Derrick Monasterio denies rumors he gave Barbie Forteza expensive bracelet for Valentine’s Day

Madiing itinanggi ni Derrick na binigyan niya si Barbie Forteza ng mamahaling bracelet bilang Valentine’s Day gift.


Katulad ni Barbie Forteza, na siyang nali-link sa kanya ngayon, boxing din ang kinahihiligan ng Kapuso star na si Derrick Monasterio.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa kanyang ensayo sa Elorde Gym sa Quezon City kahapon, naging bukambibig nga niya ang tungkol dito.

“Naka-apat na sessions na rin ako,” excited niyang kuwento.

“Bale, ginusto ko rin naman siya, kasi nakaka-lose siya ng pounds, tapos yung stamina ko lalong lumalakas... gumaganda.

“’Tsaka, yung muscles ko, lalo na sa triceps and biceps, feeling ko e nababatak siya. Parang mas nakaka-firm ng muscles.”

Enjoy nga raw siya dahil si Barbie na mismo ang nag-introduce sa kanya dito.

“Actually, matagal na niya akong niyaya. Siya nakapag-start na no’n pa, tapos ako naman ngayon lang talaga nag-decide na, ‘o sige, try ko nga.’

“Siya, matagal na siyang nag-start mag-boxing. Nakikita ko naman sa kanya yung pinaghihirapan niya.

“Yung sa akin naman, nakikita ko na nagugustuhan ng lahat, so yun, nagustuhan ko naman na.”

VALENTINE’S DAY. Kakatapos pa lang ng Valentine’s Day kaya marami ang gustong makaalam kung paano at saan siya nag-celebrate nito.

“Masaya naman siya,” kuwento niya.

“Actually, may work din ako nung araw na yun. May malaking celebration sa Rizal Park nung araw na yun, so, nandun kami para mag-entertain.

“Tapos, nagdala ako ng flowers kay Barbie.

“Gano’n lang.”

EXPENSIVE GIFT? Natsismis nga na isang mamahaling bracelet daw ang regalong bigay niya dito.

Agad niya itong itinanggi.

Aniya, “Di naman. Sobra naman yun. Ang mahal-mahal, ’no?

“Pero, kung totoo ngang mahal mo yung tao, kahit ano puwede mong ibigay. Hindi naman dapat panghinayangan yung price.

“Kaso, di naman totoo. Flowers lang talaga.”

Nagre-react nga daw ang mommy ni Barbie tungkol sa isyung ito.

“Nahihiya nga ako sa kanya,” sambit niya.

“Baka isipin nila sa akin nanggaling yung kuwento na yun. Pero, honest, di ko alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, kung dapat mag-apologize gagawin ko. Kasi, nakakahiya nga.”

Willing naman daw siyang bigyan nito si Barbie lalo na’t very generous siya dito.

“Yeah, in time, why not, di ba?” bulalas niya.

“Pag naka-ipon na, why not? Basta at the right time and at the right occasion.

“Tayo naman, di ba?... basta importante sa ’yo yung tao, lahat ng kaya mong ibigay, e, ibibigay mo naman talaga.”

Kinulit ng PEP si Derrick kung saang level na ba yung nararamdaman niya para sa teen lead ng Paroa.

“Yung tipong parang pakakasalan,” sabay bawi na, “Wala, joke lang.

“Basta, first love ko siya as a friend. Yung ganun.

“Basta, dahil sa mas bata siya sa akin, masarap siyang alagaan.

“Hindi rin kasi natin alam kung ano ang ibibigay sa atin ng Diyos, di ba? Only God knows.”

Biniro namin siya kung nasa stage siya na tipong hindi na siya nakakatulog dahil sa kakaisip kay Barbie... na yung tipong araw-araw ay gusto niya itong laging nakikita.

“Wow, hindi pa naman tipong gano’n,” bulalas niya.

“Pero, as a friend, siyempre, gusto ko, araw-araw ko siyang nakikita. Na pag free ang time ko, gusto ko nadadalaw ko siya.

“Yun nga lang, dami naming work pareho. So, wala talaga kaming time pa for that.

“Kung sakaling ibibigay ni God, why not, di ba?

“At saka, wala pa naman siya sa stage na parang naghahanap siya ng somebody that will make her complete... so, hayaan na lang muna natin na ganyan.”

WORKING WITH BEA. Mahihirapan na nga sigurong ibalik yung nararamdaman niya noon para kay Bea Binene, na kasama niya ngayon sa sitcom na Vampire ang Daddy Ko.

“Sa amin ngayon ni Bea, pure work lang talaga,” diin niya.

“Lalo na sa set, ang gugulo namin. Enjoy-enjoy lang, yung gano’n.

“Yung first day nga namin, ang saya-saya namin. Kahit si Bossing (Vic Sotto), ang tingin sa amin, e, pamilya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang kapantay lang namin siya. Kami pa nga ang nahihiya pa sobrang gulo namin,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN