Hayden Kho Jr. on the status of relationship with Dra. Vicki Belo: “I guess you could say that we see each other often. And we’re trying to rekindle something!”

Dra. Vicki Belo chooses not to put any labels on her relationship with Hayden. She asserts: “Kasi whenever we’re together talaga, nagiging malas, e.”


Magkasamang nanood ng Foursome concert (nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pops Fernandez at Martin Nievera) sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr. noong Huwebes, February 14, sa SM Mall Of Asia Arena.

Pagkatapos ng concert ay nakuhanan sila ng mabilisang interview ng StarTalk TX na ipinalabas kaninang hapon, Sabado, February 16.

Ayon kay Dra. Vicki, sa kabila ng mga nangyari, nakasuporta pa rin daw siya kay Hayden ngayong aktibo na itong muli sa showbiz.

“Oo nga, e. Well, I’m excited for his movie. Medyo matagal na nga yung ginagawa, di ba?

Matatandaang napabalita late last year na kasama si Hayden sa pelikula ng Regal Entertainment na The Bride and The Lover, na pagbibidahan nina Lovi Poe at Jennylyn Mercado.

“Whatever makes him happy, okay lang naman ako whatever makes him happy talaga,” pahayag ni Dra. Vicki.

Paano nila mailalarawan ang kanilang relasyon ngayon?

“Kasi whenever we’re together talaga, nagiging malas, e,” ang tumatawang sinabi pa ni Dra. Vicki.

“So, sabi namin, ‘Huwag na tayong mag-together. Parang mas maganda yung, ‘Ano ba tayo?’ ‘Hindi ko alam.’”

Ayon naman kay Hayden…

“We’re very good friends until now. I guess you can say that we are …” ang tumatawang pambibiting sagot ni Hayden.

“I guess you could say that we see each other often.

“And we’re trying to rekindle something!”

Sa palagay ba ni Hayden, sa huli ay sila pa rin ni Dra. Vicki?

“Time will tell,” saad niya.

Ayon naman kay Dra. Vicki, kung noon ay may hindi pagkakaunawaan sina Hayden at ang mga anak niyang sina Quark at Cristalle Henares, ngayon daw ay…

“Actually si Quark and him… well hindi pa kami talaga, promise... kasi malas nga iyon, but with Quark and Hayden, sila naman yung naging close friends.

“And then si Cristalle, parang I think whatever makes me happy na rin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She just says she sees me smile,” pagtatapos nitong saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN