Kim Chiu denies walking out of the set of Ina, Kapatid, Anak

“Kung ano ‘yong nasa script, ginagawa lang namin. Wala lang munang personal life,” says Kim Chiu when asked how she works with Ina, Kapatid, Anak co-star Maja Salvador. Kim and Maja used to be best friends, but the friendship ended after the latter was linked to former’s ex-boyfriend Gerald Anderson.


“At saka na ‘yan!” nakangiti at paulit-ulit na pakiusap ni Kim Chiu.

Tinatanong kasi siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Umagang Kay Ganda tungkol sa personal na isyu sa pagitan niya at ng dating malapit na kaibigan at Ina, Kapatid, Anak co-actress na si Maja Salvador.

Nakausap ng PEP si Kim sa opening ng bago niyang business venture, ang Julie’s Bakeshop, sa Tandang Sora, Quezon City, kaninang umaga, February 19.

Mahigit isang linggo na ang nakararaan nang ilabas dito sa PEP ang balitang tila nagkatotoo ang “fight scene” nina Kim at Maja para sa kanilang teleserye.

Ayon sa PEP source, dahil sa “sabunutan at sampalan scene,” ito ang kinahinatnan: “Ang ending, pasa-pasa sila pareho at may mga kalmot si Maja! Umiyak si Kim after.”

Ang nasabing eksena ay ipinalabas kagabi, February 18.

(CLICK HERE to read related article.)

“Napanood n’yo naman kagabi. Wala namang kalmutang nangyari, sampalan lang,” natatawang sabi ni Kim.

Tungkol naman sa umano’y pagwo-walkout niya dahil sa pangyayari, agad itong pinabulaanan ng 22-year-old Kapamilya actress.

“Umalis ako pagkatapos mag-tape kasi tapos na, e,” paglilinaw niya.

“Hindi naman ako magwo-walkout.

“Bakit naman ako magwo-walkout kung hindi pa tapos?

“Tapusin natin at saka tayo umalis. Kasi, ano na ‘yon e, 3 a.m., cut-off na rin ng mga artista.”



WORK FIRST. Kahit may personal na isyu sa pagitan nina Kim at Maja—dahil sa pagkaka-link ngayon ng huli sa dating boyfriend ng una na si Gerald Anderson—siniguro naman ng dating Pinoy Big Brother Teens grand winner na hindi nito naaapektuhan ang kanilang trabaho.

“At saka na ‘yan. Trabaho na muna ang isipin natin,” nangingiti pa ring sabi ni Kim.

Sa ngayon, ani Kim, sinusunod lang daw niya kung ano ang kailangan para sa trabaho.

“Kung ano ‘yong nasa script, ginagawa lang namin.

“Wala lang munang personal life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda naman kung magtratrabaho na lang kami nang maayos, nagagawa namin nang maayos.”

Dagdag pa niya, “Kung sa akin lang, mamahalin ko na lang ‘yong trabaho ko and mamahalin din ako ng trabaho ko.

“At saka huwag na munang isipin ang personal na buhay.

“Ang mahalaga, ‘yong nagpapasaya kami ng ibang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN