Anne Curtis on her 4 million Twitter followers: “Thank you at naiintindihan ninyo at nage-gets ninyo ang craziness ko.”

Ito ang paniniwala ni Anne Curtis tungkol sa “kamalasan” o “suwerte” ng isang tao: “Hindi ako naniniwala na pag malas ka sa career, suwerte ka sa ganyan… pag malas ka sa lovelife, suwerte ka sa career. I think, if there’s a will, there’s a way—you have to make it work.”


Nasa bansa na ang ina ni Anne Curtis, na si Carmen Curtis-Smith, para sumailalim sa knee surgery.

Nauna nang nailathala dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang panayam sa nakababatang kapatid ni Anne, na si Jasmine Curtis-Smith, tungkol sa osteoarthritis ng ina.

Sa interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Anne noong Thursday, February 14, ikinuwento nito ang gagawing surgery sa kanyang ina.

Saad niya, “Dito na magpapa-surgery si Mommy. It’s for her knee.

"At least here, mababantayan namin, mabibisita namin. So she’ll be coming here for her surgery and therapy.

“She’ll be fine. Basta... Hirap na kasi siyang maglakad, so she’s gonna have a surgery on her knees.

“Of course naman, she’s our mom, we’ll always be there for her."



TWITTER FOLLOWERS. Umabot na sa four million ang followers ni Anne sa Twitter. Bagay na sobrang ipinagpapasalamat ng aktres sa mga sumusubaybay sa kanya.

“Yes, I’m very, very happy, and as what I said nga to my followers, na kahit minsang kabaliwan na yung mga sinasabi ko… minsan, nonsense… minsan, it’s a way for me to share my beliefs or my random thoughts.

“Thank you at naiintindihan ninyo at nage-gets ninyo ang craziness ko.”



HONOREE. Kamakailan, napili si Anne ng People Asia Magazine bilang People Asia’s National Sweetheart, along with Angel Locsin.

Ano ang reaksiyon niya dito?

“To be chosen as part of People Asia’s People of the Year is truly an honor, to be with such well-respected people.

“I think it’s only two of us who are in show business, which is Angel…

“Of course, business people… we have Brent Ayala, we have Apl de Ap, international naman.

“Sharing this kind of award with such amazing people, well respected, is such an honor.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



HIGH RATINGS. Nagpapasalamat din si Anne sa patuloy na sumusubaybay sa kanilang primetime series na Kailangan Ko’y Ikaw.

Aniya, “Sobra kaming nagpapasalamat na kahit late na siya pumapasok, nanonood pa rin sila.

“Minsan, yung mga tweets nga sa akin, ‘Ang tagal, nagpupuyat na kami!’ Pero watch pa rin sila.

"Sobrang thank you at sinusuportahan pa rin nila ang kuwento namin nila Ms. Kris Aquino and Robin Padilla.

“Madami, mabilis ang kuwento namin.

“Kasi, ever since we started, it only meant to be 13 weeks.

“Bilang may mga daily shows kami, so that’s why I love Kailangan Ko’y Ikaw, ’coz it’s such a fast-paced story."

EX-BOYFRIEND. May nakalinya ring pelikula si Anne na pagtatambalan nila ng ex-boyfriend niyang si Sam Milby.

Pero sabi ni Anne, “No confirmation yet.

"Open, oo naman. Always naman, but as of now, no confirmation yet.”

Hindi naniniwala si Anne na pag malas ka sa career ay suwerte ka sa lovelife and vice-versa.

LUCKY IN CAREER, LUCKY IN LOVE. Patunay na maganda ang itinatakbo ng career ng aktres. Masaya at tahimik din naman ang relasyon nila ng boyfriend na si Erwan Heusaff.

Tila hindi akma kay Anne ang kasabihang kapag suwerte ang isang tao sa kanyang career ay malas ang kanyang lovelife.

Sabi niya tungkol dito, “I think that’s all that matters. If you have the one, and you really make work, it will really happen.

“Di ako naniniwala na pag malas ka sa career, suwerte ka sa ganyan… pag malas ka sa lovelife, suwerte ka sa career.

“I think, if there’s a will, there’s a way—you have to make it work.

“Having an open communication, respect, and trust is very important."



CONTROVERSY. Lumikha ng kontrobersiya ang hindi sinasadyang pagbibiro ni Anne ng “Maja-rot” kay Vice Ganda sa isang episode ng Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Agad namang humingi ng tawad on air kay Maja ang TV host sa nabitawang biro.

Nang tanungin namin si Anne tungkol dito ay umiwas na itong magbigay ng anumang pahayag.

“Well, I think it’s a non-issue anymore. There’s no need to talk about it,” sabi ni Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN