Jennylyn Mercado appreciates boyfriend Luis Manzano’s "simple" efforts: “Simple lang, pero galing sa puso iyong mga ginagawa niya.”

May mga sexy roles pa rin si Jennylyn pero may limitasyon naman. Aniya: “Basta, hindi ako lumalagpas sa sobra. Iyong parang iba ang hitsura na parang hindi na siya classy… parang hindi masyado tingnan.”


Dalawang Valentine’s Day nang magkasama ang magkasintahang Jennylyn Mercado at Luis Manzano.

Proud na sinabi ito ni Jennylyn sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room niya sa HOT TV last Sunday, February 17, sa GMA-7 studio.

Noon ngang nakaraang Valentine’s Day, Huwebes, hindi raw inasahan ni Jennylyn na makakapag-date pa sila ni Luis.

Kuwento niya, “Kasi may taping ako [ng Indio] dapat, di ba?

“Ang taping days ko talaga, T-Th-S [Tuesday-Thursday-Saturday].

“Wala… biglang nag-pack-up iyong taping.

"Siguro gusto rin ng kanya-kanyang… like si Senator [Bong Revilla] na… alam mo na… mag-spend ng time sa mga loved ones nila.

“Kaya nagulat ako noong nag-pack-up ng six [p.m.] yung taping, kasi expected ko nang may taping ako noong Thursday.

“Iyon nga, biglang sinabi noong gabi ng Wednesday na wala raw.

"O, sige, gumawa ako ng plano.

“So, noong gabing iyon na nalaman naming walang taping, nag-training ako ng triathlon.

“Sinabi ka kay Luis na wala akong taping. Sabi niya, ‘O, sige, sunduin kita bukas.’

“Simula noong umaga hanggang gabi, magkasama na kami…

"Noong umaga, nag-gymnastics kami. Tapos, dire-diretso na hanggang gabi… nasa labas kami buong araw.”



VALENTINE FLOWERS. Gaano ka-special iyong Valentine’s date nila ni Luis?

“Simple lang, dinner lang.

"Ako naman kasi, pag walang trabaho, exercise… nagwo-workout. Tapos, iyon.”

Nagpalitan ba sila ng gifts?

Umiling muna si Jen at napangiti, “Hindi.”

Bakit?

“Hindi ko alam, e,” tugon niya.

Dahil ba sa hindi nila napaghandaan ni Luis ang date nila?

“Hindi ko alam, e,” iling pa rin niyang sabi.

Baka dahil hindi nila inaasahang makakapag-date sila noong Thursday na dapat sana’y taping day niya?

“Parang ano… wala. Wala, e,” nangingiting sabi ni Jen.

Hindi na ba importante na magregaluhan sila ni Luis?

“Hindi naman, hindi naman sa hindi importante.

“Pero, siguro… para sa amin, importante na lang na magkasama kami. Simple lang iyong celebration.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naghanap ng gift mula kay Luis?

“Hindi naman… hindi naman ako ganoon!... Ay, flowers pala!” naalala niya bigla.

“Allergic ako sa bulaklak, pero sa roses lang hindi—bouquet of red roses ang ibinigay niya sa akin.”

Sabi pa ng Kapuso actress, “Wala akong ibinigay sa kanya kasi walang oras na bumili ng gift

“At saka parang ang hirap namang maghanap ng regalo dahil lahat naman parang nasa kanya na.”



FREE TIME. Nagkataon lang ba na walang trabaho si Luis noong Valentine’s Day?

“Pina-block talaga niya iyong day na iyon para sa amin. E, ako lang talaga ang hindi puwede dahil may taping ako.

“So, kung natuloy iyong taping ko, malamang na doon na lang siya pupunta sa taping ko.”

Natuwa nang husto ni Jennylyn sa pagpapa-block off ng boyfriend niya ng Valentine’s Day para magkasama sila.

“Na-appreciate ko talaga.

"Si Luis, ano ‘yan, e, simple lang, pero galing sa puso iyong mga ginagawa niya,” saad niya.



NO CONFIRMATION. Samantala, walang maibigay na kumpirmasyon si Jennylyn kung kailan ilalabas sa mga sinehan ang pelikula nila nina Lovi Poe at Paulo Avelino under Regal Films, ang The Bride and The Lover.

Sabi niya, “Hindi ko alam… parang hindi pa kami tapos. May apat na araw pa kami.

“Last year of August pa namin ginawa iyong movie. Ang dami nang naunang naipalabas na.

“Kami pa tuloy ngayon ang mukhang nanggaya. Yung ganoon!” natatawang pahayag ni Jennylyn.

Kung sakaling magkaroon ng continuity ang mga eksena nila sa pelikula, wala naman daw magiging problema kay Jennylyn.

“Kasi minentain [maintained] ko na lang iyong buhok ko, e. Saka iyong hitsura ko kasi alam kong meron pa kaming shooting pa.

“Kasi plano ko talagang ibalik iyong bangs ko dati… gusto ko na siyang ibalik.

“Hindi na nga ako makapagpagupit dahil sa pelikula.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LIMITATIONS. Gaano ba siya ka-sexy dito?

“Hindi masyado,” mabilis niyang sagot.

Ano ang pinaka-daring na ginawa niya sa pelikula?

“Love scene lang… isa lang.”

Mild lang ba ang love scene?

“Sila na lang ang humusga! Hindi ako sigurado!” sabay tawa niya.

May dalawang kissing scenes daw siya kay Paulo.

“Iyong sa akin naman, hindi naman masyado… sexy lang. Pero hindi sobrang sexy.”

Ano ba ang limitations ni Jennylyn sa intimate scenes?

“Basta, hindi ako lumalagpas sa sobra.

"Iyong parang iba ang hitsura na parang hindi na siya classy… parang hindi masyado tingnan.

“Medyo ingat ako, lalo na sa akin, may anak na ako. Hindi naman puwedeng iyong sabak lang nang sabak.”

Hindi na ba mauulit iyong ginawa niyang pagpapa-sexy sa naipalabas na niyang pelikula na Rosario.

“Hindi na, kasi iba rin iyon, e. Kasi si Rosario, talagang passionate siya.”

Pero ayon kay Jennylyn, nagpakita rin siya ng kanyang sideview dito sa The Bride and The Lover gaya ng ginawa niya sa isang eksena niya sa Rosario.

“Meron din iyong ganoon sa movie namin [sa Regal with Lovi and Paulo]. Oo, meron rin… magugulat sila.

“Basta, bahala na lang silang mag-judge dahil para sa akin, sakto lang.

“Kasi si Direk Joel [Lamangan] naman maalaga sa amin.”

Alam ba ni Luis na nag-sexy siya sa latest movie niya?

“Oo naman… alam. Pero hindi ko na idinetalye.

“Basta, sinabi ko lang sa kanya na may love scene ako… alam na niya iyon, maiintindihan na niya.”



COMFORTABLE. Tinutukso ba siya ni Luis kay Paulo?

“Hindi. Alam naman niya iyon. Saka si Paulo may pamilya naman na yun.”

Kumusta naman si Paulo bilang kapareha sa movie?

“Mabait naman si Paulo at saka magaling umarte.”

Nagkailangan ba sila ni Paulo sa mga sexy o intimate scenes nila?

“Hindi naman… baka siya, nailang siya!” halakhak ni Jen sa binitiwang biro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero dagdag niya, “Maayos naman kami… mabait iyon, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN