Jinkee Pacquiao on Manny’s wish to have more kids: “Gusto niya eight. Kasi naka-eight world titles, gusto niya ang anak niya ay eight din.”

Kris Aquino explains why a recent interview of Manny on Kris TV wasn’t aired with soundbytes: “Nakakuha kasi kami ng letter galing sa GMA na bawal si Manny Pacquiao. Puwede siyang makita, pero bawal marinig ang interview sa kanya. So, huwag niyo nang kuwestyunin kung bakit puro si Jinkee lang ang nagsalita, in-edit na lang namin para ma-air pa rin namin this Friday.”


Inamin ni Jinkee Pacquiao na ang kanilang samahan ngayon ng asawang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao ay "stronger than ever."

Sa ulat ng abs-cbnnews.com sa interview ni Kris Aquino kay Jinkee sa Kris TV na lumabas kahapon ng umaga, February 15, inamin ni Jinkee na ang Diyos ang sikreto nila sa mas matibay na samahan ngayon.

Sabi ng maganda at business-minded na misis ng Pambansang Kamao: "The love that never fades and God, kasi yun ang pinakasentro sa aming relationship ngayon. Kasi kapag nawala yung love, wala na."

MOVING ON. Diin pa ni Jinkee, kailangan na niyang mag-move on mula sa mga intrigang bumagyo sa kanilang samahan ni Manny noong na-link ang huli sa sexy star na si Krista Ranillo.

Hindi man pinangalanan, pero tumbok pa ring si Krista ang tinutukoy ng maybahay ni Manny na babaeng labis daw naka-stress sa kanya noon.

“Yes, pabayaan na natin siyang manahimik. Good for her. Past na naman ’yon. Past is past,” pag-amin niya.

Ayon pa kay Jinkee, natural lang na minsan-minsan ay maiu-ugnay ang pangalan ng asawa sa ibang babae dahil na rin sa kanyang kasikatan.

Lahad pa ni Jinkee, "Medyo lumiko lang ng ibang landas. Minsan naiimpluwensiyahan ka ng pagiging famous mo.

“Hindi kasi yun ang dati mong buhay, and then parang nabigla ka. Ang alam niya, may gusto na sa kanya, so grab the opportunity, go. Kaya dumarami sila, actually."

Dagdag pa nito, "Minsan may mga bodyguard, minsan kapag may nagustuhan, o pag naglalakad minsan yung mga mata [inuutos] sa bodyguard, ’O, number,’ ganoon. Kapag may mga tao ka, sila ang nagwo-work para sa iyo."

Sa ngayon daw, napapansin ni Jinkee na ibang Manny na ang kanyang nakakasama. Marahil daw ay dulot ito ng pagbabalik-loob ng boksingero sa Panginoon.

Aniya, "Unti-unti nang nawawala, kasi kapag nagbago na ang amo, dapat yung mga kasamahan ay nagbago na rin. Ito [si Manny] bawal nang magsigarilyo, uminom—bawal na lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Rebelasyon pa ng Vice Gubernatorial bet ng Saranggani, gusto pa raw ni Manny na magkaanak pa sila ng apat.

Saad niya, "Gusto niya eight. Kasi naka-eight world titles, gusto niya ang anak niya ay eight din."

MANNY INTERVIEW, EDITED. Marami naman ang nagtaka kung bakit lagi lang nasa video si Manny sa naturang episode ng Kris TV, pero hindi ito nagsasalita o naringgan ng anumang pahayag.

Sa paliwanag ni Kris, kailangan daw tanggalin ang interview o soundbytes ni Manny dahil sa "network conflict." Si Manny ay contract star ng GMA-7, samantalang sa ABS-CBN naka-kontrata si Kris.

Paliwanag ni Kris, "Can I say something? Kasi, on my actual birthday sa Kris TV, para huwag niyo na kaming kuwestyunin, inuunahan ko na.

“Nakakuha kasi kami ng letter galing sa GMA[7] na bawal si Manny Pacquiao.

“Pwede siyang makita, pero bawal marinig ang interview sa kanya. So, huwag niyo nang kuwestyunin kung bakit puro si Jinkee lang ang nagsalita, in-edit na lang namin para ma-air pa rin namin this Friday.

"So sorry, advance na ’yan, inunahan ko na para wala nang gulo at para hindi ma-TRO ang episode...

“Kasi baka sabihin nila it’s unfair, inimbita, tapos hindi man lang kinausap. Hindi po, hindi pinayagan magsalita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN