Senator Chiz Escudero’s birthday gift to girlfriend Heart Evangelista is trip to U.S.

Kababalik lang ng magkasintahang Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero mula sa maikling bakasyon nila sa Amerika, na nagsilbi na ring regalo ng senador para sa kaarawan ng aktres. Magdiriwang ng kanyang 28th birthday si Heart sa Araw ng mga Puso, February 14.


Nakatanggap na raw si Heart Evangelista ng birthday gift mula sa boyfriend niyang si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Ito ay ang biyahe nila sa Amerika kamakailan.

Masayang kuwento ni Heart, “It was very good. Kasi magbi-birthday na ako, so iyon ang gift niya sa akin.

“Gusto ko makasama niya yung mga kapatid ko sa States kaya pumunta kami doon sa San Francisco.”

CLICK HERE for related photos.

Magdiriwang ng kanyang ika-28 kaarawan si Heart sa mismong Araw ng mga Puso, February 14.



THE ELECTION. Ayon sa ulat ng abs-cbnnews.com kahapon, February 12, hindi naging mahaba ang naturang trip nila dahil kailangang bumalik agad ni Chiz in time para sa proclamation rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda, Quiapo, kahapon.

Tumatakbo muli si Senator Escudero under the administration party of President Benigno Aquino, at isa rin siya sa guest senatorial candidates ng United Nationalists Alliance (UNA) ni Vice President Jejomar Binay at former President and Manila mayoralty candidate Joseph “Erap” Estrada.

Kahapon nagsimula ang pag-arangkada ng kampanya para sa national candidates.

Samantala, may mga nagkakalat ng intrigang maghihiwalay raw sina Chiz at Heart pagkatapos ng eleksiyon at ginagamit lang daw nila ang isa’t isa para lalong mapag-usapan o bahagi ng publicity.

Sagot ng senator dito, “Kung sino man siya, sana makilala ko siya.”

Patuloy ring pinaninindigan ni Chiz na hindi pa sila magpapakasal ni Heart.

Natatawa pa niyang sabi, “Kung meron mang [kasalan], hayaan mong siya ang unang makaalam at hindi kayo.

"Hindi naman yata tamang una pa kayong makaalam.”

Seryosong bawi naman ni Chiz, “Hindi naman namin ipinagmalaki at ipinagmayabang, pero hindi rin namin itinatago at hindi kami nagsisinungaling sa kung anong meron at wala kami.”

Sa usaping Valentine’s Day naman, wala pa raw silang parehong regalo sa isa’t isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN