Kris Aquino denies going back to The Buzz

“I’m not allowed to talk about it, so don’t ask me na lang. But I’m not going back to The Buzz. But there’s something new,” says Kris Aquino when asked if she is returning to The Buzz.


Sinabi ng TV host-actress na si Kris Aquino na hindi siya babalik sa weekly showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz.

“I’m not going back to The Buzz. But there’s something new,” ang maikli at nakangiting sabi ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na naimbitahan sa bagong set ng talk show niyang Kris TV kaninang umaga, February 17.

Naging matipid ang 42-year-old celebrity sa pagbibigay ng detalye kung ano ang kanyang mga susunod pang programa.

Pabiro pa niyang sabi, “I’m not allowed to talk about it, so don’t ask me na lang.”

Nang tanungin kung magkakaroon siya ng bagong game show, agad na sumagot ang dating Game KNB host ng: “No... basta.”

Sabi pa niya, “I’m not allowed, baka bawiin ni CS [Charo Santos, ABS-CBN president]. Behave na lang ako!”

Sa ngayon, abala si Kris sa kanyang morning talk show na Kris TV, sa primetime teleserye na Kailangan Ko’y Ikaw, at sa reality show na Pilipinas Got Talent.

Kung sakaling mabigyan ng isa pang talk show, hindi raw ito tatanggihan ng isa sa mga pinakakilalang TV hosts ng bansa.

Katuwiran ni Kris, “Ang realization ko this year is, hawak ko na yung mikropono, e, pakakawalan ko pa ba?

“So, kung ano man yung permutations ng mikroponong ‘yon, paninindigan ko talaga, for as long as puwede at pinapanood ka.

“Kasi, there will come a point na hindi ka na panonoorin, babawiin na ang mikropono sa ’yo.

“So, habang hawak mo, alagaan mo ‘yan, and listen to what they wanna see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN