at Kris Aquino sa ABS-CBN primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw ang dahilan ng diumano’y “pagseselos” ni Mariel.

Noong Linggo, February 10, eksklusibong nakapanayam ng The Buzz si Robin para alamin kung ano na nga ba ang namamagitan sa kanilang dalawang mag-asawa ngayon.

Saad ni Robin, “Sa aking palagay ay doon nag-umpisa.

“Napakaraming ano rin kasi… parang masyadong nabighani doon sa love scene na yun.

“Siguro, parang nabundol siya, yun ang naganap.”

Mag-isa lang bang pinanood ni Mariel ang love scene nila ni Kris o magkasama sila?

Sagot ng aktor, “Hindi, nasa party ako ni… thanksgiving party ng Kailangan Ko’y Ikaw.

“Kahit ako e nagulat din.”

Hindi man detalyado, ipinapaalam daw ni Robin kay Mariel kung ano ang mga nangyayari sa taping nila.

“Yung detalye, parang ang hirap namang ikuwento nun.

“Pero lahat ng ginagawa ko sa taping, lalo na yung love scene, nasasabi ko naman sa kanya.

“Open naman ang aming relasyon.”

Sa naging reaksiyon ni Mariel sa maiinit na eksena nila ni Kris, naiintindihan naman daw ni Robin ang asawa at hindi raw niya ito masisisi.

Saad niya, “Madaling sabihin na maiintindihan mo.

“Pero kapag nakita mo, iba rin naman. Hindi mo siya masisisi.

“Dapat maintindihan niya dahil nasa showbiz siya. Pero, dapat din nating tingnan na siya ay asawang babae na nagmamahal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RETURN OF THE RING. Ayon pa kay Robin, labis na naapektuhan si Mariel sa nangyari at nagkaroon sila ng mga emosyunal na usapan.

Dumating pa nga sa puntong ibinalik ni Mariel ang wedding ring nila.

Kuwento niya, “Nangyari yung mga, alam mo na, pang-teleseryeng ganap. Madaling-araw yun.

“Tapos ako naman, maaga akong umaalis ng bahay, pumunta ako ng taping.

“Siya naman, naiwan siya, nagtrabaho siya.

“Doon sa loob ng usapan na yun, nagsolian na.”



LEAVING THE HOUSE. Pagkatapos daw noon, nagdesisyon na si Mariel na umalis ng bahay nila na siyang ikinabahala naman ni Robin.

Aniya, “Siyempre, hindi naman niya ginagawa yun. Alam ko na seryoso na. At saka, nagkaselosan na.”

Hindi naman daw lumagpas sa isang araw na umalis ng bahay nila si Mariel.

“Oras lang. Kasi, noong oras na umalis na siya, natawagan agad siya ni Kris.

“Savior talaga ang arrive, yun, pauwi na.”

Inakala rin ba niyang maghihiwalay na sila?

“Oo,” sagot ni Robin.

“Ang lungkot ko na nun.

“Sabi ko, tinalo ko na yata ang ibang ano sa dami ng naging asawa at nahiwalayan ko. Hindi na maganda.

“Kaya yun, masayang-masaya ako noong sinabi ni Kris na okay na, uuwi na [si Mariel].”

Siya ba ang sumalubong sa pag-uwi ni Mariel?

“Hindi, nasa taping ako noon. Pag-uwi ko, nandoon na siya.

“Trying to accept everything. Lugmok pa rin.

“Yun ang sinasabi ko na ang hitsura niya, iba—ang lungkot-lungkot. “



THE REALIZATION. Dahil daw sa pangyayaring yun, na-realize rin ni Robin na mas higit pa niyang dapat na ipadama ang pagmamahal sa kanyang asawa.

“Kaya nga sabi ko, kailangang suyuin ang babae talaga. Nagde-deteriorate ‘yan.”

Tulad ng ibang nagkakatampuhan, dumaan din daw sila sa matagal na suyuan.

Ayon kay Robin, “Matagal na suyuan yun. May pride din naman ako, e.

“Noong una, sabi ko nga, wala naman akong ginagawang kasalanan, bakit naman ako hihingi ng paumanhin?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magha-honeymoon silang muli?

Sagot ni Robin,“Ang dami na naming honeymoon. Ilang beses na kaming nag-honeymoon.

“Pero, yun naman ang kasunod nito pagkatapos ng konting drama, ngayon pa lang siguro ninamnam na artista ang asawa mo.”

Pero sa pangyayaring yun, posible kayang malimitahan na rin si Robin sa mga susunod niyang love scenes?

“E, bakit bawal? E, ganoon, kasama talaga yun.

“At hindi naman talaga kahit kailan magiging balakid si Mariel sa aking trabaho.

“Yun e pangako ng isang lalaking sinuyo ang kanyang asawang babae.

“Pero hindi ibig sabihin na ibabahag ko naman ang buntot ko para sa asawa ko, hindi naman.

“Kailangang maintindihan din ng asawa ko ang aking punto.”



KRIS AS A FRIEND. Sa isang banda, hindi naman daw dapat bigyan ng ibang kulay ang napapanood sa kanila ni Kris sa kanilang teleserye.

Pahayag ni Robin, “Basta alam namin ni Kris ang hangganan namin.

“Kung anuman ang napanood ng mga kababayan natin e ginagampanan lang namin ang aming papel.

“Sa edad naming ito, hindi na namin tatawirin ang ilog na mahirap languyin.

“Masaya kami bilang magkaibigan, yung ganito.”



MARIEL’S BASHERS. Dahil sa paglalabas ng saloobin ni Mariel, hindi maiwasan na ito ng maraming bashers sa Instagram at Twitter ang TV host.

Pero bilang asawa, agad naman siyang ipinagtanggol ni Robin.

Sa kanyang Instagram account, hinamon ni Robin ang bashers ni Mariel na harapin siya.

Ibinigay niya ang lokasyon niya noong araw na iyon at doon daw siya puntahan.

(CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Robin, “Wala naman akong pinagsisihan dun. At hindi ako hihingi ng kahit anong paumanhin kahit kanino.

“Asawa ko yung naaapi, palagay ko, it’s my duty.

“Pero, hindi naman kailangan maging threat yun.

“Yun e para tumigil ka na. Masyado nang maraming satsat, tapusin na natin, parang ganun.

“Ni wala ngang galit yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko lang kasi maintindihan kung ano ang problema ng ibang tao.”

Sa kabila naman ng mga nangyari, may maganda rin naman daw itong naidulot.

Sabi ni Robin, “Kung meron man akong puwedeng hingan ng pasasalamat din, anak ko—si Kylie [Padilla], diniretso niya ako.

“Si Liezl [Sycangco, Robin’s ex-wife], tinext niya ako. Nag-post siya ng mga litrato ng mga anak ko.

“May kanya-kanya… alam ninyo, may isang pangit na bagay, may ibubunga na maganda.

“Isa pa, nagkaroon kami ng komunikasyon ni Kylie, ni Liezl, at lalo kaming naging sweet ni Mariel sa mga oras na ‘to.”

May mensahe naman si Robin sa walang-sawang tumitira kay Mariel sa Twitter.

Aniya, “Make love na nga lang, not war.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN