Kris Bernal understands Aljur Abrenica’s sentiments about bashers of his relationship with Kylie Padilla

Ito ang pahayag ni Kris Bernal (nasa larawan) kaugnay ng paglalabas ni Aljur Abrenica ng kanyang saloobin sa ilang bashers na hindi pabor sa relasyon ng aktor kay Kylie Padilla: “Hindi kasi natin maiiwasan, may mga fans na may masasabi silang hindi maganda. Napag-usapan naman namin ni Aljur at nasabi niyang naiintindihan naman daw niya at nirerespeto niya ang opinyon. Yun lang, parang siyempre, kapag may nasasaktan na ibang taong mahal mo, nasasaktan din siya. So, naiintindiha


Sa panaym ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris Bernal, kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa patuloy pa ring pangba-bash ng ilang mga tagahanga ng tambalan nila ni Aljur Abrenica, ang AlKris fans, sa relasyon ng young actor sa kasintahan nitong si Kylie Padilla.

Ito ay sa kabila ng matagal nang tapos ang pinagsamahang primetime series nina Kris at Aljur, ang Coffee Prince.

Minsan kasi ay naglabas ng kanyang saloobin si Aljur sa Twitter account niya (@iamAJabrenica).

Sabi ng Kapuso hunk, “Nirerespeto at kinasasaya ko ang lahat ng sumusuporta sa amin ni kris. Pero sana kung wala rin po tayong masasabing maganda sa ibang tao wag na po tyong magsalita. Dahil hindi natin alam na nakakasakit na po tyo. Respeto lang po sana ang hinihingi ko.. mas maganda rin po cguro na mas marami tayong kaibigan kesa sa makasakit tayo sa kapwa.salamat.”

Nabasa rin pala iyon ni Kris.

Sabi ng young actress tungkol dito, “Siguro ang masasabi ko lang doon, siguro nakapagsalita rin si Aljur para sa mga fans…

“Hindi kasi natin maiiwasan, may mga fans na may masasabi silang hindi maganda.

“Napag-usapan naman namin ni Aljur at nasabi niyang naiintindihan naman daw niya at nirerespeto niya ang opinyon.

“Yun lang, parang siyempre, kapag may nasasaktan na ibang taong mahal mo, nasasaktan din siya.

“So, naiintindihan ko rin siya.”

THE NEXT PROJECT. Balitang sa susunod nilang teleserye ay sina Kris at Aljur pa rin ang magkapareha. Kung walang mababago sa plano, balitang sila ang magbibida sa Prinsesa ng Masa.

Hindi ba nagtatampo si Kris na matagal bago nasundan ang huli niyang proyekto sa GMA-7?

Sagot niya, “Hindi naman, hindi naman ako nagtatampo.

“Kasi, in fairness naman sa GMA, simula nang lumabas ako sa StarStruck, nagsunud-sunod naman ang shows ko.

“So, wala akong marereklamo.

“Nagpapasalamat ako, binibigyan nila ako ng shows na hindi ko nga alam kung bakit!” natawang sabi pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Kris, “Pero okay lang, at least, makakapagpahinga at alam ko naman na may maganda silang plano sa akin this year.

“At kung bibigyan man nila ako ng show, alam ko na yung para sa akin talaga.”

EUROPEAN VACATION. Nakapag-ipon naman daw si Kris, at sa naipon niya sa loob ng halos dalawang taon ay madadala na niya ang kanyang pamilya sa Europe para sa isang engrandeng bakasyon.

Saad niya, “Ano kasi, matagal ko na talagang gustong gawin yun.

“Siyempre, kapag may show, hindi mo naman magagawang makapagbakasyon nang matagal, di ba?

“So, noong malaman ko yung Europe, nag-decide ako na gusto ko, yun, nag-ipon na ako.

“At saka, ako naman kasi, hindi naman ako maluho.

“Hindi nga ako bumibili ng bagong sasakyan, hindi ako nagpapagawa ng bahay. Kasi nga, nag-ipon talaga ako.

“So, ngayong March, magbabakasyon ako kasama ko mommy ko, kapatid ko at saka yung kambal ko pang kapatid. Bale, apat kami.”

Siya lang talaga ang sasagot sa lahat?

“Oo, pero pinag-ipunan ko naman yun at pumayag naman ang GMA na magbakasyon ako ng one month.

“Sana lang, pagdating ko, sana may show na. Baka wala pa!” natatawa niyang sabi.

GUARANTEED CONTRACT. Balitang muling nag-renew si Kris ng kontrata sa GMA-7 at sa pagkakataong ito ay guaranteed contract na siya.

Pero nabalitaan ng PEP na isa si Kris sa nawalan ng handler dahil sa isyung kinasangkutan ng dati niyang handler na si Michael Uycoyco, na handler noon ni Sarah Lahbati.

Ano ang naramdaman niya nang magkaroon ng ganitong isyu?

“Siyempre nasaktan din, nalungkot, ang tagal ko na siyang handler.

“Pero huwag na lang nating pag-usapan kasi matagal na rin naman,” pakiusap ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN