Part 2. Derrick Monasterio does not like Ruru Madrid for Barbie Forteza: "Ayoko muna… may muna!”

Mas nakatuon na raw si Derrick Monasterio sa kanyang acting kumpara sa kanyang hitsura. Sabi niya, “Nung Tween Hearts, ‘Ay, guwapo! Ay, pangit ako dito.’ Ngayon, ‘Kulang ito, pangit ito.’ Ganun na po ako ngayon—sa akting na, hindi na sa hitsura.”


Ayon sa opinyon ng iba, pagkatapos ni Alden Richards ay tila si Derrick Monasterio na ang ginu-groom na next leading man sa Kapuso Network.

Ano ang reaksiyon ni Derrick tungkol dito?

“E, di, ano po, siyempre masaya kasi susundan ko ang yapak ng isang Alden Richards,” sagot ng 18-year-old actor.

Kaya ba niya?

“Oo naman, oo naman!”

Kaya rin ba niya ang pagpapaseksing ginawa ni Alden sa isang pictorial at isang fashion show nito for an endorsement?

“Oo naman.”

May ipapakita ba siya?

“Meron.”

So, handa na siyang maghubad?

“Siguro po two years from now. Hindi pa ganung kaganda yung katawan ko, pero sige, puwede, puwede po nating pasukin yun.”

Sa acting, paano niya masasabing kaya na niyang tapatan si Alden?

“Sabi naman po nila, medyo nag-improve po ako ng konti pero siyempre hindi pa rin po ako kuntento, e.

“Kasi pag nakikita ko yung sarili ko, ‘Kulang ito, kulang ito. Ay, kulang ito.’ May ganun na po ako.

“Kasi dati sa Tween Hearts, kung ano lang yung... ‘Ay, guwapo ito, guwapo, a!’

“Nung Tween Hearts, ‘Ay, guwapo! Ay, pangit ako dito.’

“Ngayon, ‘Kulang ito, pangit ito.’

“Ganun na po ako ngayon—sa akting na, hindi na sa hitsura.”



RURU MADRID. Sa Paroa: Ang Kuwento Ni Mariposa, love triangle sila nina Barbie Forteza at Ruru Madrid.

Hindi ba siya na-threaten na lumakas ang RuBie o Ruru-Barbie loveteam, tulad ng DerBie o Derrick-Barbie loveteam?

Sabi ni Derrick, “Hindi naman, kasi parang masaya pa nga ako para sa kaibigan ko na si Ruru.”

Masaya siya para kay Ruru, pero hindi para sa RuBie?

“Siyempre hindi, kalaban yun, e!” sabay halakhak ni Derrick.

“Hindi, pero may mga nabuo naman po kami na mga DerBie fans kaya hindi na po ako masyadong nate-threaten.”

Bakit siya masaya para kay Ruru, close ba sila?

“Medyo. Kasi siyempre may show na siya, it’s his time na... ganun, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman po ako madamot sa ano, di ba, sa limelight.”

Kaninong artista siya threatened?

“Sa ngayon, wala... wala pa po.

“Siguro dati, meron. Kina Kristoffer [Martin], yung mga first sa Tween Hearts.”



THE COMPETITION. Nararamdaman ba niya na mas umangat ang career niya kaysa ibang Tween Hearts boys?

“Hindi naman po, angat pa rin po iyong iba.”

Ano ang meron siya na wala ang ibang kasabayan niyang male teen stars?

“Height tsaka yung voice,” sagot ni Derrick.

Mas guwapo ba siya kay Kristoffer?

“Hindi, mas guwapo po siya, mas telegenic siya, mas guwapo si Kristoffer.”



BARBIE’S SUITORS. Kapag may nanligaw kay Barbie at magustuhan nito, masasaktan ba siya at magseselos? Maiiwan na naman siya sa ere?

“E, ganun na nga!” sabay tawa niyang muli.

“Hindi pa ba ako sanay? Sanay na ako dun.”

Nanligaw kasi siya dati kay Bea Binene na naging ka-loveteam ni Jake Vargas, at kay Sarah Lahbati na naging girlfriend naman ni Richard Gutierrez.

Si Barbie naman ay malamang gawing ka-loveteam ni Ruru Madrid pagkatapos ng airing ng Paroa sa March.

Kanino siya mas nasaktan o masasaktan?

“Si Bea, a year ko nakasama. Si Sarah, saglit lang, months lang.

“Si Barbie, dalawang taon kasi from Tween Hearts hanggang ngayon.

“Hindi naman ako nahe-hurt, e.”

So, paano nga kung may magkaroon ng masugid na manliligaw si Barbie?

Sabi ni Derrick, “Kasi, gusto ko kikilatisin ko muna yung lalaki.

"Walang puwedeng manligaw sa kanya na hindi ko kilala, kailangang kilala ko.

“Siyempre, first of all, yung magulang niya, pero nasanay po kasi ako na inaalagaan ko si Barbie, na ayokong may masamang…

“Kung parang bad boy yung lalaki, siyempre ako yung unang hihindi.”

Tatakutin niya?

“Oo!" mabilis niyang sagot.

"Kung alam kong hindi malinis yung intensyon niya? Oo, puwede kong takutin yun, bakit hindi?”

Kung si Ruru?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ruru? Ayoko, ayoko. Ayoko siya para kay Barbie kasi, e… wala lang.”

May alam ba siyang masamang ugali ni Ruru kaya ayaw niya dito?

“Hindi, wala naman, hindi naman.

"Kasi hindi ko siya ganung kakilala kaya sa ngayon huwag muna.

"Gusto ko muna siyang kilalanin kaya ayoko muna.”

Baka naman nga may alam siyang ugali ni Ruru kaya ayaw niya dito para kay Barbie?

“Wala. Ayoko muna… may muna!” sabay tawa ni Derrick.

Kapag daw nakilala na niya nang husto si Ruru, baka sakali.

“O sige, as long as ipangako niya sa akin na mamahalin niya si Barbie, okay lang.”

SPORTS CAR. Napag-usapan naman ang ang isa sa dahilan ng pagsisipag ni Derrick ngayon—ang bagong bili niyang Black Montero Sport na sasakyan.

Three years to pay daw ito at hinuhulugan niya ng thirty thousand a month.

Hindi raw ito ang una niyang investment.

“A, meron po akong unang investment, insurance, time deposit.

“Three million… joke lang! Ako, makaka-ano ng three M?!”

Nabanggit naman ni Derrick ang tsismis na nakarating sa kanya na “pa-booking” daw siya sa mga gays sa kanilang lugar.

“Pa-booking daw ako ng 2K [two thousand]! Natawa lang ako nung nakarating sa akin iyon.

“Napakamura ko naman!” sabay tawa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN