Jasmine Curtis Smith on real score with Sam Concepcion: "We are in touch, we are very good friends, we hang out, we have same circle of friends, we know each other."

Aminado si Jasmine Curtis na kadikit niya ang anino ng sikat niyang kapatid na si Anne Curtis, pero hamon daw ito sa kanya. Aniya, “I think I take it as a challenge that people said that to me, kasi maganda na yun na ang bar ng standard ng tao ngayon—for me na maka-level ko si Ate.”


Nali-link ngayon ang young actor na si Sam Concepcion sa nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis Smith.

Nakikita silang magkasamang lumalabas, at kung tutuusin ay wala namang problema dahil balitang single ang dalawa.

Nasa nakaraang meet and greet ng American Idol na si Jessica Sanchez

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Jasmine sa meet and greet ng American Idol na si Jessica Sanchez sa SM Skydome last Monday, February 11.

Tinanong namin siya kung totoo ngang nanliligaw si Sam sa kanya.

Sagot niya, “We are in touch, we are very good friends, we hang out, we have same circle of friends, we know each other.

“Siya na lang ang tanungin ninyo tungkol sa ligaw-ligaw na ‘yan,” suhestiyon pa niya.

Pero dagdag niya, “He’s a nice guy, he’s a sweetheart to everyone. Lahat naman ng tao may pag-asa.

“Am I open to have a boyfriend? Yes.

"We’ll see... it’s hard to tell.”



COMPARISON. Hindi maiiwasang maikumpara si Jasmine sa kanyang kapatid na si Anne Curtis na isa sa top celebrities at top endorsers ngayon.

Aminado naman si Jasmine na nandoon ang pressure pero tanggap niya ito bilang challenge para higit pang pagbutihan ang kanyang trabaho.

“Of course, of course, there will always be a pressure on my part, parang live up to her level.

“I think I take as a challenge that people said that to me kasi maganda na yun na ang bar ng standard ng tao ngayon—for me na maka-level ko si Ate.

“Marami pang daan, maraming challenges na puwede kong kunin, puwede kong pagdaanan… not just hanggang dito.

“Ang dami pa... ang haba pa ng route ko para mapagtagumpayan yung narating ni Ate.”



LESS SHOWS. Marami ang nakapansin na medyo lie-low sa telebisyon ngayon si Jasmine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman sa young actress ay may dalawa siyang proyekto na sisimulan sa TV5.

“For now it’s gonna be Jasmine… it’s a sitcom.

“Yung isa naman, drama siya but later pa this year, sabi nila.”



FOR TREATMENT. Kumpirmado na may sakit ang kanilang ina at sasailalim ito sa isang knee surgery.

Ngayong linggong ito ay uuwi ng Pilipinas ang ina para personal nilang maalagaan ng kanyang Ate Anne.

“She’s coming here this week, dito na siya magpapa-opera instead na bumalik pa ako ng Australia.

“I will stay much here longer than we expected. She has osteoarthritis, she needs a knee surery, kailangang magpa-knee replacement siya.

“They will take out her actual joint, they put titanium I think… I don’t know, I’m not fully informed, but parang ganoon.

“Ire-replace nila ng bakal para mas madaling gumalaw ang knees niya, di masakit… di naman. It’s gonna be painful for few months.

“Matagal na last year pa, masakit pag naglalakad siya lalo na noong nasa bakasyon namin sa States.

“Sobrang lamig, even more yung bones niya sobrang sakit, di na niya kinakaya.

“Tinitiis niya na lang kasi di niya mae-enjoy ang holiday niya.

“Kaming dalawa, that’s why we want her to be here para dalawa kaming makatulong.

“Even din kami, mayroon kaming mga ibang kilala.

"Financially, of course, share kami ni Ate.

“Mas malaki siyempre ang ibibigay niya, mas malaki ang kita niya!

“For me, I’ll give as much as I can and at the same time in the future pag may kailangan pa si Mama, doon na ako.

“Time to give back to her sa pag-aalaga niya sa amin nila Ate.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN