Gerald Anderson on "heartbreaker" and "playboy" tags: “No matter what, it doesn’t matter kung may kasalanan ka man o wala, you cannot please everybody.”

Sa kabila ng mga batikos na nakukuha ngayon ni Gerald Anderson ay nananatili siyang matatag. Saad niya, “Sino ba’ng hindi masasaktan? Tao ka, e. Pero yun nga, dito natin malalaman kung sino talaga tayo. The stronger you are, the more na marami pang blessings ang darating sa buhay mo at yun ang dapat mong isipin—hindi yung mga taong hindi mo naman kakilala at nagda-down sa iyo."


“Heartbreaker” at “playboy.”

Ito ang mga katagang ikinakabit ngayon sa young actor na si Gerald Anderson pagkatapos maiturong dahilan sa alitan ng dating matalik na magkaibigan na sina Kim Chiu at Maja Salvador.

Ito ay nag-ugat dahil sa pagkakaugnay ni Maja kay Gerald, na ex-boyfriend ni Kim.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Gerald, tinanong namin siya kung paano niya tinatanggap at hinaharap ang mga negatibong espeskulasyon at pagtingin na ipinupukol sa kanya ng publiko.

Tugon ng Kapamilya actor, “Siyempre, kumbaga, kung iisipin ko na lang lagi ‘yan, ano pa ang mangyayari sa akin?

“Dun natin malalaman kung anong klaseng tao ka—hindi sa kung paano mo hina-handle ang success mo kundi kung paano mo hinandle [handled] yung mga failures and challenges at hirap sa buhay.

“Dun talaga malalaman kung sino talaga tayo.

“Kasi yung success, madaling i-handle yun. Pero yung failure, maraming nagda-down sa iyo at maraming challenges.

"Depende sa iyo kung magiging strong ka o susuko ka.”

PROVING HIMSELF. Ano naman ang reaksyon niya sa tingin ng ilan na “heartbreaker,” “playboy,” at wala raw pakialam sa damdamin ng ibang tao?

Sabi ni Gerald, “Ewan ko… sa show business siyempre, maraming misconceptions, pero hindi ko naman kailangang i-prove ang sarili ko kahit na kanino.

“Work-wise, acting-wise, sa trabaho bilang isang artista, bilang isang aktor, isang performer sa ASAP, kailangan kong i-prove ang sarili ko, at marami pa ‘yan.

“Every day, yun talaga ang hinahanap ko ng improvement.

“Pero as a person, wala akong kailangang i-prove sa inyo.”

Hindi naman itinago ni Gerald na nasasaktan pa rin siya sa mga masasakit na salita na ibinabato sa kanya.

Aniya, “Sino ba’ng hindi masasaktan? Tao ka, e.

“Pero yun nga, dito natin malalaman kung sino talaga tayo.

“The stronger you are, the more na marami pang blessings ang darating sa buhay mo at yun ang dapat mong isipin—hindi yung mga taong hindi mo naman kakilala at nagda-down sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Isa yan sa mga natutunan ko, you know, growing up, lumalaki ako na gusto ko, lalo na yung mga tao sa paligid ko, I want to keep everybody happy, please everybody.

“Pero sa natutunan ko sa loob ng six years ko sa show business, hindi mo magagawa ‘yan.

“No matter what, it doesn’t matter kung may kasalanan ka man o wala, you cannot please everybody.”



NO TWITTER ACCOUNT. Para makaiwas na rin sa mga negatibong reaksiyon at sinasabi ng iba, walang Twitter account si Gerald kung saan puwede siyang i-bash ng marami.

“Lalo na ngayon, grabe yung social media, like Twitter. Hindi ka dapat nagpapa-affect.

“Wala akong Twitter, may Instagram ako, pero siyempre everybody is entitled to his own opinion.

“Ako siguro and kayo din, hindi naman siguro tayo ang klase ng tao na magsusulat ng masama tungkol sa isang tao.

"Bakit natin gagawin yun? Bakit natin sasayangin ang oras natin na basahin yung mga ganung klaseng nega?

"Dapat lagi tayong positive.

“Nagbabasa ba ako ng negative? Ayoko!” tawa ng young actor.

“Pero hindi maiiwasan. Ibig kong sabihin, yung iba nga diyan sumasagot, pero bakit, di ba?

“Sayang lang ang movement ng mga daliri mo, it’s not worth it.”

FAMILY SUPPORT. Ipinagpapasalamat naman ni Gerald ang suporta at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng kanyang pamilya.

Saad niya, “Kumbaga, sila yung mga supporters mo, sila ang magmamahal sa iyo no matter what ang gagawin mo.

"Through success and failures, nandiyan sila.

“Ngayon, mas sanay na sila sa mga intriga.

“Advice nila sa akin is to just stay strong, follow your heart kung saan ka masaya.”



KIM-MAJA RIFT. Sa isyu naman na siya raw ang rason ng away nina Kim at Maja, umiwas nang magbigay ng komento tungkol dito si Gerald.

Aniya, “Sinagot ko na ‘yan, hahaba lang… patapos na, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bigyan natin ang mga sarili natin at ng mga taong involved ng time to heal.

“Huwag na nating pahabain pa.”



THE REAL SCORE. Sa huling interview kay Gerald sa The Buzz ay nabanggit nito na given the chance ay liligawan niya talaga si Maja.

Kinumusta namin kay Gerald ang totoong estado ng relasyon nila ngayon ni Maja.

Sagot niya, “Sa akin na yun, sa akin na lang yun.

“Yun ang privacy ko, pero hindi ko naman sinasabi na di ko sasabihin.

“Siguro sa right time, siguro ine-enjoy ko lang kung anong mayroon ako.”

Lumabas dito sa PEP na nag-date sina Gerald at Maja sa Tagaytay noong Valentine’s Day, kung saan nag-helicopter pa ang dalawa papunta sa kanilang date.

(CLICK HERE to read related story.)

Bukod pa rito ang balitang namataan daw silang nagdya-jogging habang magka-holding hands. Patunay lamang daw ito kung gaano ini-enjoy nina Gerald at Maja ang isa’t isa.

Sabi ni Gerald tungkol dito, “Hindi naman kami magsasama kung hindi kami nag-e-enjoy. I can say na ine-enjoy namin ang company ng isa’t isa.

“Oo naman, siyempre gusto mo araw-araw mong ipinaparamdam sa kanya na mahal mo siya—na isa siya sa pinakaimportanteng tao sa buhay mo."

Sa Valentine’s date nila sa Tagaytay, balitang humigit-kumulang P100,000 ang nagastos ni Gerald para lamang sa helicopter. Mukha ngang may espesyal na paraan ang aktor para maipakita ang nararamdaman nito sa isang babae na nagugustuhan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN