Marc Abaya instantly develops "brotherhood" with late mom’s protégé, Cesar Montano

Marc Abaya on his late mom, director Marilou-Diaz Abaya: “Isa po sa mga realizations ko nung mawala siya, na-realize ko kung gaano niya ako kamahal. Kasi yun nga, kay David kasi very loving siya e, kasi bunso, E. Sa akin, ‘Marc this, Marc that.’ Halimbawa, eto si David, kakain tayo, hihigop siya nang maingay, hihigop ako nang maingay. Pero ako yung papagalitan. Ang gusto kasi niya, maging panganay ako, mapabuti ako.”


Dream come true daw para kay Marc Abaya na makasama at maidirek ni Cesar Montano sa pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story, na ipalalabas sa mga sinehan sa Pebrero 27.

Si Cesar ay isa sa mga protégé ng yumaong direktor at ina ni Marc na si Marilou Diaz-Abaya. Nagkatrabaho ang dalawa sa mga pelikulang Jose Rizal (1998), Muro-Ami (1999), at Bagong Buwan (2001).

Siguro kung buhay raw ang kanyang ina ay tuwang-tuwa ito at yayakapin silang dalawa ni Cesar.

Kuwento ni Marc, “Isa sa first thoughts ko nung magkita kami ni Buboy [palayaw ni Cesar] bago mag-acting, sana nakita ni Mama ito, na naglalaro po kami ni Buboy.’

“Yun lang yung isa sa regrets ko na I wish nakita ni Mama ito.

“First sequence pa lang namin ni Buboy, tinutukan na kaagad ako [ng baril]. Talagang tutukan agad kami ni Buboy, patigasan.

“Siguro kung nakita ni Mama yung tindi ng eksenang yun, siguro pagkatapos yayakapin kami ni Mama.

“Ako, naiiyak dahil siya nakatrabaho niya si Mama, ako hindi.

“Pero after that sequence, inakbayan niya [Cesar] ako, alam na namin, e, na lalaki sa lalaki, alam ko yung gusto niyang sabihin.

“Nandun na yung brotherhood.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marc sa grand presscon ng Alfredo S. Lim: The Untold Story kahapon, Pebrero 12, sa restaurant na pag-aari ni Cesar, ang Bellissimo Ristorante sa Scout Rallos Extension, Quezon City.

Espesyal daw kay Marc ang pelikulang ito dahil ito nga ang kauna-unahang pagkatataon na nagkatrabaho sila ni Cesar.

“First time ever kaya nung first day, kilig na kilig ako.

“Para po siyang sayaw kasi trained din po siya ni Mama, e.

“So, ako naman po, trained kay Mama… si Mama as direktor bilang ano dapat ang makita niya. Si Buboy as actor.

“As an actor naman po, trained ako by Laurice Guillen, Johnny Delgado, Ina Feleo—na kababata ko pero mas magaling yun sa akin, taob ako doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang alam niya [Cesar] kung saan ako papunta, alam ko rin kung saan siya papunta.

“So, si Direk po, binibigyan ako ng freedom. Tapos konting molding lang.”


KNOWING MORE ABOUT CESAR. Hindi na rin daw naging maging mahirap ang adjustment sa set para kina Marc at Cesar.

“Hindi naman po kasi kilala ko po siya.

“I always heard po yung genuine love niya para sa pamilya ni Mama, kami, until yung mga final days ni Mama, yung bumibisita na siya.

“Tapos yun parang siyempre labasan ng tunay na kulay yun, e, so doon po namin nakita yung saloobin ng isa’t isa.

“Pero dito [sa movie], eto po yung first time na talagang nakilala ko siya mas lalo na yung tambay-tambay sa set.”

Ano yung na-discover niya kay Buboy?

“Kung gaano po niya kamahal si Mama.

“Tapos halimbawa, again nung final days po ni Mama, may gawain siya na lahat kami nandoon, e, so siyempre malungkot.

“Tapos papasok po siya, tapos kakanta na lang.

“Wala siyang hiya, kakanta siya, masayang-masaya. Yun hinaharana niya si Mama.

“Kami naman, hindi maintindihan yun until sa set na yun pala yung gawain niya.

“So, habang nagre-rest kami, napakasaya nung set.

“Yun ang pinakamasayang set na nasamahan ko kasi yun nga, bago mag-take, lahat po kami nagpupunta sa tent ni Buboy, lahat kami kantahan kami.

“E, rocker ako, so puro Juan dela Cruz, kantahan.

“So, talagang ako po, feeling ko po nakilala ko siya at masasabi kong mahal ko siya nang tunay hindi lang dahil siyempre yung bond po namin sa pagmamahal po namin kay Mama.”


THE CESAR-KRISTA ISSUE. Sa naturang filmbio umusbong ang isyu tungkol sa pagkaka-link ni Cesar sa baguhang aktres na si Krista Miller, na introducing sa pelikula.

Ito nga ang dahilan ng gulo sa relasyon ngayon ni Cesar at ng asawa nitong si Sunshine Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan ni Krista ang role bilang girlfriend ni Marc sa pelikula at magiging lover daw ng karakter ni Noni Buencamino.

Natanong tuloy ng PEP si Marc kung ano ang naramdaman niya sa pagkakaroon ng isyu kina Cesar at Krista.

“Very uncomfortable,” sagot niya.

“I know Krista kasi winorkshop ko yun e before we acted. She’s a beginner.

“When Direk Buboy introduced me to her, yun yung first sequence ko sa pelikula, e.

“So, everyone in the set po treated her like a baby kasi first-timer, e. So inalalayan po namin siya.

“And that’s what I had in my mind.

“Okay, baguhan ka, very beautiful, a lot of promise. Okay, period.

“And then si Direk Buboy, every time I would see him, parating naka-focus ‘yan on the film.

“Tulad po namin, pag may eksena kami, ire-rewrite niya yung script, so talagang focused siya, very intense director.”

So, paano niya sinuportahan si Buboy sa pinagdadaanan nitong isyu?

“By keeping silent,” tugon ni Marc.

“Until now po, hindi ko siya tinatanong because I know him. Very personal na yung problema.

“Because I saw him and Shine, they love each other. They were there when my mother died.

“So, ako lang, personally, I am wishing and I’ll be praying na magkaayos sila.”


SOUL SEARCHING. Ngayong 2013 nga ay nagsisimula na ulit maging aktibo sa showbiz ni Marc.

Simula kasi nang mamatay ang kanyang ina noong Oktubre 8, 2012 ay pinili muna niyang magpahinga.

“Kasabay ng pahinga yung soul searching.

“So, bumalik po kami sa resort ni Mama sa Solana [Dive Solana Resort sa Batangas], yung bahay niya, relax-relax lang.

“Yun nga, soul searching.”

Gaano katagal iyon?

“Siguro mga two months na solid na puro kami lang ni Dad, ni David [kapatid niya], at saka ng girlfriend ko, araw-araw magkasama.

“Yung banda ko, barkada ko, pumupunta rin po, yung sama-sama lang. Ang masarap sa kanila, inaalalayan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit tahimik ako, nandun sila, nagpapatawa… natutuwa naman ako.”


BACK TO WORK. Ang una raw trabahong tinanggap ni Marc ay ang teleseryeng ng GMA-7, ang Forever.

“Yung unang project na dumating po yung for GMA, yung Forever, yung kay Heart [Evangelista] at kay Geoff [Eigenmann].

“And then bigla pong pumasok ito [Mayor Lim filmbio], na even po bago pa mamatay si Mama, nagkukuwentuhan na kami ni Buboy, e.

“Iba nga dapat yung pelikula, tapos naging ito, so excited ako.

“So, doon po ako nabuhay ulit kasi bumalik yung sigla ko.

“Of course, calculating po ako na by 2013 may ilalabas po ako.”


VALENTINE’S DAY WITHOUT MOM. Bukas, Pebrero 14, ay Valentine’s Day na. Ito raw ang unang Araw ng mga Puso na hindi makakasama ni Marc ang kanyang mahal na ina.

Noong buhay pa ba ang kanyang Mama, ano ang espesyal na ginagawa niya para sa kanyang ina tuwing Valentine’s Day?

“Kami ni Mama, flowers. I make it a point parati na may flowers.

“Gusto niya yung white flowers—white roses, white lilies or tulips, bongga na.

“Si Mama, magkukunwari yun na ibigay mo na lang sa simbahan.

“Pero ang kuwento sa akin nina Papa, mga kasama ko sa bahay, si Mama raw kinikilig.

“Pero ayaw niya raw ipakita kasi ako po ang panganay e.”

Dahil nga raw sa pagiging panganay niya kaya hinihigpitan siya noon ng kanyang Mama. Pero ngayon nga raw niya naiintindihan ito.

“Isa po sa mga realizations ko nung mawala siya, na-realize ko kung gaano niya ako kamahal.

“Kasi yun nga, kay David kasi very loving siya e, kasi bunso, E.

“Sa akin, ‘Marc this, Marc that.’

“Halimbawa, eto si David, kakain tayo, hihigop siya nang maingay, hihigop ako nang maingay. Pero ako yung papagalitan.

“Ang gusto kasi niya maging panganay ako, mapabuti ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN