Charee Pineda denies transferring to another network; still waiting for next project after Angelito

Sa kabila ng pagpasok sa pulitika ni Charee Pineda, wala raw siyang balak lisanin ang showbiz. Aniya, “Yung pagiging pulitiko, commitment nila yun sa publiko. Ang pag-aartista, bread and butter nila.”


Balitang lilipat na ng TV network si Charee Pineda sa gitna ng wala pang kasiguraduhan sa sususnod niyang project sa ABS-CBN.

Matapos gawin ni Charee ang Angelito: Ang Batang Ama Book 1 and 2, lumutang naman ang paglipat daw niya sa TV5.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Charee nang makipag-meeting siya para sa pelikulang gagawin niya para sa Cine Filipino Film Festival.

“Hindi naman totoo ‘yan!” tanggi niya agad.

“Hindi kasi alam ng iba yung details kaya kung magsalita, ganoon na lang.

“Alam ko, maayos naman ang relasyon ko sa ABS-CBN at Star Magic.

“Ang pagkakaintindi ko, may konting problem lang.”



DUAL CONTRACTS. Ipinaliwanag din ni Charee ang nilalaman ng kanyang mga kontrata sa ABS-CBN at Star Magic.

“Yung, ABS-CBN, yung sa network, ang alam ko, tapos na yung management contract ko…

“Pero yung sa Star Magic, ang alam ko ay existing pa.

“Nagkaroon kasi ng misunderstanding doon sa network contract ko kaya ngayon, di ko pa alam kung ano plan, e.

“So ngayon, hinahayaan ko na lang muna kung ano ang mangyari—kung may usapan pa bang mangyayari.

“So right now, I just go with the flow muna.

“Tsaka dahil nangangampanya din ako, hindi ko pa maharap kung ano talaga… kung may offer ba o wala.

“Steady lang muna ako.”



GRATITUDE. Binigyang-linaw rin ni Charee ang mga isyu kasabay ang bintang na wala siyang utang na loob sa ABS-CBN.

“Di ba, nakakahiya sa ABS?” tugon niya.

“Aminado ako na ang laki-laki ng nagawa sa akin ng ABS-CBN at Star Magic.

“Yung Angelito… sa career ko, sobrang nagawa niya sa akin. Mas lalo akong nakikilala, napansin ako.

“Kasi dati, parang ganyan lang ako,” sabay muwestra sa daliri niya na para bang maliit lang siya.

“Kaya hindi puwedeng sabihin na wala akong utang na loob. In fact, ang laki-laki nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POLITICS VS. SHOWBIZ. Sa ngayon, bukod sa pagiging abala niya sa kampanya bilang councilor sa Valenzuela City, pinagtutuunan niya ng pansin ang pelikulang Bingoderas.

Aniya, “Nag-start na silang mag-shooting, pero ako, mag-i-start pa lang.

“Pero sinabihan ko ang director na dapat before ng start ng campaign period ay tapos na ang scenes ko.

“Kasi nga, March 29, start na yung official campaign period, so dapat ay hindi na kami lumalabas sa anumang show sa TV at sa movie.”

Kakaibang Charee raw ang makikita sa nasabing pelikula.

“Ay, oo!” natatawang sabi niya.

“Ma-imagine mo, madre ako! As in nakasuot ako palagi ng suot ng madre… bagay ba?

“Pero different yung role ko dito.

“Yung pagiging madre ko ay may ibang intention… isa akong raketera dito.

“Lagi akong nagpa-fundraising pero raket lang siya, kaya nakasuot ako ng madre para mas maniwala ang tao.

“In other words, manggagantso ako.”



COMMITMENT. Kaya ba niyang gawin iyan bilang isang pulitiko?

“No… no… never!” mabilis niyang sabi.

“Yung ano… kung ano ang kailangan kong ibigay sa taong-bayan, ibibigay ko yun galing sa legal na way.

“Hindi naman ako pumasok sa pulitika para mang-raket.

“Sabi nga nila, ang daming tukso sa politics pero nasa tao din kasi ‘yan.

“Ako naman, kahit noong SK [Sangguniang Kabataan] chairman pa ako, I have all the good intentions naman.

“Hindi naman ako pumasok sa pulitika para sirain ang name ko.

“I’m here para mag-help sa abot ng aking makakaya.”



FULL TIME. Tuluyan na kaya niyang lisanin ang pag-aartista kung sakaling manalo siya?

“No, naman,” pagdidiin ni Charee.

“Yung iba namang artista na naging successful sa politics, still, meron naman silang time pa sa pag-aartista, di ba?

“Sabi nga nila… yung pagiging pulitiko, commitment nila yun sa publiko.

“Ang pag-aartista, bread and butter nila.

“So if ever puwedeng pagsabayin, gagawin ko din.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakahanda na raw talaga siya bilang kandidato. Paano kung sa campaign ay paghahablutin siya ng tao dahil artista nga siya, okay lang ba ito sa kanya?

“Ay, oo!” natatawang sabi niya.

“Sa Valenzuela kasi, yung mga tao, hindi naman ganoon sila—yung tipong nagiging pisikal sa mga dumadalaw na pulitiko.

“Meron namang mangilang-ngilan na ganoon, yun nga lang, smile ka na lang.

“Kasi dapat talaga buo ang loob ko dahil ginusto ko.

“Dapat naiintindihan ko sila lalo na nga pag artista, iba ang tingin nila—iba-iba ang reaksyon nila.

“Merong deadma, meron naman na sobrang… parang ‘ala lang.

“Yung iba, grabe din… yung tipong kukurutin ka.

“Ni-ready ko na ang sarili sa mga ganyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN