Kris Aquino on being mum about current crush: “Kung ang presidente nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?"

“Ayaw ko nang pilitin, e. Kung wala naman, e, di wala. Sa tingin ko naman, sobra-sobra naman yung love na ibinibigay sa akin ng mga anak ko, ng pamilya ko. If it will come, it’s a super bonus na from God. Pero kung hindi pa siya darating, okay lang din,” says Kris Aquino when asked about having a new lovelife.


Hiniling ni Kris Aquino sa media na huwag na siyang tanungin kung sino ang crush niya.

Sa press conference ng Pilipinas Got Talent Season 4 kanina, February 13, sunud-sunod kasi ang naging tanong sa celebrity judge tungkol sa crush niya, na kamakailan lang ay nabanggit niya sa kanyang personal na Twitter account.

“Ayaw kong mag-name ng names,” mariing pahayag ni Kris sa kabila ng pangungulit sa kanya ng entertainment press.

Paliwanag niya, “Honestly, when I name anybody, I get a barrage of kanegahan about that person.

“Siyempre, I’m the only one who gets to read it.

“So, parang feeling ko, ang daming kontra sa kaligayahan ko—whoever it is, ha.

“Kung anu-ano [ang sinasabi], nakita kasama ni ganito, ganyan.”

Ayon kay Kris, isa na sa mga biktima ang direktor at congressional candidate na si Lino Cayetano, na isa sa mga hinihinalang bagong crush ni Kris.

“Alam mo, si Direk Lino, nabiktima din ng madaming tweets kaya huwag na please.

“Kawawa naman siya. Tumatakbo siya. He doesn’t deserve that," pakiusap ni Kris.

(CLICK HERE to read related article.)

Nabanggit din ang pangalan ng MasterChef judge na si Jayps Anglo, na ilang beses nang naging guest sa morning show ni Kris na Kris TV.

Patuloy pa ni Kris, “Parang feeling ko, dedma na ako [sa mga negative opinion].

“I’m not gonna tell anyone of you kasi ang concern ko lang naman talaga is makasundo ko siya, makasundo siya ni Josh at ni Bimbs, and later on makasundo rin siya ng mga kapatid ko.

“Kung ano man ang opinyon n’yo doon, dedma na kasi wala naman yung kinalaman sa mga produktong ine-endorse ko at mga programa ko.”



“IT’S UNFAIR.” Sabi pa ni Kris, ayaw na niyang madamay pa sa kanyang showbiz life kung sino man ang ma-link or maging love interest niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naaawa lang talaga ako sa kanila kasi it’s so unfair.

“Parang hinuhubaran ang buong pagkatao nila...

"True talaga, and it’s not fair for somebody who didn’t ask for this life.

“Kasi, di ba, nobody asks for this life? It’s not like they have my paycheck.

“Kasi, if you’re gonna see me and then hahalukayin ang buong buhay mo, nawalan ka ng privacy.

“Buti sana kung yung sinusuweldo sa ’yo, yung sinuswueldo ko, dapat tanggapin mo ‘yon.

“Kung hindi, nage-gets ko naman talaga na it’s a lot to ask from a human being.

“This is the life I chose and my sons embraced this life because ito yung kabuhayan namin.

"For a person who just wants to get to know me, hindi.

“As much as possible talaga, hindi ko siya pag-uusapan kasi kawawa naman siya.

“Kung ang presidente nga kayang magkaroon ng private life, ako pa kaya?”



ON JAMES YAP. Katulad ng kanyang bagong crush, ayaw na rin pag-usapan ni Kris ang tungkol sa kanyang dating asawa na si James Yap.

Muling nilinaw ni Kris sa interbyu na hindi sila okay ng ama ng kanyang pangalawang anak na si Bimby.

“I don’t think we’ll ever be again,” sabi ng TV host-actress.

Dagdag niya, “I don’t wanna talk about him kasi ako na naman ang nega.”

Sa general press conference, naging bukas naman si Kris sa pagpapaliwanag tungkol sa “last check” na pinirmahan niya kamakailan para sa settlement nila ng dating asawa.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Kris, “Siguro birthday blues talaga—last night while taking care of Bimb I had to sign another check in the millions, last payment sa financial settlement w/ u know who.”

(CLICK HERE to read related article.)

Sabi ni Kris kanina, “Alam n’yo, nag-emote lang talaga [ako] kasi mahirap talaga mag-sign ng mga papeles na ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Anybody in that position, no matter how much you have, will identify where I’m coming from.

“Pero tapos na ‘yon.”

Natutuwa raw si Kris dahil hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng magandang balita mula sa kanyang talent manager na si Boy Abunda.

“God is really good because after that, Boy called and I got two new endorsements.

“Hindi tulog ang Diyos, times twenty yung ibinigay na endorsements na kapalit ng pinirmahan kong ‘yon.

“No issue with me or whatsoever.”



NO MORE BIRTHDAY BLUES. Sa ngayon, masaya na raw si Kris lalo pa’t ipagdiriwang na niya ang kanyang kaarawan bukas, kasabay ng Valentine’s Day, sa Siargao.

Sabi ni Kris, “Wala naman akong karapatang malungkot.

“Maraming ibang namomroblema and maraming mas mabibigat ang pinagdaraanan kaysa sa akin so, okay na okay naman ako.”

Wala na rin daw siyang birthday blues dahil, aniya, “Dumaan na. Natapos na siya.

“Alam ko mababaw ‘yon pero parang dapat hindi mo ie-equate ang self-esteem mo sa pananaw ng isang tao.

“The past two nights nga, super-umani naman ako ng papuri sa portrayal as Roxanne [sa Kailangan Ko’y Ikaw].

“Super-kilig talaga ako na wala na akong hihilingin pa.

“Thank you at na-appreciate nila lahat ng paghihirap.”

Nang tanungin kung kasama ang lovelife sa hinihiling niya para sa kanyang kaarawan, sagot ni Kris: “Ayaw ko nang pilitin, e. Kung wala naman, e, di wala.

“Sa tingin ko naman, sobra-sobra naman yung love na ibinibigay sa akin ng mga anak ko, ng pamilya ko.

“If it will come, it’s a super-bonus na from God.

“Pero kung hindi pa siya darating, okay lang din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN