Kris Bernal and Carl Guevara: Not yet an item but admit mutual understanding

Seryoso si Carl Guevara sa panliligaw nito kay Kris Bernal. Kaya ang pakiramdam ng dalaga, “Tapos, special ako. Kasi, iba… iba ang ipinapakita sa akin ni Carl. Iba ang treatment niya… para talaga akong prinsesa at ang feeling ko, babae ako.”


Masugid na nanliligaw muli si Carl Guevara kay Kris Bernal, matapos patigilin muna ng young actress ang hunky actor noong kasagsagan ng primetime series na Coffee Prince.

Ngayong tapos na ang teleserye ni Kris kapareha si Aljur Abrenica, madalas na namang makita ang dalawa na magkasama.

Noong Linggo, February 10, magkasama sina Kris at Carl sa opening/blessing ng Reluxe Spa—na pagmamay-ari ng kanilang manager na si Perry Lansingan—sa Luxent Hotel sa Timog Avenue, Quezon City.

Sabay na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kris at Carl.

Ayon kay Carl, isinama niya si Kris para suportahan si Perry at ang ibang mga kasamahan niya sa PPL.

“Siyempre, para masuportahan sila sa kanilang bagong spa at masaya ako para sa kanila.

“Nagkataon naman si Kris, wala siyang schedule ngayon nang tanungin ko siya kaya sabi ko, kung gusto niyang sumama.”

Sabi naman ni Kris, “Support din kay Perry at sa PPL family at siyempre, invited ako ni Carl.

“Ipinakilala niya rin ako sa buong PPL family dahil hindi pa naman ako nakakasama sa events nila, gathering nila.”



AVID SUITOR. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakitang magkasama ang dalawa buhat nang nagpahayag si Carl na gusto niyang ligawan muli si Kris ngayo’t wala pang panibagong project ang dalaga.

Saad ni Carl, “Ako kasi, itinutuloy ko lang ang panliligaw ko.

“Sa akin kasi, hindi ko na tinitingnan kung matagal ang panliligaw ko o hindi, basta enjoy akong suyuin si Kris.

“Masaya akong kasama siya.”

Masaya naman daw si Kris sa ginagawang panunuyo sa kanya ni Carl.

Sabi ng Kapuso actress, “Masaya yung feeling na alam mong may taong nandiyan para sa iyo.

“Hindi lang sa problema, nandiyan din siya para pasayahin ka.

“Yun lang talaga ang nasa isip ni Carl kung paano niya ko mapapasaya.

“Yung maliliit na bagay na ginagawa niya for me, naa-appreciate ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, kahit na busy o may ibang schedule at ginagawa ako, talagang hindi niya kinakaligtaan na may isang araw na meron siyang hindi magawa sa akin.”

Nasabi ni Carl sa isang interview na magwa-walong buwan na raw siyang nanliligaw kay Kris.

Natawa naman si Kris at saka sinabing, “Buti nga siya, bilang niya.”

Sagot naman ni Carl, “Hindi mo bilang?”

Natatawang nag-sorry si Kris kay Carl.



TESTING. Pero, pinahihirapan ba niya si Carl?

Sagot ni Kris, “Hindi naman sa pinahihirapan. Pero sa eight months na yun, naramdaman ko kung gaano siya ka-sincere.

“Naramdaman ko kung ano talaga ang gusto niya sa akin. Naa-appreciate niya yung ugali ko, kung sino talaga ko.”

Bakit hindi pa niya ito tuluyang sagutin?

“Oras lang siguro, hindi pa lang ngayon,” sabi naman ni Kris.

“Kasi, alam niya na may trabaho rin ako at may trabaho rin akong inaalagaan.

“At gusto kong panatilihin pa ang friendship namin o kung anumang espesyal na meron sa amin.”



VALENTINE PLANS. May plano sana si Carl sa magiging Valentine’s Day nila ni Kris.

Sabi ni Carl, “Nag-set ako ng isang araw para i-prepare.

“Siyempre, ang tagal ko rin na walang naging girlfriend.

“Ang tagal ko rin na walang date ng nakaraang Valentine’s Day kaya ngayon lang ako babawi.”

Yun nga lang, habang isinusulat namin ang artikulo, sinubukan naming i-text si Kris at tanungin kung natuloy ang plinano ni Carl na date nila.

Ang reply ni Kris, “Nasa Gensan ako.”

May trabaho si Kris at mukhang hindi niya talaga nagawang mapa-block-off ang araw na ito.

Pero sabi niya noong Linggo, “Sana maging masaya ang Valentine’s ko.

"Kasi, ngayon ko lang din na-feel na importante ako—love ako.

“Tapos, special ako. Kasi, iba… iba ang pinapakita sa akin ni Carl.

“Iba ang treatment niya… para talaga akong prinsesa at ang feeling ko, babae ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsahan naman naming tinanong si Kris kung masasabi nilang kahit hindi pa sila ay may “mutual understanding” na sila.

Mabilis na sagot ni Kris, “Oo, aaminin ko. Hindi pa talaga officially na kami.

“Pero siguro, happy lang kami sa company ng isa’t isa. Happy rin kami na magkasama.

“Ayaw rin namin na, ako, personally, kung tatanungin ako, ayoko rin nakatali.

“Kasi, kung may trabaho ako, baka may mga bawal, may mga problema.

“Kung ano tayo ngayon, enjoy lang natin. Kung wala, wala. Yun ang gusto ni Lord.”



WHAT IF? Kung magka-loveteam kaya si Kris at Carl, mas magiging madali at magaan ba sa kanila na magkaroon ng relasyon?

“Hindi rin,” sagot naman ni Kris.

“Kahit magka-loveteam kami, hindi rin madaling sabihin na kami. Hindi ko sinasabi ito dahil may ka-loveteam akong iba.

“Hindi ko dine-deny, gusto ko lang talaga ang trabaho ko na walang negative o masama.

“Kasi yun nga, pinaghirapan ko siya at dahil lang dito, mawala o mabahiran ng hindi maganda.”



ON TRAVEL. Ngayong March, magbabakasyon daw si Kris sa Europe at pinag-ipunan daw niya ang kanyang biyahe.

“Ako, Mama ko at saka ang kambal kong kapatid.”

Biro naman namin kay Kris, bakit hindi kasama si Carl?

“E, siya ang may show [Bukod Kang Pinagpala].”

Ilang buwan na rin wala pang kasunod na teleserye si Kris pagkatapos ng Coffee Prince, pero heto’t isang buwan pa siyang magbabakasyon sa Europe.

Sabi niya, “Matagal ko naman ng pinagplanuhan.

“At saka, pinag-ipunan ko talaga. Mahal din ang pamasahe.

“Kasi, palagi na lang kaming nagbabakasyon sa mga Asian countries.

“Ngayon, Europe naman. In fairness, naipon ko siya,” masaya niyang sabi.

Gaano niya ito katagal pinag-ipunan?

“Siguro mga one and half year rin. Noong naisip ko, wala nga akong luho.

“Hindi ako bumibili ng bahay, hindi ako nagpapagawa ng bahay.

“Pinag-ipunan ko at lahat naman kasi ng ipon ko, for the family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN