John Prats on failed relationships: “Pumasok ako sa point na, maybe I’m meant to be single forever, girlfriend-girlfriend na lang... parang Vic Sotto na lang.”

John Prats says that the most special thing that’s common between him and Isabel Oli is “she’s in the stage na she wants to settle down.”


Magkasama sina John Prats at Isabel Oli noong Pebrero 14, Araw ng mga Puso at kaarawan din ng Kapamilya actor-TV host.

Nabanggit ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isang simpleng dinner with his family ang naging selebrasyon nila noong araw na iyon.

Okay naman daw ang relasyon ni Isabel sa kanyang pamilya. Katunayan, mayroon pa nga raw nakakatawang komento ang kanyang ina noong gabing iyon.

“Kasi, ang dami na rin nakilalang babae ng nanay ko!” natatawang pag-alala ni John.

“So napapagod na rin siguro siya, sabi niya, ‘‘Nak, sana huli na ‘to.’

“Ako rin pagod na, everyone is really tired. So let’s make this work.”

Nakapanayam ng PEP si John noong Pebrero 15 sa Dayrit’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



HOW THEY MET. Aminado si John na matapos ang kanilang relasyon ng dating beauty queen at co-host niya sa Happy Yipee Yehey! na si Bianca Manalo ay pinanghinaan na siya ng loob.

Naging “frustrated” na nga raw siya lalo na’t sunud-sunod ang “failed relationships” niya.

Ang mga naging nobya niyang aktres ay sina Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Rachelle Ann Go, at ang huli nga ay si Bianca.

Sabi ni John, “Pumasok ako sa point na, maybe I’m meant to be single forever, girlfriend-girlfriend na lang, parang Vic Sotto na lang.

“Pero sabi ni Cams [Camille Prats, John’s sister] sa akin, ‘Kuya, ‘wag naman gano’n. Iba pa rin kapag may pamilya ka,’

"‘Hindi na! ‘Wag na, kakapagod, e.’

“I have to admit, hindi siya masaya.

“Like, coming from maraming failed relationships, nakaka-frustrate talaga.

“I see it frustrating kasi, ’Ako ba? O talagang hindi lang?’

"So sabi ni Cams, ‘Pagdasal mo kasi, Kuya.’

“E, totoo naman, I never really prayed for my relationships.

"I pray... I always pray for my family, my career, world peace!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero lovelife, I don’t pray for my lovelife.

“Enjoy lang ako, never akong, ‘Lord, Kayo na po bahala sa lovelife ko,’ so I don’t know, it’s different.

"Then sabi ni Cams, ’Wala naman masama na subukan.’”

Kaya naman Disyembre ng nakaraang taon, naisipan ni John na “mag-nine mornings” o buuin ang siyam na gabi ng simbang gabi bago mag-Pasko.

Dito’y ipinagdasal niya na, “Lord, surprise me. Surprise me next year kung anuman… I’m not gonna look for it, surprise me.”

Matapos ang siyam na gabi, tila naging mabilis ang sagot sa dasal ni John.

Habang nagbabakasyon sa Batangas kasama ang pamilya, nadaanan nila ang isang palabas sa GMA News TV kunsaan naroon si Isabel.

Nagkomento si John ng: “Ang ganda talaga ni Isabel Oli, ano?”

At sinagot naman siya ni Camille ng: “‘Yan dapat ang mga gine-girlfriend mo!”

Pero mahirap na magkalapit sina John at Isabel dahil sa magkaiba sila ng home network, at wala rin silang common friends.

“Tinrabaho ni Cams,” nangingiting pag-amin ni John.

“Facebook, hanap talaga siya ng ways.

“At first, Isabel was hesitant to give her number to me kasi nga... because of my image na playboy, siyempre sino ba naman ang gusto masaktan, di ba?

“So, I was like, ‘Ah, here I go again, need to prove myself because of this stupid image.’

“So, okay, binigyan naman niya ako ng chance to talk to her, then now we’re going out, we’re dating.”



KNOWING ISABEL. Ang laki ng pasasalamat ni John sa ginawag pagtulong sa kanya ni Camille upang makilala si Isabel.

Habang tumatagal, doon daw nadiskubre ni John na si Isabel ay “mas chill siya, mas chill siyang klaseng tao, mas family-oriented, God-fearing."

Dagdag pa niya, “And the most special thing is she’s in the stage na she wants to settle down.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang she’s okay, ‘I’m done with the party life,’ so doon kami nagkasundo.

“‘Tsaka maalaga siya in ways na, small things like pag mag-order kayo, ‘‘Kaw mag-order for me,’ parang gano’n siya na ikaw bahala.

“She has this way to make you feel like you’re the man, which is a good thing kasi usually brat na mga babae.

“So mas mature ang dating kaya steady lang.

“And I’m hoping talaga, ipag-pray ko ‘yon every night, na sana talaga last na.”



SETTLING DOWN. Kung si John ang tatanungin, handa na siyang lumagay sa tahimik o magpakasal.

Sa edad na 29, minsan ay madalas nang maisip ni John ang mga bagay tulad ng, “I want to see my own, parang, ‘Ano kayang hitsura ng anak ko?’

“So ayaw ko rin naman na masyadong matanda, para malapit pa rin ang age gap namin para makalaro ko pa siya ng basketball, magkaintindihan pa.”

Hindi rin naman siya natatakot na patunayan sa ina ni Isabel na malinis ang kanyang intensiyon para sa aktres.

Katunayan, kapag nagkaroon ng libreng oras ay nais niyang pumunta sa Cebu kung nasaan ang pamilya ng Kapuso actress.

Aniya, “Siyempre, kung malinis ang intensiyon, I’m not scared.

“Iba kasi confident ka naman na malinis ang intensiyon mo, natural na reaksiyon ‘yon ng isang magulang at hindi mo maaalis ‘yon.

“Kaya mabuti na harapin mo.”



NOT A PLAYBOY. Alam ni John na sa mata ng publiko ay “playboy” siya, lalo na sa tuwing nagtatapos ang kanyang relasyon.

Masakit man sa kanya, alam daw ng aktor sa kanyang sarili na hindi iyon totoo.

“I always give my best, kasi gano’n ako, e...

"That’s why siguro confident ako after, kasi kung hindi siya mag-work, I know ibinigay ko lahat.

“So, wala akong regrets.

“Ayoko lang talaga… I hate changes, pero ‘yon talaga ang nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ba, kapag nagsimula, that’s the best part, honeymoon stage.

"Then eventually, magtsi-change—that’s the saddest part.

“Sa akin, okay mag-change as long as maganda yung change. Pero kapag negative, why?

“Di ba, minsan sa relationship, hindi ka na makapag-basketball?

"Bakit? Kasi, ‘Spend time with me!’

"Like, I can’t play basketball then I’ll spend time with you. Hindi naman puwede lagi tayong magkasama.

"So, may gano’n na small things.”

Kaya naman ang mensahe niya sa publiko na ang tingin sa kanya ay “playboy”:

“I know naman I’m a loving person, not naman that I love women, but I grew up with my mom, my two sisters, my lola.

“So I have high respect sa mga babae.

“That’s why when I leave them o magkahiwalay kami, wala silang naririnig kasi that’s the last thing na puwede ko ibigay sa kanila—to respect the relationship.

“I’m not gonna say na, ‘yon nga, kung wala naman akong sasabihin na maganda, maybe better not say anything na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN