Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”

Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg">

Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg">

Sabi ni Mark tungkol sa alitan sa pagitan ng Tulfo brothers at mag-asawang Claudine-Raymart: “Ano bang record ng Tulfo? Puro good! Ano bang record ni Claudine beforehand, puro good! E, nag-away sila samantalang pareho silang good.”


Humina ang pangangatawan at nagkasakit si Mark Anthony Fernandez kaya hindi siya nakadalo sa launching ng umi-ere na ngayong serye niya sa GMA-7, ang Bukod Kang Pinagpala.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) kay Mark Anthony sa Kapuso network studio kamakailan, inilahad ni Mark na, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon siya ng kaunting karamdaman.

Kuwento niya, “Medyo bumigay lang konti yung resistensya ko.

“Medyo nakadagdag rin yung sunud-sunod naming taping kasi minsan inaabot kami ng madaling araw.

“Tapos, sa Tagaytay kami nagta-trabaho, change of climate, kaya hindi nakayanan ng resistensya ko.

“Hindi madaling mag-maintain ng good physique. Kailangan mo talagang balansehin.

“Sa edad natin ngayon, masyado tayong vulnerable sa kahit na anong bagay, lalo’t yung trabaho natin, puyatan.

“Pero okay naman na ako. Nakakapag-adjust na uli sa ginagawa natin ngayon,” na tukoy ang taping niya sa serye.


BODY REST. Bago ng Bukod Kang Pinagpala, ang huling serye ni Mark Anthony ay ang drama series na pinagbidahan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na Makapiling Kang Muli.

May tatlo, hanggang apat na buwan rin namang napahinga si Mark Anthony sa tapings.

Paano niya ginugol ang mga panahong wala siyang ginagawang drama soap?

Tugon niya, “Nag-aaral, gumagawa ng homework.

“Catching up with some things na hindi ko nagawa. Saka siyempre, ensa-ensayo. Okey naman ako ngayon.”


DAD’S INFLUENCE. Marami ang bumibilib kay Mark Anthony dahil, sa grupo nilang “Gwapings,” siya ang nakapanatili ng magandang physique.

Sa tatlo, sinasabing nawala na ang pagiging hunk nina Jomari Yllana at Eric Fructuoso.

Ano ang comment niya sa magandang feedback sa pagkakaroon pa niya ng leading-man appeal?

Sinabi nitong ang yumaong ama niyang si Rudy Fernandez, dating action star, ay naging malaking influence sa kanya.

“Well, with regards to that, I think na-impluwensyahan talaga ako ni Rudy Fernandez.

“Noong fifteen years old or sixteen years old ako, hindi pa ako mahilig mag-jogging, mag-work out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero si Daboy [ang tawag sa ama] yung laging nagsasabi sa akin na…

“In fact, kaya ako natutong mag-jogging dahil kay Daboy… walang halong biro.

“Mula noon hanggang ngayon, yung work ethics ni Daboy at saka sina Ipe [Phillip Salvador], siguro medyo napasa sa akin nang konti… sa tingin.

“Saka, medyo nag-suffer ako… When I was a kid, I suffered from bulimia because I’m very particular with my body,” banggit niya sa naging karamdaman.


BULIMIC. Para maintindihan pa namin ang pinagdaanan niya dahil sa nasabing sakit, nagpaliwanag si Mark Anthony.

“Yung bulimic, gusto mong pumayat pero hindi ka nagpapayat. Tapos, kain pa rin nang kain.

“Hindi ka nagwo-work out, pero isinusuka mo na lang yung pagkain.

"Or starvation. Hindi ka kakain. Pag hindi ka kumain, once na nagutom ka, sobra ka namang kumain.

“Ang mangyayari ngayon d’yan, either isuka mo or madi-depress ka.”

Noong mga panahon bang iyon, nagsa-suffer na rin ba siya ng depression sa ibang dahilan?

“Hindi naman. Medyo kinalakihan ko na lang,” paglilinaw niya.

“Ten years old pa lang, meron na ako noon. Noong ma-in love ako sa isang…

“Well, nagka-crush ako sa isang babae. Pagtingin ko sa salamin… siguro nasa grade two ako noon sa Baguio…

“Sabi ko, ‘Ang taba ko naman! Paano kaya magugustuhan ako ng babae?’

“So, doon na nag-start yung bulimia.”

Kailan natapos ang pagiging bulimic niya? Paano ito natanggal sa sistema? Dumaan ba siya sa isang professional medical procedure?

“Hindi. Iyon nga yung influence sa akin ni Daboy at saka nina Richard Gomez, ni Jomari din! Na mahilig silang mag-work out.

“So, noong na-instill ko na sa katawan ko at nineteen [years old], kasi, kumbaga, bawal mag-work out… after eating ka lang puwedeng mag-work out, e.

“Below that, no-no, kasi hindi ka tatangkad.

“Ahm, nineteen ako, na-cure doon sa sakit na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JUST LUCKY. Pag tinititigan niya ang itsura sa salamin at nakikita ang pagbabago sa itsura, sinasabi ba niyang ang guwapo naman ni Mark Anthony Fernandez!

“Ahm…feeling ko tsambalero ako!” nakangiti niyang bulalas.

“Ang suwerte ko naman—malakas sa tsamba! Ayun!” nakangiti niyang dugtong.

Hindi ba siya nahirapang mag-maintain ng katawan o magdisiplina sa pagkain?

“Ngayon, very ano na ako… na-instill na talaga sa akin.

“I think, I’m a master of… feeling ko nga puwede na akong maging gym instructor or doctor of sports—quote, unquote. Parang ganoon.”

Dahil sa kanyang “expertise,” plano ba niyang magtayo ng sariling gym?

“Ah, well… kung saan ako umuwi, dinivelop ko yung gym doon.

“So, hindi lang ako ang gumagamit kundi pati na rin yung mga kapitbahay ko.

“So, parang ganoon na rin, though hindi nga lang literal.”


EX-GIRLFRIEND CLAUDINE. Hindi lang naging ka-loveteam, kundi naging real-life sweetheart ni Mark Anthony si Claudine Barretto.

Ayon sa showbiz observers, dahil na rin sa mga sunud-sunod na pinagdaanang issues ni Claudine—partikular na ang engkuwentro nila ng mister niyang si Raymart Santiago sa mga Tulfo brothers—lumamlam ang career ng aktres.

Ano ang opinyon niya sa sinasabi ng iba na mahihirapan nang makabalik sa showbiz mainstream si Claudine?

“Well, bilang fan niya—quote, unquote—well, tagahanga rin niya ako, I see the complete misunderstanding.

“Tapos, kumbaga sa car accident, act of God lang, parang ganoon. Aksidente lang talaga—nature’s fault.

“Yung sa career niya…I believe na lahat naman ng pangit na nangyari or image…puwede namang maayos in due time.

“Saka kailangan, magaling kang mag-adjust, in some sense.

“Kasi right now, alam naman natin na talagang GMA ang namamayagpag sa entertainment business.

“Alam mo naman dito [sa showbiz], wala tayong tulog… Baka dahil doon, basically baka dahil sa puyat lang, kaya nagkaganoon."

Si Claudine ay naging contract star ng GMA-7, ngunit hindi na ni-renew ng network ang kontrata nito noong 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, ang ibig kong sabihin, kailangan mas cool, mas malawak ang pag-iisip, adjustable sa… alam mo yun? Adjustment lang.”


OPTIMUM STAR. Naniniwala ba si Mark Anthony na makakabalik pa si Claudine?

“I believe. You cannot put a good man down, kumbaga.

“So, I think she’s a good person—misunderstanding lang.

“Para makaaway mo ang mga Tulfo, e, good men rin ’yang mga ‘yan. Ibig sabihin, pareho kayong good.

“Ano bang record ng Tulfo? Puro good! Ano bang record ni Claudine beforehand, puro good!

“E, nag-away sila samantalang pareho silang good.

“Ibig sabihin, hindi sila big deal para… hindi siya [Claudine] dapat kasuklaman. Parehong mababait yung mga ‘yan. e.

“Naniniwala akong makakabalik pa si Claudine. Superstar ‘yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!

“So, I think ganoon ang sikreto ng mga stars—Diamond Star, Superstar, Star for all Seasons.

“Baka ‘yan yung sikreto niya,” na ang tinutukoy ni Mark Anthony ay ang pamamahinga muna ni Claudine mula sa showbiz.

Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg">


Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg"> Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar ’yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”" data-url="https://www.pep.ph/news/37486/mark-anthony-fernandez-on-claudine-barrettos-return-to-showbiz-superstar-39yan-e-in-fact-shes-an-opt" data-desc="Mark Anthony Fernandez reveals he was bulimic when he was young; says he was influenced by dad Rudy Fernandez to mind his health." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN