Alessandra de Rossi does not mind being replacement as Cesar Montano’s leading lady

Wala raw kaso kay Alessandra de Rossi kung hindi man siya ang original choice para sa role ng asawa ni Cesar Montano sa Alfredo S. Lim: The Untold Story. Sabi ng aktres, “Kasi nangyari na rin sa akin yung hindi ako puwede at may pumalit sa akin. And thankful naman ako dun sa pumalit sa akin kasi nagawa niya nang tama. I mean, nangyayari naman talaga ‘yan, e. Hindi iyan first time na mangyari sa buhay ko.”


Ayaw raw makialam ni Alessandra de Rossi at wala siyang reaksiyon sa problemang kinakaharap ngayon ni Cesar Montano at ng asawa nitong si Sunshine Cruz, lalo na nga’t naging maging magkaibigan sila ng actor-director nang gawin nila ang pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story under CM Films.

Si Cesar ang gumanap bilang si Manila Mayor Lim sa naturang filmbio, habang si Alessandra naman ang gumanap na asawa nitong si Amalia.

Sabi ni Alex, “Wala, wala akong reaksiyon. Hindi ako involved at saka ang hirap namang makitsismis.

“I mean, okay kami ni Cesar, pero hindi kami umabot na naging malalim yung relationship namin para pag-usapan namin yung mga isyu niya sa buhay.

“So, wala akong karapatang mag-comment at wala akong alam.

“Ayokong makialam,” sabi ni Alex nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WORKING WITH CESAR. First time makatrabaho ni Alex si Cesar. Kumusta naman ang naging pagsasama nila sa pelikula?

“Masaya kasi magaan siyang katrabaho, makulit siya, very passionate at alam niya ang ginagawa niya bilang aktor, direktor at producer.

“At the same time, open siya sa suggestions. Masaya yung ganung environment.

“Mabusisi siya, of course, kaya minsan ang tagal nung ilaw. Pero kasi pinapaganda, e. Pero ganun talaga e.

“Ako, hindi mo ako maririnig na magrereklamo sa ganun kasi I’m all for sa pagpapaganda ng pelikula. Ayoko ng minamadali ako.”

May kissing scene sila ni Cesar sa movie. Paano siya napapayag gayung sa past interviews niya ay sinasabi niyang ayaw niyang gumawa ng kissing scenes?

“Halik lang yun ng mag-asawang nagbati,” paglilinaw niya.

“Hindi ako puwede sa torrid. Hindi ko talaga kaya.

“Kasi usually yung roles na nabibigay sa akin, yung inaagaw ko yung boyfriend ng bida, sine-seduce ko siya.

“So, pag ganun, hindi ako nakikipag-kissing scene.

“Eto mag-asawa naman kami, so wala namang masama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit naman sa TV, gumagawa ako ng wedding scene kapag asawa ko yung character. Smack-smack lang, ganun.”


REPLACEMENT. Samantala, hindi na raw isyu kay Alessandra kahit replacement lang siya sa pelikula at dumaan na ang role niya sa iba pang artista.

Bago kasi si Alex ay first choice dapat si Anne Curtis pero later on ay in-offer ang role kay Denise Laurel pagkatapos ay kay Melissa Ricks. Hanggang finally ay si Alex na ang natuloy sa movie.

Sabi ng aktres tungkol dito, “As in pagdating ko nga sa shooting, yun kaagad yung unang tinanong ko. Sino yung pinalitan ko?

“Kasi obvious naman, e, kunwari tinanggap ko siya ng Wednesday, tapos Thursday, shooting na agad. ‘Bakit ganun, hindi ako prepared?’

“Pero yun nga, nagkaproblema nga sila sa una nilang kinuha and ako yung pumuwede, ako yung available.

“So, yun, napagastos lang sila kasi kung twenty-five million ang budget ng movie, twenty million ang talent fee ko. Charot!” biro ni Alex.

Paliwanag pa niya, “Kasi nangyari na rin sa akin yung hindi ako puwede at may pumalit sa akin.

“And thankful naman ako dun sa pumalit sa akin kasi nagawa niya nang tama.

“I mean, nangyayari naman talaga ‘yan, e. Hindi iyan first time na mangyari sa buhay ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN