LJ Reyes on her daring FHM cover shoot: “Kung saan-saan na napunta ang mga damit.”

LJ Reyes recently announced her venture in the spa business, which she co-manages with partners Geoff and Gabby Eigenmann


Negosyante na rin ngayon ang Kapuso star na si LJ Reyes.

Isa siya sa mga PPL Entertainment artists na may-ari ng Reluxe Spa na matatagpuan sa Luxent Hotel along Timoy Ave., Quezon City. Kasosyo din niya rito ang magpinsang Geoff at Gabby Eigenmann.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ noong February 10 sa blessing ng Reluxe Spa, ikinuwento niya kung paano siya napasok sa ganitong business.

SPA VENTURE. “Inalok nila sa akin, tapos yun, sabi ko, gusto ko naman yun. Maganda naman ang idea. Meron na agad na market at makikita mong feasible talaga siya,” bungad niya.

Bago ang spa business, sinubukan na rin daw ni LJ ang food business, pero hindi raw niya natutukan kaya’t hindi rin nagtagal.

Kaya kino-consider ni LJ na ito talaga ang first business niya.

“Yung una kasi, parang endorsement. Kaya ito talaga ang masasabi kong first dahil dito malaki at dito talaga ’ko naglabas ng money,” paliwanag niya.

Malaki ba ang naging capital niya sa sinosyohang negosyo?

“Basta ang masasabi ko, hindi maliit yun,” natatawa niyang sabi.

“Ako naman kasi, bilang Intsik ako, hindi ko na iniisip yun. Kahit ano pang amount yun, pera pa rin... pinaghirapan ko rin.”

Sinabi naman ng dalawa pang kasosyo niyang sina Gabby at Geoff Eigenmann na nagpapasalamat sila kay LJ dahil marami raw siyang trabahong siya talaga ang umako at gumawa.

Pati raw ang pagpunta sa Divisoria at pag-i-inventory.

Natatawang sabi naman ni LJ, “Sinabi pa talaga nila yun? Eh kasi, nagpunta kami ng Divisoria, ako at saka si ate Apples (Arrizabal), ang dami pang bubuhatin.

“Nagkataon na wala akong driver. Sabi ko kay Geoff, ‘pahiram naman ng sasakyan at saka driver.’

“E, yun lang ang maitutulong niya noong time na yun bilang busy siya.”

Bukod sa spa business, busy din si LJ sa kanyang studies ngayon sa De Le Salle University at kasalukuyang nakatutok sa kanyang Eco-Finance course na malapit na niyang matapos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible raw na mag-venture pa si LJ sa iba pang negosyo.

Kuwento pa niya, “E, sabi nga namin ni Kuya Dong [Dingdong Dantes] kanina, dapat ganoon na yun, na pagka-open, dapat i-foresee mo na, ’O, branch 2 na.’ But at the same time, huwag mong pababayaan ‘to.

“Dapat ayusin mo muna ang operation before ka magba-branch-out ulit ng another branch.”

Supportive naman daw ang boyfriend niyang si Paulo Avelino sa bago niyang business venture.

“Supportive naman siya. Tapos sabi ko, ’diyan ka na magpapamasahe.’”

ACTING PROJECTS. So far, naging maganda naman daw ang kabuuan ng nakaraang 2012 para kay LJ.

Maituturing nga raw niyang pinakamagandang taon ang 2012, lalo na pagdating sa kanyang career.

Pero nagwakas na ang primetime series nila na Aso ni San Roque at sa ngayon, wala pa kaming alam na bago niyang gagawin.

Masasabi niya bang okay pa rin ang pasok ng 2013 sa kanya?

“So far, okay siya,” saad naman niya.

“Ang 2013 ko, gusto kong i-expect na mas magiging bongga pa siya sa 2012.

“Kasi, nakakatuwa dahil kahit na pahinga muna ’ko sa soap sa entertainment, meron akong ginagawang docu-drama sa News, ang Bayan Ko.

“Isa siyang special para sa election. Parang gusto nilang gumawa ng fictional na newly-elected Mayor para mag-set ng example at ma-educate rin ang mga tao kung paano ba dapat.”

Si Rocco Nacino naman daw ang gaganap na Mayor at siya ang Chief of Staff nito.

“Sabi ko nga, bakit babae ang Chief of Staff? Sabi naman nila, para yung power, hindi puro sa lalaki, babae naman.

“Tapos ‘eto nga, malaking bagay kasi sa akin ang makapagtayo ng negosyo. Kaya dito pa lang, parang feeling ko, okay na ’ko for 2013.

“Kasi, malaking bagay sa akin ‘to. Tapos, meron akong gagawing indie. Pero, hindi siya sa Cinemalaya.”

Yung director raw nila sa bago niyang indie film ay si Gorio Vicuna na nakapag-trabaho na sa Pixar at Inunan daw ang titulo nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkasunod-sunod din ang teleserye niya noong isang taon sa GMA-7.

So, pahinga na nga ba muna siya sa ngayon?

“Hindi naman siguro. Hindi naman siguro matagal,” sabi niya. “Kasi, kilala ko naman si Kuya Perry [Lansigan, her manager].

“Pero, okay lang naman. Minsan, pahinga ’ko, tapos, biglang may susulpot. Huling taping ko, January pa lang naman.

“Ayoko namang magsabi ng ang tagal-tagal na, wala pa kong soap. Hindi naman. Yung iba nga, naghihintay. So, sabi ko, I have to be thankful for what I have.”

FHM STINT. Si LJ ang February cover ng FHM Magazine at masasabing naging daring talaga siya sa naging pictorial niya. Bukod dito ay nagkaroon nga rin ito ng autograph signing sa Robinson’s Galleria kamakailan.

Pero sabi namin sa kanya, iniisip ng ilan na ang pagpapaka-daring niya ay para raw silang nagpapatalbugan ni Paulo; na kung si Paulo ay nagpapaseksi, parang dapat, siya rin.

Natawa naman ito sabay sagot nang, “Bakit naman? E, iniimbitahan nila ’ko [FHM]. At saka, hindi naman kami nagpapakialamanan [ni Paulo] sa trabaho. Malay ko ba kung ano ang mga ginawa niyang pose ro’n.”

Aminado naman si LJ na yun na nga raw ang pinaka-daring na pictorial na ginawa niya. Nandiyang nagpasilip siya ng konti ng kanyang harapan at likod.

Nung nakita niya ang mga peg, inaprubahan ba niya ito agad?

“Actually, wala sa peg yun, e... yung cover ko. Pagdating na lang do’n.

“Wala naman kaming sinabi na, ’o, ’eto lang ang limit namin ha? Sasabihin ko naman kay Doc Marlon [photographer] kung hindi ko kaya. E, okay naman sa akin, why not?”

Hindi ba naging problema kay Paulo nang makita ang mga daring pictures niya?

“Noong tinanong niya ako kung ano ang ginawa ko sa pictorial, sinabi ko, then parang natawa siya. Ganoon lang. Kasi, kaswal sa amin yun, trabaho lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita na niya ang mga pictures?

“Oo, mas gusto niya yung likod kesa yung nakaharap. Actually, ako rin, mas gusto ko yung nakatalikod. Pero, hindi pa niya nakikita ang loob,” saad niya.

“Ako nga, wala pa akong kopya ng magazine. Gusto mo yun?

“Kasi, noong day na nag-launch sa internet, dapat pinapadaan nila ko sa office nila. E, may ginagawa ako noong araw na yun. Hindi naman puwedeng bigla-bigla, ’dumaan ka dito.’”

May ide-daring pa kaya siya pagkatapos ng naging FHM pictorial niya?

“Hindi ko alam, e, kasi, hindi ko nga naisip na magagawa ko. Kasi, doon na lang, bigla na lang, pinagawa nila sa akin.

“So ako, parang okay. Noong binababa nga nila, kasi, doon lang ako sa tubig nagbaba ng underwear. Para walang kita.

“Hindi siya dinaya, tinanggal ko talaga yun. Tapos, binababa ng stylist yung parang net na stocking, okay lang.

“Okay lang ako ng okay. Kaya nga sabi ko kay Doc Marlon, ‘hindi na maganda ‘to, kasi, masyado na kong kumportable sa ‘yo.’ Kung saan-saan na napunta ang mga damit,” natatawa niyang sabi.

Sinabi namin kay LJ na tila naging matapang siya sa mga ganoong pagpapaka-daring simula pa nang maging nanay na nga siya.

Sabi naman ni LJ, “Naging confident lang ako, pero, hindi naman brave na brave. At the same time, I need to be conscious also kung anong klaseng pictorial ang gagawin mo. Siyempre, may bata.

“In the future, papasok yan sa school and all. Siyempre, ‘di ba?

“So far, okay naman. Ang ayoko lang, magmukhang bastos at sloppy ang ano. So far naman, yung mga nakukuha kong feedback, maganda naman kahit may nakita silang kaunti. E, maganda pa rin ang feedback.

“Mararamdaman mo naman ang feedback kung parang bastos... wala naman,” pangwakas niyang pahayag.

Masaya siya na kahit mommy na siya, nandoon pa rin at masasabi pa rin na pinagnanasahan pa rin siya ng mga kalalakihan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman,” sabi niya.

“At saka parang, hindi ko nga alam kung bakit may concept ang mga tao na parang kapag mommy ka na, dapat losyang ka na? Dapat ba ganoon?

“Gusto kong baguhin yun. Huwag naman nating patandain ang mga nanay kahit bata pa. Huwag naman nating madaliin ang buhay nila. Gawin nating matanda?

“Kahit sabihin nating may baby na, like sa age ko—young mom. Huwag naman na kapag may baby na, hindi na puwedeng maging young? Hindi naman dapat ganoon,” pagtatapos niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN