Iya Villania on marrying Drew Arellano: "I’m sure malapit na. Hello, nagugulat pa ba kayo?”

Ito ang sagot ni Iya Villania sa tanong kung hindi ba sila nagkakasawaan ni Drew Arellano after almost nine years ng kanilang relasyon: “Wala. Wala kasi we really took things slow. Kung tutuusin nga, kahit nine years na kami, ang dami pa naming hindi nagagawa as a couple kasi inaantay pa namin na ikasal kami."


Isa si Iya Villania sa mga ipinakilala kaninang tanghali, February 19, bilang endorser ng Blue Water Spa sa isang presscon sa Palawan ballroom ng Shangri-La Edsa, kasama sina Aljur Abrenica at Ian Batherson.

May sakit si Iya kaya medyo paos ang kanyang boses, pero pinilit niyang dumalo sa presscon.

Kuwento niya, “Actually it started with… hindi ko kasi na-foresee na magiging busy yung week ko kasi may work na biglang pumasok.

“Friday, nakipagtsikahan ako with Angel Aquino thinking na magiging suwabe lang yung week, na I can afford to stay up late.

"E, ang nangyari, bigla akong nagka-taping nang bongga.

“So, because of my staying up late, daldal ako nang daldal, hindi ako masyadong uminom ng tubig, I worked out early pa the next morning, tapos hindi na ako nakabangon. Iyon.”

NEW SOAP. Ano yung bigla niyang sinabakang taping?

“It’s an added character and the soap is ongoing, so…” bitin niyang sagot.

Sa primetime ba ang bago niyang soap?

“Primetime. Abangan niyo na lang para lahat ng soaps ng ABS panoorin ninyo,” tanggi pa rin niyang magbigay ng detalye.

Paano maipu-promote kung hindi niya sasabihin kung anong series ito?

“O, di i-promote ninyo lahat,” nangiti niyang pambibitin, sabay sabing, “Apoy Sa Dagat.

Makakasama raw si Iya sa pinagbibidahang serye nina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, at Diether Ocampo.

Magpapaseksi ba siya sa serye?

“Hindi. Hindi naman sexy, but yung physique ko magagamit ko do’n,” pagtukoy niya sa pinaghirapang pangangatawan dahil sa tamang diet at pag-e-exercise.

O baka naman sasabak siya sa action scenes?

“Who knows, hindi natin alam. First day ko pa lang.

"Alam mo naman kung paano sa soap,” dahil puwedeng-puwede nga namang baguhin ng writers ang characters sa isang soap opera.

Bida ba siya o kontrabida sa Apoy sa Dagat?

“Ano ba?” tanggi niya ulit.

What made her decide to do another soap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, it has been a while. It’s been a while and I’ve forgotten the feeling of how it is to tape.

“I felt na masyado akong safe sa lugar ko ngayon. I was just looking for… I was just looking to shake things up a bit.

“Hindi naman sa hindi ako masaya sa ginagawa ko. It’s just that I was looking for a challenge.

"And tamang-tama naman biglang nagkaroon ng…”

Marami ang pumupuri sa kaibigan niyang si Nikki Gil sa pagganap nito sa Apoy Sa Dagat. Pressured ba siya to work harder para mapantayan ang nagagawa ng kaibigan?

Sagot ni Iya, “She was the back story… I think with any role that you take on, you’ll always do your best.

“Nasa sa iyo naman ‘yan, e, kung mamaliitin mo o hindi. Just always do your best.”



DREW ARELLANO. Kumusta ang naging celebration nila ng boyfriend niyang si Drew Arellano ng Valentine’s Day?

“It’s so sweet. Very sweet.

"Actually, it was something we needed to celebrate early because nagka-work ako ng 14 at si Drew din naman may out-of-town, so we had our date on the 13th. Dinner lang.”

Wala pa bang naganap na nag-pop ng question na, "Will you marry me?”

“Anobe? Kayo talaga, masyadong excited. Wala pa!” natatawa niyang sagot.

Pero bakit parang may bakas ng singsing sa daliri niya at itinago lang?

“Hindi, dati talaga mayroon kaming isinusuot na ring kaming dalawa ni Drew,” pagtukoy niya sa promise ring nila.

“I think he gave me that ring 2009. Like a reminder of what we have.”



THE SEVEN-YEAR ITCH? Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

Pero sabi ni Iya, “What’s so sweet is, the longer… the farther we go, the stronger we get.

“A lot of people have always been afraid na, ‘You’l naver make it through the seven-year itch.’ Yeah, we went through that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-cool-off na rin daw sila at one point.

“Yes, nagkaroon kami ng ganoon. Pero kasi I wanted to scare myself kasi I’ve always felt… kasi I’m the younger one.”

At hinayaan nga rin daw siya ni Drew na ma-experience ang normal na pinagdadaanan ng mga kabataan for her to grow and learn.

“Ngayon, sobrang sarap where we are right now, considering na nine years na kami. Magna-nine years kami this May.”



LET’S WAIT A WHILE... Hindi ba sila nagkakasawaan?

“Wala. Wala, kasi we really took things slow.

"Kung tutuusin nga, kahit nine years na kami, ang dami pa naming hindi nagagawa as a couple kasi inaantay pa namin na ikasal kami.

“So, there’s still so many things for us to enjoy doing together.

"Kasi kung tumagal kami nang ganito, na eto lang yung mga puwede naming gawin, paano pa kaya pag naging one na kami."

So, kalian ang kasalan?

“According to my senses… I’m sure malapit na. Hello, nagugulat pa ba kayo?” sagot ni Iya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN