Alessandra de Rossi on being kissed in the neck: “Ayaw ng mga fans! It’s part of my self-preservation!”

Very vocal si Cesar Montano sa paghanga kay Alessandra de Rossi. Reaksiyon naman ng aktres, “Nakaka-touch naman. Siyempre, honored ako doon, kasi Cesar Montano yung nagsabi ng mga papuring iyon sa akin.”


“Masaya, makulit na tao si Cesar,” paglalarawan ni Alessandra de Rossi sa kanyang co-star at direktor sa pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story na si Cesar Montano.

Produced by CM Films, gaganap si Cesar sa pelikula bilang si Manila Mayor Alfredo Lim at si Alessandra naman ay gaganap bilang misis nitong si Amalia.

Bakit hindi masyadong kilala ng publiko ang misis ni Mayor Lim?

Paliwanag ni Alessandra, “Yun kasing asawa niya, ipinadala sa Amerika dahil may death threats—for protection, kaya hindi masyadong nakilala.”

Ano naman ang masasabi ni Alex kay Cesar bilang direktor?

“Si Cesar, very passionate siya as a director.

“Naidirek naman niya ako nang maayos at sinigurado niyang maganda ako sa mga shots ko. Kabilin-bilinan ko iyon!

“First time ko kasing maging leading lady... hindi ba, ang leading lady, dapat maganda?

“Hindi naman ako sanay na maganda ako,” ang tumatawang sinabi pa ni Alessandra.

Dagdag niya, “Ang importante, nag-enjoy naman kaming lahat.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Alex sa presscon ng Alfredo S. Lim: The Untold Story noong Martes, February 12, sa Lombardi Resturant sa Quezon City.

May matitindi ba siyang dramatic scenes dito, bilang kilala siyang mahusay na aktres at si Cesar naman ay isang mahusay na aktor?

“Well, wala namang mabigat na, as in iyakan, pero may emosyon. Marami kaming debate palagi bilang mag-asawa.

“At may landian,” sabay tawa ng aktres.



NO INTRIGUES. Kahit mag-asawa sila sa pelikula at sabi nga niya ay may landian na eksena, mabuti at hindi sila na-link ni Cesar?

May nagbiro pa kay Alessandra na hindi kasi malaki ang boobs niya kaya baka hindi siya type ni Cesar?

“May boobs ako, ’no? Iniiwan ko lang sa bahay, para magmukha akong harmless!

“Mahirap na, mahirap na,” tumatawang sinabi ni Alessandra.

Kilala si Alessandra na isang aktres na may prinsipyo at hindi ito pumapayag sa mga kissing scenes at love scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya nga supposedly ang gaganap na Heidi sa primetime series ng GMA-7 na Temptation Of Wife, pero tinaggihan niya dahil sa mga maseselang eksena. Kaya si Glaiza de Castro ang pumalit sa kanya.

Pero bakit sa Alfredo S. Lim: The Untold Story ay nagpahalik siya kay Cesar?

“E, kasi naman po, usually dahil sa mga roles na napupunta sa akin sa TV...

“Yung kontrabida, most of the time ang character description ay ‘Ginagamit ang katawan para makuha ang gusto.’ Iyon lagi ang nakalagay.

“So hindi ko tinatanggap yung ganoong klaseng role.

"Pero since kami naman ni Cesar, mag-asawa kami dito... sobrang sweet lang yung scene, walang mga...

“Ayoko kasi noong hinahalik-halikan ako dito,” sabay turo ni Alessandra sa kanyang leeg.

“Hindi ko talaga keri, hindi talaga!

“Ayoko ng dinidilaan ako sa leeg. Ay naku, hindi puwede ‘yan!

“Yung kissing scene namin, yung sa mag-asawang nagkabati lang.

“Hindi siya yung may gagawing masama o hindi kaaya-aya sa aking mga mata, alam mo yun?

“Ayaw ng mga fans! It’s part of my self-preservation!”



CESAR’S PET. Sobrang naaliw kay Alesandra ang kanyang leading man at direktor, at lagi raw nitong pinagtitripan ang kanyang cell phone.

“Tama! Ang ganda kasi, e,” sabay-pakita ng telepono niya na simple lang at hindi ganoong ka-high-tech.

Banggit nga raw ni Cesar, “Alessandra reminds me of Maricel Soriano” dahil sa cute na katarayan nito.

Younger sister ang turing ni Cesar kay Alessandra, at mahal na mahal siya nito dahil isa siya sa mga mahuhusay na aktres sa showbiz.

Tugon ni Alessandra, “Nakaka-touch naman. Siyempre, honored ako doon, kasi Cesar Montano yung nagsabi ng mga papuring iyon sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN