Kim Chiu-Maja Salvador feud over Gerald Anderson has to do with trust between friends being broken, says YES! report

Sa special report ng YES! sa March 2013 issue nito, isiniwalat ng magasin ang nalalaman nito tungkol sa alitang namamagitan kina Kim Chiu at Maja Salvador, na nag-ugat dahil sa pagkakamabutihan ngayon ni Maja, ang dating close confidante ni Kim, at ni Gerald Anderson, ang dating boyfriend ni Kim.


May kinalaman sa pagtitiwala ang lumalabas na puno’t dulo ng alitan ng dating matalik na magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador.

Sa special report ni Candice Lim-Venturanza para sa YES! March 2013 issue—na may titulong "Is Love Thicker Than Friendship?"—ilang sources ang nagtahi-tahi ng kuwento tungkol sa pinag-ugatan ng isyu ngayon sa pagitan nina Kim at Maja.

Lumalabas na may direktang kinalaman ang young Kapamilya actor na si Gerald Anderson sa kung anuman ang namamagitan sa dalawang Kapamilya actresses.

Balitang nagkakamabutihan ngayon sina Maja at Gerald, na ex-boyfriend naman ni Kim.

Ayon sa isang source na malapit sa pamilya ni Kim, si Maja ang naging sandalan ni Kim noong magkaroon ng problema ang relasyon nila ni Gerald.

“Siyempre, nasaktan ni Gerald si Kim no’n—first love, e. It came to a point na parang hopeless na si Kim, pero si Maja ’yong nagbibigay ng lakas ng loob. Maraming advice si Maja kay Kim na, ‘Wag mo nang isipin ‘yan. Hayaan mo na ‘yan, may iba ka pang mahahanap,’” pahayag ng source sa panayam ng YES!.

Dito raw nanggagaling ang sinabi ni Kim—sa isang presscon noon ng Ina Kapatid Anak, ang teleseryeng kasalukuyang pinagsasamahan nina Kim at Maja—na “kinain” lang ni Maja ang mga sinabi niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Dagdag pa ng source ng YES!, “Wala namang pakialam si Kim kay Gerald.”

Ito ay dahil naka-move on na raw si Kim sa breakup nila ni Gerald tatlong taon na ang nakararaan.

“Pero she really felt bad about the situation dahil si Maja pumatol kay Gerald, in-entertain niya si Gerald.”

Hindi lang daw kasi kaibigan ang turing ni Kim kay Maja kundi isa nang “pamilya.”

Paliwanag pa ng source, “Bilang kapatid, bilang part ng life niya, siyempre automatic na hands-off na dapat.

“Kung may delikadesa ka, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa estado ng relasyon nina Maja at Gerald, isang source na malapit sa pamilya ni Kim ang nagsabing, “…hindi lang nanliligaw si Gerald—sila na.”

Sa report na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Biyernes, nag-date sina Maja at Gerald noong Valentine’s Day sa Antonio’s restaurant sa Tagaytay City. Sumakay pa raw sa helicopter ang dalawa papunta sa kanilang dinner date.

(CLICK HERE to read related story.)

Para sa kabuuang report sa istoryang ito nina Kim, Gerald, at Maja, basahin ang March 2013 issue ng YES! na magiging available sa leading newsstands and bookstores simula bukas, February 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN