Rico Blanco on working with both ABS-CBN and TV5: "I’m not exclusively tied at the moment with any network. So, it’s a blessing."

Dalawang shows ang pinagkakaabalahan ngayon ng singer-actor na si Rico Blanco. Aktor siya sa ABS-CBN afternoon soap na May Isang Pangarap at host-mentor-judge naman siya sa reality singing competition ng TV5 na Kanta Pilipinas.


Humahataw ang career ngayon ng singer-actor-TV host na si Rico Blanco dahil nagagawa niyang maglagare sa dalawang TV networks.

Kaya nga malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN at sa TV5 sa opportunities na makapagtrabaho nang sabay sa dalawang istasyon.

“Well, it’s a blessing naman na busy. Medyo nakakapagod minsan, but I can’t complain,” sabi ni Rico nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



THE ACTOR. Aktor si Rico sa panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang May Isang Pangarap, kung saan gumaganap siya bilang lalaking pumapagitna kina Vina Morales at Carmina Villarroel. Siya ang tatay ng isa sa mga batang bida.

Challenge ba sa kanyang gumanap na tatay kahit na sa totoong buhay ay wala pa siyang anak?

Sagot niya, “I like it. I’m imagining something that is new to me and so I get the chance to be a dad.”

Paano niya pinaghandaan ito?

“Kasi naman ako, I have four nieces. So, they grew up pag wala yung kapatid ko, ako naman ang kasama nila.

“And then I have nieces pa from my cousins and I always want to see them.

“So, more or else, na-imagine ko na. Pero of course, it’s different din pag anak mo.

“So, tinitingnan ko na lang yung parents ko, they are the best parents ever.

“So, yun ang lagi kong binabalikan pagdating sa pag-arte sa teleserye na ito.”

Naunang nakilala si Rico bilang singer at musician. Ngayong umaarte na rin siya, anong fulfillment ang nakukuha niya sa pag-arte kumpara sa pagkanta?

Tugon ng dating bokalista ng Rivermaya, “It’s very similar but it’s different also.

“Similar kasi we’re creating a scene through music. Sa acting naman, you use your body, your emotions to create a scene.

“Yun lang, sa concert kasi yung mga tao papalakpak agad sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito sa soap, hindi mo alam kung ano ang magiging reaksiyon ng mga tao until it is shown sa TV.

“So, I think mas may effort sa acting on my part.”

Ano ang masasabi niya kina Carmina at Vina bilang co-actors?

“They’re very ano… they don’t want to make it obvious but I know they’re very, very supportive.

“Lagi rin nila akong kinukumusta, ‘Okay ka lang?’ Mabait sila, very professional and very giving.

“So, I’m very thankful na sila ang nakasama ko rito sa May Isang Pangarap.”

Kumusta naman katrabaho sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base, ang dalawang bata na bagong discoveries ng ABS-CBN?

“Hindi ko pa nakaka-work si Julia, pero si Larah kasi plays my daughter sa story.

“Pagdating sa singing, I heard them, they can sing.

“Si Larah, ang masasabi ko, she touch into her emotions like that.

“I think that’s purity when you let your emotions show.”


THE HOST-JUDGE. Host at isa sa mga judge naman si Rico sa Kanta Pilipinas, ang reality singing contest ng TV5. Kasama niya bilang mga hurado sina Lani Misalucha at Ryan Cayabyab.

Tampok sa contest na ito ang 24 finalists na maglalaban-laban para magiging susunod na singing superstar ng bansa.

Paano siya nakuha para maging host at judge ng Kanta Pilipinas?

“I was approached by Marvin Agustin [isa sa producers ng show], a good friend and a highly-respected colleague in the industry.

“When he presented to me this show, na-excite talaga ako.

“I’m the host and I’m also one of the judges, parang mentor also to the participants. So, I help them out with the little that I know.

“And it’s great to be with the best, with Ms. Lani Misalucha and Maestro Ryan Cayabyab.”

Hindi ba magkakaroon ng conflict sa pagiging host at judge niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s something new here.

“Pero I think there are shows naman, like sa international, yung isang chef host, siya rin ang isa sa judges. Or yung isang model na host, may boto rin siya sa pagdya-judge.

“So, I think it will be fun. Kasi aside from being a judge nga, mentor din ako.”

Very promising daw ang finalists na napili para sa show sa nationwide auditions.

Sabi ni Rico, “Nung pumasok kami, there were already 24 finalists.

“And nung we have to choose who will be going to continue, sumakit agad yung ulo naming mga judges dahil sinala na nila talaga, e.

“And we’re putting our names on the line which means seryoso kami sa mga pinipili namin.

“It’s a very promising batch of singers. And bawat contestant dito may kakaibang story ng buhay nila na maraming makaka-relate, maraming mata-touch.

“At the same time, hindi siya awa lang kaya nandun, magaling talaga lahat ha.”


NO CONFLICT. Hindi ba magkakaroon ng isyu na nagtatrabaho siya sa dalawang istasyon?

Sagot ni Rico, “As long as magkaiba naman yung project ko sa TV5 at saka project ko sa ABS.

“I’m not exclusively tied at the moment with any network. So, it’s a blessing.

“Kami naman, for delicadeza rin, kapag soap yung ginagawa mo sa isang network, huwag ka na ring gagawa ng soap sa iba na sasabay doon.

“Ako naman, basta it’s a good project and I’m free to do it and walang conflict, gagawin ko yung project.”


GETTING USED TO INTRIGUES. Samantala, unti-unti na rin daw nasasanay si Rico sa mga intriga sa showbiz at paghalukay sa personal niyang buhay.

“Okay lang naman sa akin,” sambit niya.

“Kaya lang, nahihiya ako sa production pag iyong intriga ang nailalagay na news.

“Parang ang dami nating napag-usapan, tapos one comment ko lang, yun na yung balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But I understand naman na trabaho n’yo iyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN