Kris Bernal on relationship with Carl Guevara: "Talagang malapit kami sa isa’t isa. Pero I’m not saying na kinu-confirm ko... hindi pa talaga kami—happy kami.”

Masaya si Kris Bernal kung anumang namamagitan sa kanila ngayon ni Carl Guevara dahil pakiramdam niya ay isa siyang "prinsesa." Sabi ni Kris, “Alam mo kasi, wala akong trabaho ngayon, talagang kung may kailangan akong puntahan, sundo-hatid ako. Hinihintay niya ako sa trabaho. Tapos, pag may nabanggit akong ganitong bagay, makikita ko, binibili na lang niya para sa akin… mga small things lang na hindi naman mamahalin."


Nangingislap ang mga mata ni Kris Bernal kapag napag-uusapan ang magandang takbo ng relasyon nila ng kapwa niya Kapuso star na si Carl Guevara.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa dressing room ng Party Pilipinas last Sunday, Frebruary 10, nakangiting sinagot ng young actress ang pangungumusta namin sa kanila ni Carl.

“Okay naman… masaya.”

Bakit siya masaya?

“E, kasi masaya na may taong sumusuyo sa iyo… para kang prinsesa,” nakangiting tugon ni Kris.

LIKE A PRINCESS. Paano ba ipinaparamdam ni Carl ang pagiging "prinsesa" niya?

“Alam mo kasi, wala akong trabaho ngayon, talagang kung may kailangan akong puntahan, sundo-hatid ako.

“Hinihintay niya ako sa trabaho.

“Tapos, pag may nabanggit akong ganitong bagay, makikita ko, binibili na lang niya para sa akin… mga small things lang na hindi naman mamahalin.

“Gaya ng pag sinabi kong, ‘Naku, nawawala yung blush-on ko.’ Bibilhan niya ako ng blush-on.

"Mga ganoon! Mga maliliit na bagay lang.

“Alam niyang mahilig ako sa Hello Kitty, ibinigay niya sa akin.

“Kahit walang okasyon, basta may nakita siyang something sweet, talagang ibinibili niya sa akin, ibinibigay niya sa akin.”

Hindi ba, dati nang generous o mapagbigay si Carl?

“Ganoon na siya dati, pero sabi niya, para sa akin, lumakas daw ang loob niyang manligaw.

“Kasi dati, hindi naman daw siya marunong manligaw.

“Dati, go with the flow lang daw pag may babae, pag may gusto siya.

"Pag nawala, okey lang.

“Pero ngayon daw, medyo matured na siya, parang nagiging responsable siya.

“Noong nakilala raw niya ako, marami raw siyang natutunan… ganda ko?” biro niya sa sarili.



MUTUAL FEELING. Kailan naramdaman ni Kris ang ganitong feeling para kay Carl?

“Siguro naramdaman ko yun kung paano siya at naging seryoso… matagal na, e. Siguro… basta!

“Umabot sa point na parang okey siya. Naramdaman ko na gusto niya, na love niya talaga ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansin naming vocal ngayon si Kris sa nararamdaman niya para kay Carl.

Dati ay ingat na ingat siya at nakalutang sa hangin ang mga statements niya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Carl.

Paliwanag niya, “Wala, siguro ngayon… parang wala namang kailangan itago, e…

“Siguro, mature na ako at nasa point na ako na puwede na akong magsalita.

“Matagal na rin ako sa industry. So, parang naging mas vocal lang ako…

“Na sana matanggap ako sa kung sino ang gusto ko, yung mga love ko.”

Ibig sabihin, puwede na niyang ipagmalaki kung sino ang boyfriend niya?

“Puwede-puwede naman, puwede ko namang ipagmalaki.

"Pero sa amin ni Carl, hindi ko naman idini-deny or itinatago.

“Pero masaya ako… talagang malapit kami sa isa’t-isa.

“Pero I’m not saying na kinu-confirm ko... hindi pa talaga kami—happy kami.”



CONFLICTING. Nag-react kami sa tinuran ni Kris. Matapos kasi niyang sabihing masaya siya at puwede na niyang ipagmalaki ang sinumang boyfriend niya, bigla niyang sasabihing hindi pa sila ni Carl.

Sabi naman niya, “Inaalagaan ko kasi ang career ko, inalagaan ko yun—pinaghirapan ko.

“Kailangang alagaan ko yung career ko, e. Nag-StarStruck ako…

“So, sa career ko ako naka-focus, nakatali.

"Baka kasi kapag naipit ako, nasaktan ako, makakalimutan ko lahat."

Tila naguluhan kami sa mga sinasabi niya, gayong malinaw naman sa kanyang mga deskripsyon sa nararamdaman niya para kay Carl.

Paglilinaw muli ni Kris, “Hindi. Gusto ko lang na may nandiyan para sa akin… parang comfort zone mo lang.

“Hindi naman… pero parang… basta.

"Yung may lalaking nandiyan para sa iyo, tanggap ka, mahal ka kung sino ka.”



PRESENCE. Alam ba ni Carl yung ganyang set-up na gusto niya lang na nandiyan siya, pero hindi sila?

“Alam niya yun, alam nya yun.

"Naiintindihan niya na pagdating sa trabaho, may kailangan akong alagaan.

“Alam niya na mahal na mahal ko yung career ko. ‘Ganito muna tayo, pero nasa sa iyo…’ Parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pero ganito muna. I mean, free ka na gawin yung gusto mo, free rin ako na gawin yung gusto ko.

“’Ayokong may nagbabawal sa akin. Ayoko ng naiipit ako… natatali ako.

“’Basta, i-enjoy lang natin yung kung ano meron tayo. Basta, walang commitment.’”

Paano kung naging busy na naman siya sa trabaho, dededmahin na naman niya si Carl gaya dati?

“Ganoon… trabaho! Trabaho lang talaga ako naka-focus.

“’Sorry kung makakalimutan kita sandali or mawawalan ako ng oras.’

“Basta, sa trabaho lamang talaga sa akin ang trabaho.”

Ibig sabihin, ready siyang pakawalan o mawala si Carl pag dumating sa point na may trabaho na siya?

“Kaya!" sagot ni Kris.

"Pero siguro hahanapin ko rin kasi na-appreciate ko naman yung mga ginagawa niya sa akin, kung paano niya ako sinusuyo. Ganoon.

“Pero sinasabi ko rin sa kanya na, ‘Maghanda ka rin, baka bigla akong mawala…’

“Siyempre, pag trabaho hindi ko talaga siya mabibigyan ng atensiyon gaya ng ganito o sa ngayon.”



VALENTINE SURPRISE. Ano ba ang plano nila sa Valentine’s Day?

“Sabi niya, may surprise daw siya. Sinabi na may surprise daw siya.

“Baka raw kasi may trabaho siya noong araw na iyon, pagbigyan ko raw siya sa surprise niya.

“So, sabi ko, ‘Sige.’”

Ano naman ang naiisip niya para kay Carl?

“Wala! Wala pa.

"Or parang… hindi ko naman kailangan na parang regaluhan siya na mamahalin or regaluhan siya.

“Sabi ko nga, wala naman kami sa status na magse-celebrate ng Valentine’s… magreregaluhan.”

Mabait ba talaga si Carl?

Tumango lang si Kris bilang sagot niya, at saka ngumiti nang pagkatamis-tamis.

Hindi ba nagseselos si Kris sa team-up ni Carl kay Jennica Garcia, gaya ngayong magkasama na naman sila sa bagong afternoon series Bukod Kang Pinagpala sa GMA-7?

“Hindi. Kung paano niya ako naiintindihan sa trabaho ko, sa team-up namin ni Aljur, ganoon ko rin inuunawa yung sa kanila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SIMILARITIES. Ano ba ang kaibahan ni Carl sa mga naging boyfriends niya?

Pag-alma ni Kris, “Parang ang dami ko namang naging boyfriends, ah!”

Hindi sinabi sa amin ni Kris kung ilan ang naging boyfriend niya, sa halip sinagot na lang niya ang tanong namin.

“Si Carl kasi matiyaga…

"Ang gusto ko sa kanya, naiintindihan niya yung mga dreams ko, yung mga gusto ko, yung trabaho ko. Yun ang importante.”

Mabait ba naman si Kris Bernal?

“Mabait… maganda pa! Charot!” sabay tawa ng young actress.

Mapaglaro ba siya sa mga lalaking nagkakagusto sa kanya? Player ba siya?

“Hindi, a! Hindi, a!” mariing tanggi ni Kris.

“Aaminin ko siguro, dati noong high school pa ako, puppy love-puppy love—player. Yung ganyan.

“Pero ngayon, matanda na ako, mature na ako. Tapos na yun.

“Time na para maghanap ng taong para sa future.”

Natatakot ba siyang ma-karma?

"Oo, ayoko noon," tugon ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN