TV5 exec Perci Intalan addresses issues about Kapatid stars Nora Aunor, Sharon Cuneta, and Willie Revillame; non-committal about rumored transfer of Ogie Alcasid

Isa-isang sinagot ng TV5 executive na si Perci Intalan (nasa larawan) ang mga isyung may kinalaman sa ilang Kapatid stars, kabilang na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, at Willie Revillame.


Bukod sa mga bagong programa sa telebisyon ngayong 2013—tulad ng Kidlat (action-fantasy) at Never Say Goodbye (romance-drama)—may malalaking plano ang TV5 kaugnay ng pagpu-produce ng mga pelikula, through Studio 5, at mga made-for-TV movies.

"We’re working not just on making more movies but making movies na pang-TV," pagkumpirma ni Perci Intalan, Creative and Entertainment head ng TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Perci noong Biyernes ng tanghali, February 15, sa Thaipan Restaurant on Scout Lazcano St., Quezon City.

Kasama ni Perci ang business unit heads ng Kapatid network, tulad nina Anthony Pastorpide, Edlyn Tallada, at JoAnn Bañaga.

Present din ang Corprate PR head ng TV5 na si Peachy Guioguio at ang direktor na si Joel Lamangan.

"They’re also working on making full-length movies. Sila yung ’the team’ behind it," sabi ni Perci tungkol sa mga kasamahan.



NORA’S LEAD-STARRERS. Agad tinanong ng PEP si Perci tungkol sa malaon nang napabalitang movie project na tatampukan ng Superstar na si Nora Aunor—na may titulong Dementia, na ididirek daw ni Jun Lana.

Ang project na ito ba ang una sa lineup ng mga pelikulang ipu-produce sa 2013 ng Studio 5?

Sagot ng TV5 executive, "Actually, maraming mga project na naka-lineup. Ipi-present pa.

"Yung Dementia, ipi-pitch pa namin. Kaya lang, hindi kami maka-proceed kasi yung schedule ni Ate Guy, hindi maayus-ayos."

Kasalukuyang nasa States si Nora, pero isinasaayos na raw ng TV5 ang projects na tatampukan ng aktres sa pagbabalik nito sa unang linggo ng Marso.

Sabi pa ni Perci, "Direk Jun [Lana] is working on that naman. Kailangan ko ding pagtugmain ang schedules nila.”

Meanwhile, may isa pang pelikula na nakatakdang pagbidahan ni Nora. Ito ang indie film project ni Direk Mes de Guzman, na may titulong Ang Kuwento Ni Mabuti.

Pagkumpirma na rin ni Perci, "Gagawa si Ate Guy ng pelikula [with Studio 5], pero sabi ko nga rin sa kanya, kailangan merong... yung Cine Filipino, deadline na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ng TV5 executive ay ang bagong indie film festival na Cine Filipino, na naka-schedule mula June 26 hanggang July 3, 2013.

Sabi pa niya, "Ano rin kasi, kung itutuloy yung Dementia, ang worry namin, horror, mas matagal at saka mas physically demanding."

Kaya mas mauuna ang project ni Direk Mes para kay Ate Guy?

Sagot ni Perci, "Oo, kasi Cine Filipino sa amin, e. Kaya sabi ko nga, marami... ang daming offers [kay Ate Guy].

"Pero ang problem ko, before, mga three weeks ago, hindi pa malinaw sa amin paano yung schedule ni Ate Guy. Kung ano ang kaya ng health niya… palaging nagkakasakit.

"Tapos, alam na namin noon na kailangan na niyang bumalik sa States to renew her green card.

"So, lahat ‘yon, ini-schedule namin."



DELAYED REACTION. Nasa ikalawang linggo na ng airing ang teleseryeng Never Say Goodbye, at buo pa rin ang character ni Nora bilang si Marta, ang nanay ni William (Vin Abrenica) at asawa ni Dindo (Gardo Versoza).

Ayon pa kay Perci, "Yung pagbabalik ni Ate Guy sa Never Say Goodbye... yung character niya, definitely nando’n pa. Hanggang sa dulo yun.

"May twist lang na mangyayari, siyempre... Tinatanong nga ako ng fans, bakit daw konti lang yung scenes [noong pilot week]?

"Sabi ko sa kanila, ’Alam n’yo, yung pilot week, ‘yan ang pinaka- tinamaan, kasi nagkasakit siya. Marami kaming hindi itinuloy na eksena.

"Yung last four taping days, bago siya umalis, okey na. Nag-bangko na.

"Hanggang two weeks from now, meron pang mga eksena si Ate Guy.

"Hopefully, sandali lang yung mawawala siya."

Inamin ni Perci na nagkaproblema nga ang TV5 sa pagte-tape ng pilot at ang succeeding episodes ng bagong teleserye dahil sa naging kundisyon ng kalusugan ni Nora.

"End of the year [2012] talaga, aaminin ko, or when we started the year [2013], malaking question mark sa amin kung paano namin tatapusin ang Never Say Goodbye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi that time, nakaka-apat na kaming tapings na napa-pack-up because... nagkakasakit si Ate Guy.

"Buti na lang, nagawa niya lahat yung mga nasa Baguio.

"Pero may takot din kami na baka dahil din sa pagod dun sa Baguio kaya lumala [ang sakit niya].

“Yun yung time na meron kaming takot... tapos, alam nga namin na kailangan niyang bumalik sa States—dun kami nawiwindang.

“Grupo nila Mac [Alejandre] yun, e.

"Ang dami naming emergency meetings… paano natin ililiko yung kuwento para... to accommodate yung schedule niya [Nora].

"Pero hindi naman yung... nadadala. Siyempre, pag ang tsismis kumakalat, ang dating sa tao, ’Ayan na!’

"Ang ano lang kasi... nama-magnify, because ito yung [reaction] na dati pa... Well, medyo delayed reaction ito.

"So ngayon, maayos na kami.

“Sabi ko naman kay Ate Guy, ’Ate Guy, ang ano lang sa atin... kung alam lang namin na mawawala ka nang ganito katagal, iplano natin agad, pero wag lang mababago yung plano...’

"At ang ano... [problema] din kasi, nung four days siya nag-absent, hindi siya nagpapa-ospital noon.

"Ito yung kinukulit namin siya, e, ayaw.

“Sabi namin, ’Ate Guy, magpa-check-up ka na kasi hindi natin alam kung ano yung sakit mo.’

"So, iniisip namin, baka pahinga lang ang kailangan. Okay. Baka hindi pa magaling.

“Pero nung nakaka-apat na araw na, hindi na ordinaryong sakit."

Ayon mismo kay Ate Guy, nang nakausap ng PEP ilang araw bago siya umalis papuntang U.S., "Tumaas ang BP [blood pressure] ko, nag-200/120, kaya nahirapan ako, nagpa-confine na ako."

Dugtong ni Perci, "Ano yun... ang tagal na kumbinsihan para siya magpa-ospital."

TV5 DOING WELL. Ngayong in full swing na ang airing ng mga bagong malalaking produksiyon para sa 2013, ayon din kay Perci ay okay ang posisyon ng network.

"Okay naman. We found out kung ano yung nag-work sa amin in the past, ano yung nahirapan kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, we’ve been doing it before, pinag-aaralan namin.

"So we won’t be making the same mistakes. You learn from the mistakes you made.

"Where we’re going, mas planado kami. And we’re doing right.

“Halimbawa, Kidlat nga, it’s rating very well," saad ni Perci.

Tungkol naman sa hindi mataas na rating ng Never Say Goodbye, aminado si Edlyn Tallada na hindi masuwerte sa ratings ang mga drama programs ng TV5.

"Enchanted Garden did well in the ratings; now, yung Kidlat... kaya action-fantasy ang talagang gusto sa amin ng viewers," sabi niya.

Opinyon naman ni Perci, "Yung Never Say Goodbye, nagsisimula pa and ano yan...

“Kasi, nag-meeting kami... ang mga katapat niya, fantaserye pareho [ABS-CBN’s Juan dela Cruz and GMA-7’s Indio].

"Okey lang ’yon," added Perci, confidently.

Ang importante daw, maganda ang pagkakagawa ng bagong romance-drama series—technically and story-and-direction-wise, pati ang performances ng mga artista.

"Even the advertisers say na para siyang pelikula.

“Yung gusto naming ma-achieve, na-achieve namin. Magaling si Direk Mac.

"What we’re looking for in a soap, ngayon medyo nabubuo namin.”

GELLI AND TIYANG AMY. Bukod sa Kidlat at Never Say Goodbye, sabi rin ni Perci, "Face to Face is really doing very well."

Ito ang pang-umagang programang hinu-host ni Gelli de Belen, bilang pansamantalang kapalit ni Amy Perez na nag-maternity leave.

"Mag-a-anniversary siya, e," wika ni Perci tungkol sa pagbabalik sa programa ni Amy.

"Si Gelli, may project na nakaabang for her.

“Ang maganda, because of Face to Face, ’Ay, si Gelli, kaya na rin yung ganyan!’ So, may nakahanda na rin kami."

OGIE A. AND REGINE V. Tinanong din si Perci kung lilipat na nga ba sa TV5 si Ogie Alcasid mula sa GMA-7.

Aniya, "Ang sagot ko nga diyan, ultimately, may direct connection si Ogie sa amo [Manny V. Pangilinan].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ninong niya nang dalawang beses [si MVP]—sa unang kasal at sa pangalawa.

"So, yung statement na nag-uusap sila [Ogie and MVP], inaamin naman ni Ogie na nagkakausap sila.

"We’d like to work with Ogie. Kasi yung sa Never Say Goodbye, kausap na namin siya, e,” pagtukoy ni Perci sa theme song ng Never Say Goodbye, na si Ogie ang sumulat.

Dagdag niya, “Wala naman siyang kontrata [sa GMA-7], as singer-songwriter.

"Kaya lumalabas yung lilipat na si Ogie, maybe.

“Una, katrabaho na namin siya now. Pangalawa, maybe nagkakausap nga sila ni MVP.

"Basta, sabi ko sa management, ‘Let me know kung ano ang mapapag-usapan ninyo.’

“Sa amin, welcome na welcome si Ogie."

What about Regine Velasquez?

"Hindi natin alam... inaanak sa kasal... inaanak sa kasal," sabi ni Perci, sabay tawa.

SHARON’S POSITION. Tuluy-tuloy na nagsalita si Perci tungkol naman sa sitwasyon ni Sharon Cuneta, bilang contract talent din ng TV5.

"Ang ano kay Sharon... there were a lot of rumors before... umalis siya.

"Bago nangyari ‘yon, may mga nagsi-circulate na rumors.

“Kaya nga nagsalita na din ako, na ayoko namang maniwala na siya yung lumalapit sa ABS-CBN.

"Nagkausap kami before siya umalis... Nag-record pa nga siya ng message para sa trade launch ng TV5.

"Alam namin na hindi problem na magkatrabaho kami. Open siya.

“The question now is kung ano sa mga projects na inilatag namin sa kanya ang gagawin niya.

"May mga projects kami sa kanya, tapos may Mega Productions siya—nagtayo siya ng sariling production company.

"Ang sabi namin, take her time sa break na hiningi niya. She’s also doing a movie.

"Sabi namin, pag malaking artista kasi, wala ka nang dapat ilabas, e. Ang importante, makuha namin nang tama yung project.

"We’re scheduled to meet with Boss Vic [del Rosario] at si Ms. Sandra [Chavez], her manager, para malaman alin yung pinaka-inclined siya to work on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And pag nangyari ‘yon, bubuuin namin yung timetable, kung kailan. It’s up to her.

"As a network, gusto namin, as soon as she said it.

“She’s concentrating on singing, meron yata siyang album na binubuo and movie na pinaghahandaan. Okey lang ‘yon.

"Parang yung nangyari kay Ate Guy. Gano’n lang naman ‘yon.

“At least, by the time na ready na ang show, maingay na."

Doesn’t TV5 think na ang pagpapapayat pa rin ni Sharon ang malaking problema?

"I don’t know kung... siya din naman [ang nakakaalam], e," madiplomatikong sagot ni Perci.

WOWOWILLIE’S TIMESLOT. Bagama’t maganda ang pasok ng Wowowillie ni Willie Revillame sa bagong noontime slot nito, balitang nagkaproblema naman ang mga kasunod na programang T3 (ng Tulfo Brothers) at Aksiyon Ngayon (late-afternoon news program) na "nasasagasaan" diumano ng pag-o-overtime ng noontime show ng TV5.

Sabi ni Perci tungkol dito, "May naa-absorb [na oras], pero naaayos naman.

"We’re allowing him [Willie] to feel his way around kasi may segment kami na sponsored.”

Co-produced ng TV5 at ng Wil Productions outfit ni Revillame ang Wowowillie.

"Noontime slot is perfect [for the show]," sabi pa ni Perci.

"Ang maganda lang, people are saying, interesting ang noontime [programming] ngayon dahil tatlo na ang magkakasabay. Kailangan mag-level up lahat.

"Kanya-kanyang audience. Ang audience ni Willie, loyal na loyal naman sa kanya.

"Kaya lang, sa dating timeslot [ng Wil Time Bigtime], sa gabi, yung mga lola inantok na—yun ang audience ni Willie, e.

"Kaya perfect talaga ang noontime for them. Okey ang timeslot ng Wowowillie."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN