Kris Aquino denies being victim of Aman investment scam

Habang nagbabakasyon sa Siargao, nilinaw ni Kris Aquino sa panayam sa kanya ni Ted Failon ang report na may investment diumano siya sa Aman Futures Group. Saad ng TV host-actress, “Ayaw ko talaga ng risky na investment. Doon lang ako sa mga coupon, coupon at trust fund ng mga anak ko, at sa SDA [special deposit account]."


Itinanggi ni Kris Aquino na isa siya sa mga nabiktima ng malawakang investment scam ng Aman Futures Group.

Ito ay ayon sa ulat na lumabas sa abs-cbnnews.com ngayong araw, February 15, base sa interview ni Ted Failon sa dzMM sa Queen of All Media.

Matatandaang sa report ng Borneo Insider, isang local newspaper sa Malaysia, noong January 30—na may pamagat na “Who is Manuel K Amalilio aka Mohammad Kamal bin Said CEO of Aman Futures Group Philippines INC”—ay pinangalanan dito si Kris, na isa diumano sa mga biktima.

Bahagi ng artikulo ay nakasaad na, “President’s own sister among thousands swindled… Among those victimized included senior Philippines government officers and even the President’s own sister Kris Aquino was said to be among them, who was said to have invested 50 million pesos in it.”

Sa panayam ni Ted kay Kris ngayong araw, habang nasa bakasyon ang TV host-actress sa Siargao, tuwirang pinabulaanan ni Kris na nag-invest siya sa Aman Futures na pinamumunuan ni Manuel Amalilio.

Diin ni Kris, "Totoo naman talagang wala akong in-invest dito.

“Hindi ko sila kilala, hindi ko sila nakahalubilo, wala kong P50 million na inilagay sa Aman na yon."

Dagdag niya, "I’m not passing the blame, pero remember yung pinagiba mo doon sa Boracay? Hindi ba kapangalan ko din ang may-ari noon?

“Hindi ba yung resort yung in-expose mo na walang permit... so baka naman [kapangalan]."

Inamin ni Kris na may mga kaibigan siyang nag-invest sa Aman, pero hindi raw siya naalok na mag-invest dito.

Aniya, "Never. May kaibigan akong nag-invest diyan, pero noong nabalitaan ko, sabi ko nakakatakot yung ganyan sobrang laki ng interest talaga.

“Sa sobrang pagpupuyat para kitain ang pera at paghihirap, so doon lang ako sa safe.

“Ayaw ko talaga ng risky na investment. Doon lang ako sa mga coupon, coupon at trust fund ng mga anak ko, at sa SDA [special deposit account]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN