Mark Herras prepares for romantic intrigues with leading lady Kylie Padilla: “Hindi naman bago na ma-link o gawan kami ng issue, di ba?”

Panay na ang workout sa gym ni Mark Herras para sa mga susunod niyang projects. Sabi niya, “Kumbaga kasi, tapos na tayo doon sa pa-tweetums. At ayoko siyempre na… iniiwasan ko na rin iyong kapag pinapansin ako na, ‘Ang payat mo!’"


Excited si Mark Herras sa bago niyang project sa GMA-7, ang afternoon soap na Unforgettable, kunsaan makakatambal niya si Kylie Padilla.

“Tuesday [February 12] na ang pilot taping!” balita pa niya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas last Sunday, February 10.

“First time kong makaka-partner si Kylie, pero nagkasama na kami before sa Joaquin Bordado [2008], e.

“Actually, magkaibigan naman kami ni Kylie.

“Nasabi ko na nga dati na parang… hindi naman bago na ma-link o gawan kami ng issue, di ba?

“Pero iyon nga, basta ang plano namin dito is gagawin namin nang maayos iyong mga roles namin for Unfogettable na maa-appreciate din ng mga manonood.

“At medyo iba ang story nito kumpara sa ibang soap na ginagawa ko.

“Basta… iba, e. At kapag sinabi ko, malalaman na.

“Talagang kakaiba ito kumpara sa mga ginawa ko before.”



WORKING OUT. Kapansin-pansin na medyo lumaki na ang katawan ni Mark kumpara noon. Paghahanda ba niya ito para sa kanyang role sa Unforgettable?

“Hindi,” sabay ngiti ni Mark.

“Hindi naman talaga ako nagpapaganda ng katawan para sa soap.

“Before pa naman ako sabihan about it, talagang nagdyi-gym na ako. Ginagawa ko ito para sa sarili ko.

“Para kung sakaling talagang tuluy-tuloy na ang pagganda ng katawan, ma-appreciate ng network… matutuwa na sila.

“Kasi parang matagal nang sinasabi nila sa akin na, ’Mag-gym ka na…’ E, ako kasi, tamad.

“So ngayon, ginagawa ko ito, pero wala naman akong tina-target na anuman.

“Basta ako, nagwu-workout lang ako para sa sarili ko.

“Masipag akong mag-gym kapag may kasabay ako. At ang lagi kong nakakasabay, si Mike Tan.”



HUNK. Sa mga susunod na araw, puwede kayang i-expect ng kanyang mga tagahanga na may pang-"Cosmo hunk body" na siya?

“Wow!” natawa si Mark.

“Siguro... puwedeng oo, puwedeng hindi.

“Pero iyon nga, ginagawa ko talaga itong pagwo-workout para sa mga future projects ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga kasi… tapos na tayo doon sa pa-tweetums.

“At ayoko siyempre na… iniiwasan ko na rin iyong kapag pinapansin ako na, ‘Ang payat mo!’

“Medyo masakit na sa tenga iyong laging sinasabihan ng ’payat.’

"So, para maiba naman.”

Ibig kayang sabihin, okay na rin siya sa mga sexy roles?

“Siguro kapag handang-handa na ako.

"Kasi ngayon, nagsisimula pa lang ako na mag-gym.

“Actually, nagsimula ako mga November… nagpahinga ako before Christmas.

“Tapos, medyo napahaba iyong pahinga… napasarap iyong kain.

“So ngayon, maintain-maintain.

“Gusto ko lang maging maganda iyong… kapag nakita ako sa camera… na maa-appreciate ng mga tao na maganda na ang katawan ko.”



VALENTINE SURPRISE. Ngayong Valentine’s Day, paano sila magsi-celebrate ng girlfriend niyang si Ynna Asistio?

“Hopefully, wala akong taping,” sabi ni Mark.

“Kasi ang schedule ng taping is Tuesday, Thursday, and Saturday.

"Kasi naghahabol po kami dahil ieere na kami sa February 25.

“If ever na may trabaho ako sa araw mismo ng mga puso, puwede namang after Valentine’s Day na kami mag-celebrate.

“Actually before, simple lang ang pagsi-celebrate namin ng Valentine’s Day, e.

“Pero now, I’m planning something na iba.

“Gusto kong i-surprise si Ynna, and hopefully magawa ko,” nangiting sabi pa ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN