Ai-Ai delas Alas says non-showbiz boyfriend treats her "as babae"; returns to concert stage with Korean superstar Psy

“Tinatrato niya ako as babae, ‘Syota ko ‘to. Girlfriend ko ‘to. Hindi siya si Ai-Ai,’ lalo na sa bahay namin. Kapag may work ako, tinutulungan niya ako, ‘yon ang gusto ko sa kanya. Doon ako bumibilib sa kanya, yung pagkalalaki niya ay buong-buo. Bihira na ang lalaking gano’n kaya mahal ko siya,” says Ai-Ai delas Alas about her non-showbiz boyfriend, Jed Salang.


Excited na ang Comedy Concert Queen na si Ai-Ai delas Alas sa pagbabalik niya sa concert scene sa pamamagitan concert ng Korean superstar na si Psy sa February 16, Sabado, sa SM Mall of Asia Arena.

Kaya naman todo raw ang dasal niya ngayon na makapagpahinga na para gumaling ang pabalik-balik niyang ubo.

“Stressed na stressed ako kasi may sakit nga ako.

“Nagpe-pray nga ako na, ‘God, sana makatulog na ako every day nang maaga.’

“Kasi kapag ubo ka nang ubo, wala kang boses kahit ano pang gawin natin,” sabi ni Ai-Ai sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa press conference na inihanda para sa kanya kahapon, February 12.

Sabi ni Ai-Ai, na-miss niya ang mag-perform sa isang concert.

Ang huling major concert ng comedy actress ay nang magdiwang siya ng ika-20 anibersaryo niya sa showbiz noong 2010.

Bagamat naging abala siya sa paggawa ng mga teleserye at pelikula, iba pa rin daw ang pakiramdam ng nagpe-perform nang live.

Saad ni Ai-Ai, “Masarap kasing marinig yung natutuwa yung mga tao.

“Ang movie kasi, makikita mo lang kapag tapos na.

“Ito, on the spot, makikita mo na tama pa lang yung ginagawa ko, tama pala yung timing ko, natutuwa pala sila sa akin, masaya sila.

"Masaya sa akin yun.

“Yung pagiging artist ko, yun ang food niya—palakpakan, tawanan.

“Modesty aside, yun naman talaga ang title ko first, di ba—Comedy Concert Queen?”



HOPING TO PERFORM WITH PSY. Bagamat bahagi siya ng two-hour concert ni Psy sa bansa, hindi naman masabi ni Ai-Ai kung makakasama siya ng Korean star sa pagsayaw ng hit single nitong “Gangnam Style.”

“Sana makasama ko siya,” asam ni Ai-Ai.

“Kaso depende, e. Kung gusto niya, puwede. Kung ayaw niya, hindi naman natin siya mapipilit, di ba?

“Okay na ako na at least nakita ko siya, nakapagpa-picture ako sa kanya, and naging part ako ng show niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ai-Ai lang naman ako, hindi naman ako Madonna.”

Bukod kay Ai-Ai, magiging bahagi rin ng concert ang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Ayon sa isa sa concert producers na si Joed Serrano ng That’s Ntertainment, sa Sabado, mismong araw ng concert, nila inaasahang darating ang Korean superstar.



REHEARSAL ON VALENTINE’S DAY. Samantala, magiging abala naman daw si Ai-Ai sa rehearsal para sa concert sa Araw ng mga Puso, February 14.

Ayon kay Ai-Ai, nasanay na siya na ganito palagi tuwing Valentine’s Day.

Katuwiran niya, “Kasi sa mga panahon na yun, wala akong [boyfriend], single ako, kaya dinadaan ko na lang sa work.

“Parang nakasanayan ko na.”

Pero dahil in love ngayon si Ai-Ai sa kanyang boyfriend na si Jed Salang, maiiba ang Valentine’s Day niya ngayon.

Biro pa niya, “Bago naman matulog, wala namang work. Ibang work ang ang gagawin namin!”

(CLICK HERE to read related article.)

Mas bukas si Ai-Ai na pag-usapan ang tungkol sa kanyang boyfriend ngayon dahil, “Alam naman natin na mahal ko si Jed.

“I think siya ang first na nakarelasyon ko na talagang open ako and nakakasama ko sa interview.”



MORE SERIOUS WITH RELATIONSHIP. Sabi ni Ai-Ai, hinihiling niya na maging seryoso na ang kanyang relasyon ngayon.

Aniya, “Kasi since last year, noong nagkasakit ako at muntik na akong ma-tegi doon, nagkaroon talaga ako ng realization na life is short.

“Gusto kong matikman sa buhay ko yung somebody [na mamahalin ko].

"Kung mawala man, at least I tried my best, na i-work out kung anuman yung mayroon kaming dalawa.”

Patuloy pa niya, “Ganun naman talaga ang buhay, di ba? I-enjoy natin.

“Marami talaga akong natutunan.

“Hindi lahat work, work, work. Hindi lahat pera-pera.

“May mga bagay sa buhay natin na hindi kailangan ng pera.

“Maraming bagay sa paligid natin, kung titingin lang tayo sa paligid natin, happiness na pala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malayo yung tingin natin pero nandito lang pala ‘yon sa harap natin.”

Nang tanungin kung ano ang espesyal sa kanyang boyfriend, ngumiti si Ai-Ai.

Aniya, “Tinatrato niya ako as babae, parang, ‘Syota ko ‘to. Girlfriend ko ‘to. Hindi siya si Ai-Ai,’ lalo na sa bahay namin.

“Kapag may work ako, tinutulungan niya ako. Yun ang gusto ko sa kanya.

“Doon ako bumibilib sa kanya, yung pagkalalaki niya ay buong-buo.

“Bihira na ang lalaking gano’n kaya mahal ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN