Benjamin Alves on having a girlfriend: “Hindi ko pa po siguro panahon para magka-girlfriend or mag-pursue ng babae, kasi wala pang ibinibigay ang Diyos, e.”

Hindi maiwasang ma-associate ni Benjamin Alves sa uncle niyang si Piolo Pascual. Pananaw ni Benjamin tungkol dito, “I’ve never been irritated by or insecure by it. He’s a very supportive and loving uncle—a relative.”


Natupad na ang pangarap ni Benjamin Alves na maging abogado kahit sa isang teleserye man lamang.

Gaganap na abogado si Benjamin sa bagong afternoon series ng GMA-7 na Unforgettable, na pagbibidahan nina Kylie Padilla, Mark Herras, at Phillip Salvador.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Benjamin, inisip daw niyang kumuha ng Law pagkatapos ng kolehiyo.

Saad ni Benjamin, “An English degree is really a good degree for pre-law.

“I thought about it… I thought a business law.

"Pero dito pa tayo [sa showbiz] at hindi pinalad na mapunta po ako doon.

“At gusto ng Diyos na nandito po ako sa Pilipinas at mag-showbiz. Yun po.”



DREAM CAREER. Natuwa raw si Benjamin nang bigyan siya ng ganitong role sa bago niyang acting project.

“Ang gusto ko po sa ganitong role, never po in my life I’ll be a lawyer anymore.

“So, ah… maganda po siyang gampanan at marami po akong matutunan.

“Kasi po, when you take po any role, pag lawyer ka, lawyer ka sana.

“Kasi yung mga manonood na lawyers, makikita po nila yung authentic na pagka-abogado po ako.

“So, I’m really gonna prepare for it and I’m excited to develop the character.

“Kasi po, ang pangalan ko po dito ay Miguel de Ocampo, yung pagiging lawyer niya, profession po niya yun.

“Meron pang ibang aspects si Miguel de Ocampo, hindi naman po na puro yung role ko as a lawyer or law lang yung pag-aaralan ko.”



WITH PHILLIP SALVADOR. Kasama rin sa soap ang beteranong aktor na si Phillip Salvador. Hindi ba siya natatakot na harapin sa acting si Ipe?

Saad ni Benjamin, “Well, he’s been very nice, he’s been very supportive the whole story conference.

“Then, nag-pictorial po kami.

“Ano po siya, masarap kausap, kasama.

"Alam ko po pag nag-eksena na kami… and I know that if we have scenes na mag-aaway po kami… Ah… good luck po sa akin! Baka tumiklop po ako! Titiklop po ako doon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Buti na lang, ako po yung anak at hindi ako yung ama, kasi titiklop po talaga ako sa bangis ni Don Ipe.”

Nasampolan na ba siya ng bangis ni Ipe?

“Hindi pa naman po. Pero expected na po yun lalo na yung role niya na dad at lawyer din.

“Maglalaban po kami sa korte. At hindi lang sa korte, sa pamilya rin po namin.

“So, exciting… pero nakakatakot.”

Hindi ba nai-intimidate si Benjamin kay Ipe lalo’t matalim at seryoso ito pag tumingin?

“No, no... mabait po si Tito Phillip,” sabi ni Benjamin.

“Siguro po, pag years of acting na ganoon pong roles, siguro pag nakikita ko po si Kuya Ipe, nakikita ko po noong bata ako… na napapanood ko siya, doon po lumalabas yung natatakot po ako sa kanya.”

Nailang ba siya sa unang pagkikita nila ni Phillip?

“Hindi naman po. Kasi pagpasok po ng storycon, nakangiti na po siya.

“Magkasundo naman po sila ni Tita Gina [Alajar], kumusta-kumusta sila… good vibes naman po sila, e.

"So, I’m not scared per se, kasi I’m really prepared naman po for my role… bahala na po.

“Siguro pag nagkaeksena na kami, doon na po ako matatakot sa kanya.

“E, okay naman po yun dahil dapat naman talagang takot ako sa ama ko.”



PERSONAL CHOICE. Single ngayon si Benjamin at wala siyang ka-date noong Valentine’s Day.

“It would be nice to think of somebody just for Valentine’s Day, pero nakakahiya naman po doon sa babae…

“Para lang masabing may kasama ka sa Valentine’s Day, na kahit na gusto kong may makasama sa Valentine’s Day, kung yun lang po ang ini-invest ko sa kanya, huwag na lang po.

“Hindi ko pa po siguro panahon para magka-girlfriend or mag-pursue ng babae, kasi wala pang ibinibigay ang Diyos, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Choice ba niyang maging single?

“Yeah,” pagsang-ayon agad ni Benjamin.

“It’s really a choice.

“There’s a lot of people here, you know, especially when you’re working, you get to know a lot of people.

“Pero it’s really a choice, hindi pa panahon, e. Wala pa akong time na mag-i-invest sa babae.

“So, I’m sure, pag ibinigay ng Diyos, maayos na ang sitwasyon, maayos na ako sa trabaho… lahat-lahat.”

ONE GIRLFRIEND. Naging uncomfortable naman ang baguhang aktor nang simulan naming magtanong tungkol sa pinakahuli niyang girlfriend.

“I’ve only one girlfriend, so iyon lang yun… I’d rather keep that a secret,” iwas niyang magbigay ng detalye.

Paano kaya kung ma-link siya kay Kylie.

“Well, that’s expected for my job. Kung mali-link po ako kay Kylie, kami ni work, expected na po yun.”

Ready na ba siyang itapat kay Aljur Abrenica, na sinasabing boyfriend ngayon ni Kylie?

Sagot ni Benjamin, “Si Aljur, para ko pong kapatid ‘yan.

"Wala pong mangyayari na pagdi-date or magkakagusto sa isa’t isa [Kylie].

“Bilang isang lalaki, hindi ko po gagawin. Kasi ang taas po ng respeto ko kay Aljur.

“Maski pag-isipan ko po, hindi ko po ginagawa. Choice po yun na hindi mo pag-isipan si Kylie.”



UNCLE PIOLO PASCUAL. Si Benjamin ay pamangkin ng Kapamilya star na si Piolo Pascual, kaya tinanong namin ang Kapuso actor kung nagkakausap sila ng kanyang uncle.

“Yeah, yeah, always,” pagkumpirma niya.

“Actually, in QC, magkapitbahay po tayong lahat. Pero… yeah, we are always in contact.”

Kapansin-pansin ang malaking pagkakahawig ni Benjamin kay Piolo—sa hugis ng mukha, pati na rin sa pagtawa at speaking voice.

“Siguro po, sa madalas na pag-uusap at pagsasama. Siguro, nangyayari lang po na sigurong ganoon.”

Hindi kaya dahil sa genes nilang dalawa?

“Siguro po, siguro po,” kumpirma naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya si Benjamin para sa kanyang uncle Piolo lalo’t nagbukas na ang bago nitong teleserye sa ABS-CBN, ang Apoy Sa Dagat.

Naitanong din namain kay Benjamin kung happy ba naman kaya sa lovelife ang kanyang Uncle Piolo?

“I think he’s happy period, you know. Lovelife? I think he’s praying for it.

“Even me, I’m praying for it also.

"So, darating po yun na ibibigay po ng Diyos yung tamang babae, sa tamang sitwasyon.

“Mangyayari po yun. I’ll just you know… prepare for it.”



GMA-7 CONTRACT. Mula nang pumirma ng kontrata si Benjamin sa GMA-7, hindi na siya nawalan ng trabaho.

Saad niya, “I really wanna develop myself as an actor.

“Sana po tuluy-tuloy lang yung mga shows namin at pagbigat noong mga roles na ibinibigay sa akin.

“Also, I wanna go back to movies. Pag doon po, iba yung platform at mabilis po yung package.”

Wala pa ba siyang kasunod na movie?

“I heard that I’m gonna be doing Cinemalaya, I’m not sure yet. But I’m excited for that.

“If it does pushes through, I’m gonna be working again with someone before.”

Pag nag-produce ba uli si Piolo, willing ba si Bejamin na gumawa ng pelikula para sa uncle niya?

“Well, I have a contract with Regal for so many years. I’m gonna honor Mother Lily’s investment in me. I’m gonna do that first.

“Nandiyan naman po si Kuya PJ [tawag niya kay Piolo]. Habang buhay ko pong makakasama siya sa lahat po, e. So, eventually… sure.

“Pero right now, I’m humble and grateful sa kontratang ibinigay sa akin ni Mother Lily at ni Maam Rochelle [Monteverde].

“I’m gonna honor that until it’s finished, then after that, we’ll see.”

Hanggang kailan siya maa-associate sa uncle Piolo niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, as long as I’m related to him, hindi na po mawawala yun—tatanungin at tatanungin ako tungkol doon.

“I’ve never been irritated by or insecure by it. He’s a very supportive and loving uncle—a relative.

“I’ve no problem with it. If you ask me, I’m always truthful about it.

“I never want to back off from it, unless sumosobra sa pagtatanong.

“So, he’s my uncle, so, I’ve no problem with it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN