Sunshine Cruz wants "space" from husband Cesar Montano; returns to acting

Ito ang sagot ni Sunshine Cruz nang tanungin kung makikipaghiwalay na ba siya sa asawang si Cesar Montano: “Nag-uusap na kasi ang mga lawyers namin. Kaya hindi ko naman puwedeng idetalye ang mga kailangan naming gawin. Siguro pagod na akong ma-stress. It’s not doing me any good. So the best way siguro, talagang humiwalay na lang muna kami ng mga bata ng bahay. Ang focus ko kasi ngayon are my kids.”


Sa presscon ng kanyang pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story kahapon, February 12, sinabi ni Cesar Montano na kasalukuyan na niyang inaayos ang gusot sa pagitan nila ng asawang si Sunshine Cruz.

Dagdag pa ng aktor, mahal niya ang kanyang pamilya at hindi raw siya gagawa ng isang bagay na ikasisira nito.

Ngunit sa kabila nito, tila desidido pa rin daw si Sunshine na magkaroon ng “space” sa pagitan nila ni Cesar.

Hindi pa rin daw handa ang aktres na makipagkasundo sa asawa.

Sa ulat ni Pilar Mateo para sa Interaksyon na lumabas kagabi, February 12, kasalukuyan na raw naghahanap ng bahay si Sunshine para sa kanya at sa tatlo nilang anak na babae ni Cesar.

Nakausap daw ni Pilar si Sunshine sa isang dinner noong Linggo, February 10.

Diretsahang tinanong si Sunshine kung makikipaghiwalay na ba siya sa asawa pagkatapos ng mahigit labindalawang taong pagsasama bilang mag-asawa.

Tugon ng aktres, “Nag-uusap na kasi ang mga lawyers namin.

“Kaya hindi ko naman puwedeng idetalye ang mga kailangan naming gawin.

“Siguro pagod na akong ma-stress. It’s not doing me any good.

“So the best way siguro, talagang humiwalay na lang muna kami ng mga bata ng bahay.

“Ang focus ko kasi ngayon are my kids.”

Naganap ang panayam kay Sunshine sa isang dinner meeting niya kaugnay ng isang TV series para sa ABS-CBN.

Ito na marahil ang hudyat ng pagbabalik ni Sunshine sa pag-arte, na pansamantalang iniwan ng aktres mula nang ikasal sila ni Cesar noong 2000—maliban sa mangilan-ngilang paglabas sa TV at pelikula.



KISS OR HUG. Pagkatapos daw ng meeting ni Sunshine, nakipagkuwentuhan na ito kay Pilar at sa manager ng aktres na si Alfie Lorenzo.

Binibiro pa nga raw nila si Sunshine na baka puwede pang magbago ang isip niya, o baka isang “kiss o hug” ang kailangang gawin ni Cesar para maging okay na ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sagot daw ni Sunshine, “This is not the first time. Alam naman nating lahat ‘yan.

“Hindi ko alam what will happen next.

“But for the now, that is what I want to do.”

Nakapag-heart-to-heart talk na ba sila ng asawa matapos ang pagpu-post niya ng mensahe sa Twitter at Instagram noong January, kung saan inakusahan niya si Cesar na diumano’y may “affair” sa starlet na si Krista Miller?

Kasama ni Cesar si Krista sa pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story.

(CLICK HERE to read related story.)

Pag-amin ni Sunshine, “Nag-usap naman kami. Kaya meron na ngang mga abugado.

“Oo, sinuyo naman niya ako.

“Pero hindi naman materyal na bagay ang habol ko, tita. Kaya kong bilhin lahat yun.”

Handa naman kaya siyang mag-isang mamuhay at alagaan ang kanilang tatlong anak na babae?

Sagot ni Sunshine “Gusto ko na uli magtrabaho. Gusto ko nang makampante ang utak ko.

“I just want to take care of my kids.

“Siguro nga, space yung kailangan namin from each other at this point.”



TRUE TO LIFE? Ang sinasabing teleseryeng gagawin ni Sunshine sa ABS-CBN ay pagsasamahan nila ng pinsang si Sheryl Cruz.

Aniya, “Natuwa naman ako nung magkita kami kanina.

“We all know naman na nagkaroon ng konting tampuhan. But that was so long ago na. Tapos na lahat.

“Wala nang fingerpointing pa or whatever. We’re family pa rin."

Nag-ugat ang tampuhan ng magpinsan nang hindi umuwi sa Pilipinas si Sheryl nang mamatay ang ama nitong si Ricky Belmonte noong 2001.

Sabi pa ni Sunshine, “Kaya nga excited ako sa project, e.

“I will portray the role of the wife at siya naman yung mistress. Hanggang doon pa lang ang puwede kong sabihin.”

Birong tanong naman kay Sunshine: True to life ba ito?

Natatawang tugon ng aktres, “We’ll see… sorry na lang if I will have to use my hands para sa mga eksenang sampalan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos daw ay bigla na lang nanahimik si Sunshine na parang may iniisip na malalim.

Ngayong araw naman, February 13, ay nag-tweet si Sunshine ng ganitong mensahe sa kanyang Twitter account (@shinemontano): "Never confuse fiction to a nonfiction, left and right esp. the difference between the truth and a lie. Good morning everyone.♥"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN