Regine Velasquez on Ogie Alcasid’s "transfer" to TV5: "Kung saan magiging masaya yung asawa ko, I will support him, siyempre."

Sabi ni Regine Velasquez tungkol sa posibilidad ng paglipat ng kanyang asawa na si Ogie Alcasid sa TV5: “Kung saan magiging masaya yung asawa ko, I will support him siyempre. Ako, siyempre sa Kapuso pa rin ako. Okay lang naman yun.”


Hindi raw problema kay Regine Velasquez kung sakaling lumipat ang kabiyak niyang si Ogie Alcasid sa TV5.

Ayon sa Asia’s Songbird, “Kung saan magiging masaya yung asawa ko, I will support him, syempre.

“Ako, siyempre sa Kapuso pa rin ako. Okay lang naman yun,” wika pa niya.

Hindi itinanggi ni Ogie ang posibleng paglipat niya sa TV5 sa isang interview na nailathala sa PEP mahigit isang linggo na ang nakararaan.

(CLICK HERE to read related article).

Nang tanungin naman kung may posibilidad din na lumipat siya sa Kapatid Network, sagot ni Regine, “Hindi ko pa alam kung kailan mag-e-expire yung contract ko.”

Naganap ang panayam ng PEP kay Regine ngayong araw, February 18 sa Salon de Ning, Manila Peninsula Hotel, para sa launch ng PLDT Fibr.

FOURSOME. Dito ay nagpasalamat din siya sa nasabing sponsor sa pagsuporta sa kanilang matagumpay ng concert noong Valentine’s, ang Foursome.

Masaya si Regine sa naging pagtanggap ng mga tao sa concert nila ng kanyang asawa, kasama sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Patuloy pa ni Regine, “And we’re very excited kasi we’re doing another one. So it’s very exciting and I wanna say thank you to everyone who watched the concert.

“And sa mga hindi nakapanood, may chance pa po kayong makanood sa March 16.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN