Jackie Rice laughs off rumored wedding with non-showbiz boyfriend this year

Ito ang paliwanag ni Jackie Rice kung bakit wala pa sa isip niya ang pagpapakasal: “I’m just twenty-two years old. Marami pang time para pag-isipan ang pag-aasawa. And hindi pa naman ako nagsasawa sa pagiging single. At marami akong panghihinayangan sa career ko kung mag-asawa na ako. Kelan lang ulit nag-take off ang career ko dahil naging seryoso na ako talaga sa trabaho. Ayokong masira yung sinimulan ko ulit.”


Natawa lang si Jackie Rice sa balitang nakarating sa kanya na ikakasal na raw siya sa kanyang non-showbiz boyfriend sa taong ito.

Nilinaw ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na wala pa sa plano nila ng kanyang boyfriend na lumagay sa tahimik dahil marami pa raw siyang gustong gawin sa buhay.

“Hindi pa ako ready sa ganyan—ayoko pang ikasal, ‘no!” sabay tawa ni Jackie nang makakuwentuhan namin siya press conference ng Bukod Kang Pinagpala.

“Actually, nag-break pa nga kami dati. Pero mabilis naman naming naayos. Konting tampuhan lang na medyo lumaki.

“Pero nag-usap kami kaagad at nagkabalikan naman kami.

“Pero yung tungkol sa pagpapakasal, wala pa talaga.

“Like what I said, hindi pa ako handa at hindi pa rin naman siyang handa rin.”

Ayon kay Jackie, kung sakaling ikakasal nga siya, mahabang preparasyon ang kailangan. Siya raw kasi ang nag-iisang babae sa kanilang pamilya kaya magiging special daw ito.

“Tsaka siyempre yung approval ng daddy ko ang mahalaga sa lahat.

“Though okey naman ang boyfriend ko with my family, still, kailangan niya pa ring mag-effort sa daddy ko.

“Kasi nga, only girl ako sa family kaya very protective sa akin ang dad ko at mga brothers ko.

“Tsaka feeling ko naman, hindi agad papayag si Daddy.

“I’m just twenty-two years old. Marami pang time para pag-isipan ang pag-aasawa.

“And hindi pa naman ako nagsasawa sa pagiging single. At marami akong panghihinayangan sa career ko kung mag-asawa na ako.

“Kelan lang ulit nag-take off ang career ko dahil naging seryoso na ako talaga sa trabaho. Ayokong masira yung sinimulan ko ulit,” diin niya.

BUKOD KANG PINAGPALA. Nagseryoso si Jackie sa kanyang career nang maging lead kontrabida siya sa Ilumina noong 2010.

Pagkatapos nito ay ginawa siyang bida sa afternoon series na Sisid noong 2011, at huli siyang nagbida sa Kasalanan Bang Ibigan Ka? noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay makikipagtagisan siya sa pag-arte sa role niya bilang Janet sa afternoon soap na Bukod Kang Pinagpala, kunsaan kasama niya sina Camille Prats, Jennica Garcia, at Mark Anthony Fernandez.

Sabi ni Jackie, “Gamay ko na si Jennica dahil magkasama kami sa huling series na ginawa ko.

“First time ko to work with Camille and Mark Anthony.

“Okay si Camille. Nagkasundo kami kaagad noong magkasama na kami sa taping.

“Kay Mark ako medyo nahiya. Kasi bukod sa guwapo, magaling pa siyang artista.

“E, may kissing scene kami kaagad na kinunan. Kaya sobra ang hiya ko sa kanya.

“Pero si Mark pa ang nagsabi na relax lang ako para matapos agad namin ang eksena.

“Doon nawala ang kaba ko kasi napakabait niya.

“Tama nga si Camille na gentleman si Mark. Hindi nananamantala sa eksena.

“Tsaka ingat na ingat siya sa eksena namin. Ayaw daw niya kasing mahawakan ako sa anumang parte ng katawan ko na baka ikagalit ko.

“Ipinapaalam muna niya kung puwede ba akong mahawakan sa ganitong lugar... basta ang ingat niya at nakakatuwa naman ang gano’n.

“Kaya looking forward ako na makaeksena siya parati,” ngiti pa ni Jackie.

BODY WEIGHT. Marami ang nakapansin na nagkalaman ulit ang katawan ni Jackie. Unlike dati na sumobra ang pagpapapayat niya at inakalang meron siyang eating disorder.

Inamin ni Jackie na nagpataba siya ng konti dahil marami nga ang nag-akalang meron siyang sakit.

“Nagpapayat naman kasi ako before dahil nagkaroon ako ng pictorial for FHM. Nag-diet ako and I took up boxing kaya ang bilis kong pumayat.

“Noong magkasunud-sunod na tinatanong ako kung anorexic ba ako, doon na ako nag-decide na tigilan ko muna ang pagpapapayat nang husto at kumain na ulit ng mga gusto ko.

“Ngayon, mas okey na raw. Nagkaroon ng glow ang mukha ko at mas bagay daw sa akin ang medyo bilugan ang katawan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat nga si Jackie na kahit na medyo nagkalaman siya ay wala naman daw naghihinalang buntis siya.

“Korek!” sabay tawa niya.

“At least, walang gano’n na tsismis, di ba?

“Ang tsismis pa nga ay ikakasal ako, e.

“Kung ikasal nga ayoko pa, what more ang magpabuntis, di ba?

“Kaya thankful ako na walang issue na pregnant ako,” sabi ni Jackie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN