Max Collins prefers non-showbiz boyfriend; has yet to meet Pancho Magno who reportedly has a crush on her

Ano ba ang ideal boyfriend para sa Kapuso young actress na si Max Collins? Sagot ng dalaga, "Kasi, mahilig ako sa mga funny na guys, yung may sense of humor. Ang gusto ko, yung mabait, malambing, at mapagkumbaba na guys. Gusto ko rin sana, yung wala sa showbiz.”


Single daw ngayon ang young actress na si Max Collins kaya wala raw siyang anumang plano sa Valentine’s Day.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Matutulog na lang ako and rest from taping.

"We’ve been busy taping Pahiram Ng Sandali, so it’s gonna be my rest time.”

Wala bang nagyaya sa kanya ng date sa Valentine’s Day?

“Ayoko, mas gusto kong matulog. And relax sa Reluxe Spa, magpapa-massage na lang ako.

“Dito na lang ako matutulog!” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa opening/blessing ng Reluxe Spa sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City last Sunday, February 10.

Ano ba ang mga bagay na nakakapagpa-relax sa kanya?

“Reading, music also and watching movies... getting massage—number one ‘yan,” sagot niya.



IDEAL BOYFRIEND. Nali-link ngayon si Max sa Kapuso hunk na si Pancho Magno, na sinasabing may malaking paghanga sa kanya.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Sagot ni Max, “I’m flattered. Actually, I haven’t been introduced to him and hindi ko pa siya nakakatrabaho.

“Nakaka-shock but I am flattered.

"Sana, I meet him in person one day.”

Posible bang mag-fit din si Pancho sa ideal boyfriend para sa kanya?

“I don’t know him as a person pa kasi... I look more into the personality of the person kasi, e.

“Kung funny siya, baka puwede.

"Kasi, mahilig ako sa mga funny na guys, yung may sense of humor.

“Ang gusto ko, yung mabait, malambing, at mapagkumbaba na guys.

“Gusto ko rin sana, yung wala sa showbiz,” sabi ni Max.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN