Sarah Geronimo competes against Psy, two others at Nickelodeon Kids’ Choice Awards for Best Asian Act

Isa si Sarah Geronimo sa apat nominado sa kategoryang Best Asian Act sa 2013 Kids’ Choice Awards ng Nickelodeon. Makakalaban niya rito sina Han Geng ng China, Shila Amzah ng Malaysia, at ang Korean superstar na si Psy na nagpasikat sa kantang “Gangnam Style.”


Hindi man masuwerte sa pag-ibig, tila masuwerte ang 2013 sa Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Bukod kasi sa nalalapit na pagsisimula ng The Voice of The Philippines, kung saan isa siya sa mentors, may isang teleserye at sitcom pa siyang gagawin sa ABS-CBN.

Idagdag pa rito ang third installment ng movie nila ni John Lloyd Cruz na It Takes A Man and A Woman.

Ngayon, isang magandang balita na naman ang nakarating kay Sarah.

Nominado ang Pop Princess sa kategoryang Favorite Asian Act sa 2013 Nickelodeon Kids’ Choice Awards (KCA).

Kasama niya na nominado sa kategoryang ito sina Han Geng ng China, Shila Amzah ng Malaysia, at ang Korean superstar na si Psy na nagpasikat sa kantang “Gangnam Style.”

Ito ang description kay Sarah na nakasaad sa official website ng Nickelodeon (http://kca.nick-asia.com/):

“The Philippines’ ‘Popstar Princess’ Sarah Geronimo got her big break at age 14 when she won a TV singing competition. Smash albums such as Popstar: A Dream Come True and Just Me followed, along with film roles. Now, at age 24, she is already a multi-awarded, multi-platinum recording artist, a movie star, a TV personality with her own musical variety show, and an inspiration to young people and adults alike. She’s a true Philippine superstar for the 21st century!”

Incidentally, nominado rin ang U.S. franchise ng The Voice nina Christina Aguilera, Cee-Lo Green, Blake Shelton, at Adam Levine sa kategoryang Favorite Reality Show.

Sa March 23 gaganapin ang awarding ng Nickelodeon Kids’ Choice Awards sa Galen Center sa Los Angeles, California.

Mapapanood ito sa Pilipinas sa April 16 sa Nickelodeon channel.

Nagsimula na ang botohan noong February 14. Para iboto si Sarah, mag log on lamang sa http://kca.nick-asia.com/vote.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN