Pilipinas Got Talent hosts Billy Crawford and Luis Manzano’s Valentine gifts for girlfriends purchased abroad

Billy Crawford (left) and Luis Manzano (right) are planning for a simple Valentine’s Day dinner with their girlfriends Nikki Gil and Jennylyn Mercado, respectively.


Hindi naiwasan ni Billy Crawford na sabihin ang regalo niya para sa girlfriend niyang si Nikki Gil sa press conference ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 4 kahapon, February 13.

Sunud-sunod kasi ang naging pagtatanong ng PGT judge na si Kris Aquino tungkol sa kanyang regalo ngayong Valentine’s Day.

Noong una, pabirong sinabi ni Billy, “I just came back from Dubai, actually. I bought a camel.”

Pagkatapos, nang tanungin ni Kris kung “shoes,” hindi na napigilan ni Billy, “Yes. I bought her something that she could use for work.”

Sumunod nito, nagkomento si Kris, “Uy, ang taray I’m sure. Bongga kasi ito magregalo ng shoes.

“Yung isang shoes na ibinigay, alam ko kung magkano kamahal ‘yon, downpayment na ng sasakyan.”

Pero hindi na naman nakaiwas si Billy nang tanungin siya ni Kris, “Same brand?”

“Yes,” ang maiksing sagot ni Kris.

Halata sa mukha ni Billy na ayaw pa sana niyang sabihin kung anong brand, subalit nagtanong ang columnist at PEP contributor na si Allan Diones, “Ano’ng brand Kris?”

At agad naman itong sinagot ng TV host-actress, “[Christian] Loubotin.”

Natawa na lamang si Billy at sinabi, “Sabihin ko sana Bench.”

Ngayong araw, February 14, simple lang daw ang plano niya para sa kanila ng girlfriend niya of four years na si Nikki.

“It’s our fifth Valentine’s Day. So, to keep it interesting, sobrang hirap.

“Pero for a change, I think we’re gonna keep it simple.

“Kaming dalawa lang magsasama and we’re gonna have a beautiful dinner together.

“Then, after that, we’re gonna join her parents.”



EIGHT PLATINUM WATCHES FOR JEN. Kung napaamin ni Kris si Billy tungkol sa kanyang Valentine’s Day gift para kay Nikki, naitago naman ni Luis ang regalo niya para sa girlfriend na si Jennylyn Mercado sa pamamagitan ng pagiging makuwela.

Seryosong sinabi ni Luis, “Simple lang kasi si Jen, e. Simple lang siya, since very modest lang siya, I got her walong platinum na relos!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtawanan ang lahat ng tao sa loob ng Dolphy Theater, pero patuloy pa rin ni Luis, “Iba-ibang timezone. Mayroon sa New York, sa Egypt…

“Mas mabuti na ang aware kaysa tanungin ka, aanga-anga ka. Alam mo na lahat.”

Nang humupa na ang tawanan, naging seryoso na si Luis sa kanyang sagot.

Sabi niya, “It’s a very simple gift.

"Kasi kami, kapag Valentine’s hindi kami… more on sa birthdays kami medyo nag-o-all-out sa regalo.

“Itong Valentine’s, medyo surprise pa.

“In fact, I had to order it pa.

“Darating siguro, hopefully, by next week. It’s very, very, simple, nothing fancy pero sweet.”

Pagkatapos ay wala nang karagdagang detalyeng binigay si Luis bukod sa “his and hers” na gift item daw ito na galing States.

Pagdating naman sa plano niya ngayong Valentine’s Day, sinabi ng PGT at Minute to Win It host na simple lang din ang naiisip niya.

“Kasi dapat may taping [si Jennylyn ngayon], e, last minute na-pack up.

“Dapat sana pupuntahan ko siya sa trabaho.

“Since na-pack up the last minute, we’re gonna have the same as Billy’s [plan], simple dinner lang.

“We’re gonna have a simple dinner tapos tingnan natin kung saan mapupunta.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN