Nadine Samonte on mysterious flower sender: “Basta, may nakalagay lang na, ‘Happy Valentine…’ Okay lang, e, secret kung secret.”

Inabot ng lima o anim na taon bago nagkaroon ng pelikula si Nadine Samonte. Sabi niya, “Tapos, heto, dumating na. Tapos, ang role ko pa ay sobrang bigat, sobrang challenging. Kaya, soba sobra din ang tuwa ko.”


Walang ka-date ang Kidlat star na si Nadine Samonte nitong nakaraang Valentine’s Day.

Inamin niya ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa Resorts Worlds Manila sa mismong Araw Ng Mga Puso, February 14.

Si Nadine ang naging guest sa dating game ng hotel at siya rin ang mapalad na napiling searcher.

Bungad niya, “O, hayan, nakita na ninyo kung sino ang ka-date ko!”

Isang non-showbiz na contestant ng dating game ng Resorts World ang tinutukoy ng aktres.

Tuluy-tuloy pa ang kuwento ni Nadine sa mga pangyayari sa ginaganap na contest.

“Nakakatuwa nga kasi di ko akalaing ako ang mapipili niya.

“Haba ng tsikahan namin. Okey naman siyang kausap… estudyante pero mukhang mabait.

“Tsinito na naman!” pahabol niya.



BREAKUP. Bigla tuloy siyang nagbalik-tanaw sa panahon nila ng pitong taon niyang nakarelasyon na si Emerson Chua.

Matatandaang nakipag-break si Nadine kay Emerson bago mag-Pasko noong nakaraang taon.

“Kasi naman, ilang taon din kaming nagkasama kapag Valentine’s Day.

“Usually, dinner-dinner lang kami. Pero, gone na yun, e. Hayaan na natin.

“Nag-try sana siyang bumalik pero wala na, e.

"Ako na rin ang nagsabi sa kanya na ayoko na.

“Kasi feeling ko, wala siyang plano para sa aming dalawa.”



MYSTERY ADMIRER. Ano na lang ginawa niya sa buong araw na kung saan halos lahat ay abalang-abala sa pagde-date?

“Heto, natulog buong araw!” bulalas niya. “Beauty rest talaga ako.

"Then, yun, nag-prepare for this dating game kasi commitment ko na ito.

“Pero nakakatuwa, kasi may nagpadala sa akin ng bouquet of red roses. Ang ganda nga niya.

“Ang mystery nga, e, di ko alam kung sino ang nagpadala. Talagang pinag-isip ako ng todo.

“Alam mo, doon sa card, wala talagang nakasulat kung kanino nanggaling.

“Basta, may nakalagay lang na, ‘Happy Valentine.’ Until this time na papunta tayo sa Resorts World, di ko pa alam ang identity niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya galing kay Derek Ramsay o sa mixed martial artist na balitang nagpaparamdam sa kanya?

“I don’t know. Wala man lang sa kanila ang nag-message sa akin na siya yun o hindi.

“Okay lang, e, secret kung secret,” sabi niya.

Patuloy pa rin ang speculation ni Nadine kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak.

“Kanina kausap ko si Derek sa phone, pero wala naman siyang inaamin—no problem.”

Baka naman galing kay Jake Cuenca na leading man niya sa katatapos pa lang niyang i-shoot na Cinemalaya movie na Nuwebe.

Sagot ni Nadine, “Hindi naman siguro. May iba namang padadalhan yun.

“Si Jake, naging close kami talaga sa Marinduque kung saan kinunan yung movie.

“Kasi, nasa lugar kami na kung saan, walang amenities—walang wi-fi, walang signal ng phone, walang cable.

“Ang tendency, e, kami-kami lang talaga ang nagkukuwentuhan.

“Appreciated ko nga siya sa sobrang bait at mapag-alaga siya.

“Like, yung may isa akong eksena kung saan talagang affected ang mom ko, siya talaga ang nag-comfort sa kanya.”



DELICATE SCENES. Pag-uusapan daw ang ilang maseselang eksena sa movie. Inalam namin ito sa TV5 contract artist.

“Well, may maseselang eskena,” pag-amin niya.

“Pero it’s too early to talk pa. Hindi pa naman ipalalabas yung movie, ayaw ko naman pag-usapan na, kasi baka ma-preempt yung publicity sa movie.

“Basta ang masasabi ko lang, e, kaaabang-ibang yung pelikula namin, kasi talagang lahat ng cast ay nagtulung-tulong para mapaganda ito."

Napilit pa rin naming magbigay siya ng hint.

Saad niya, “Ah, okay, sige, bigyan ko kayo ng isang eksena na ngayon ko lang ginawa…

“Meron isang scene dito merong pumping scene si Jake.

“Yun lang muna.”

Matagal din pala siyang naghintay na magkaroon ng isang solo movie.

“Hindi naman totally na solo movie, kasi nandito naman si Jake.

“Yung sa akin lang, sobrang tagal din talaga akong naghintay ng isang movie… like, five or six years din akong naghintay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung talagang wala akong break. Tapos heto, dumating na.

“Tapos, ang role ko pa ay sobrang bigat, sobrang challenging.

“Kaya, sobra-sobra din ang tuwa ko,” pagtatapos ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN