BB Gandanghari on Mariel Rodriguez’s "jealous tweets": "Nag-asawa siya ng isang Robin Padilla, e, ano ang magagawa natin?"

Hindi mapigil ang reaksyon ni BB Gandanghari sa pinagmulan ng selos ni Mariel Rodriguez at sa mga tweets nito. Sabi ni BB, “Para sa akin, ang tatanda na nila and they are all mature people, siguro naman alam na nila ang mga ginagawa nila.”


Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si BB Gandanghari sa rehearsal ng stage play na Ang Halik ng Tarantula.

Ginanap ang rehearsals sa Viva office sa Sct. Madriñan, Quezon City. Itatanghal ang play na idinidirek ni Soxy Topacio sa March 7, 8, and 9 sa Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan City.

Sinabi ni BB na ang pagsali niya sa play ang dahilan ng kanyang pagbabalik-balik sa Pilipinas at sa Amerika.

Kinumusta namin ang pagiging "jetsetter" niya.

“Okey naman,” sambit niya.

“Minsan, nakakapagod din. Pero sabi ko nga, it’s my way of balance, e.

“I like it here as much I enjoy my life there. Magkaibang-magkaiba kasi, e... I enjoy both.

“There are things na nagagawa ko doon na hindi ko magawa dito.

“Kasi nga, I’m a public person here, pero may mga bagay din dito na wala doon.

"So, okey lang.”



PULITZER AWARD. Tulad nitong stage play na Halik ng Tarantula, na hindi niya basta-basta magagawa sa bayan ni Uncle Sam.

“Oh, I love this story!” pagmamalaki niya.

“Well, this is an adaptation nga ng novel na isang Pulitzer award-winning na ginawa nang stage play, ginawang pelikula, ginawang musical.

“So, I’m very proud of this one, which is a direct translation of Kiss ni Henry Villanueva.”

Paano ba siya napapayag na gawin ito?

Ani BB, “Kasi noong November of last year, ginawa ko yung Sayaw ng mga SENIORita. But while I was doing it, I got interested again sa theater.

“Kaya sabi ko, I think I wanna do one more.

“Tamang-tama naman, nakasama ko si Direk Soxy, napag-usapan namin ang Tarantula.

“Sabi sa ko sa kanya, ’Parang gusto ko siyang gawin.’

"Tapos, sabi niya, ’Gusto mong gawin? O, hayan na.’

“It’s a beautiful, beautiful script.”



NEWBIE FOR MEATY ROLE. Kapansin-pansin na ang leading man ni BB dito sa Halik ng Tarantula ay isang baguhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit mas ginusto niya na isang hindi sikat na aktor na maging ka-partner?

Paliwanag niya, “Kasi, napakahirap ng role ng isang Valentin.

“So, parang ang hirap maghanap ng isang kilalang artista kasi iba yung klase ang disiplina namin dito.

“You need a lot of heart to prepare, to rehearse.

"Kaya noong nag-casting kami, sabi ko, ‘I think mas maganda na ang kunin nating lead actor ay baguhan kasi hindi pa siya ganoon ka-busy with some other things.’

“And at the same time we’re looking for an acting find, yung very raw.

“Atsaka, I think, ito ay isang perfect vehicle din sa isang taong trying to re-discover or re-invent himself in the business.

“So, this is a very meaty role... once-in-a-lifetime role.

“Sa ngayon, we have three na pinagpipilian. We have shortlisted it to three.”

Kaabang-abang daw ang totoong halik ni Tarantula sa play na ito.

“Oo, meron!” natatawang sabi ni BB.

“Hindi lang halik. Kasi meron ding love scene sa ibang mga eksena.

“Actually, the scenes are very mature, so talagang may pagka-‘For Adults Only’ siya ng konti.

“Pero I would say they are all nicely done on a legitimate stage.”

VALENTINE DATE. Dahil nga malapit na ang Valentine’s Day, hindi rin maiwasang itanong kay BB kung ano sa kanya ang pagkakaroon ng date sa araw na ito.

“Naku, we are rehearsing!” sagot niya.

“Tsaka, I already have three Valentins [referring sa tatlong pinagpipiliang leading men].

“I guess, wala. Well, let’s see.”

Hindi na yung foreigner na minsan ay inamin niya sa isang interview?

“Malayo siya,” sabi ni BB.

“Well, ako kasi, I don’t believe in a long-distance love affair.

“So, ayun. Hindi ko ugaling makipag-Valentine sa isang taong malayo sa akin.”

ROBIN & MARIEL. Sa puntong ito, naitanong ng PEP kay BB kung ano naman ang reaksiyon niya sa mainit na love scene ng kapatid niyang si Robin Padilla at ni Kris Aquino sa teleseryeng Kailangan Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito raw ang pinagmulan ng "selos tweets" ng asawa ni Robin na si Mariel Rodriguez kay Kris.

“Naku, ewan ko! Meron ba dapat?

“I mean, para sa akin, ang tatanda na nila and they are all mature people, siguro naman alam na nila ang mga ginagawa nila.

“Kung totoo mang nagti-tweet si Mariel... well, welcome to show business.

“Nag-asawa siya ng isang Robin Padilla, e, ano ang magagawa natin?

“Well, I guess huhupa din ‘yan,” nangingiting pagwawakas ni BB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN