Tom Rodriguez remains mum about relationship with singer K-La Rivera; enjoys phenomenal success of Be Careful With My Heart

Halos hindi maibulalas ni Tom Rodriguez ang tuwa sa pagkakasama niya sa Be Careful With My Heart. Saad niya, “Ang sarap nga, binabayaran kami pero para kaming hindi nagtatrabaho… kulitan, adlib-an, enjoy talaga at gagawa na lang kami ng sariling eksena. Kaya ang sarap, ang sarap talaga.”


Namataang magka-holding hands ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Tom Rodrdriguez at ang Star Power finalist na si K-La Rivera noong February 15.

Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa backstage ng Pagcor Grand Theater pagkatapos ng 1st Parañaque Campus Singing Idol.

Noong gabing iyon, si K-La ang isa sa hosts sa singing search at co-host naman niya si Polo Ravales.

Nang makausap ng PEP si Tom, agad namin siyang tinanong kung mayroon na silang espesyal na relasyon ng Fil-Canadian singer.

“Kaya ako nandito, siyempre suporta sa co-actor ko sa teatro, sa Aladdin.

“We’re really enjoying our time together, so… yun,” nakangiting paliwanag ni Tom.



STAGE ACTORS. Idinagdag pa niyang matagal na silang "friends" ni K-La at naging mas close pa sila nang kanilang gawin ang musical stage play na Aladdin sa Meralco Theater last November 2012.

“Ahh… magbuhat noong Aladdin, we really started getting to know each other,” sagot niya sa aming pag-uusisa.

Dagdag pa ni Tom, “Nagkatrabaho na naman kami noon sa ASAP, pero nakilala ko siya talaga kung gaano kabait at kung ano siya as a person, noong sa Aladdin,” pahabol pa niya.

Matagal na ba silang magkaibigan na nagho-holding hands ni K-La?

“Inaalalayan ko lang siya sa paglalakad,” paiwas ngunit nakangiting tugon niya.



HIGH RATING. Kasama sa cast ng daily soap ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart si Tom.

At sa taas ng rating ng show, nag-e-enjoy ba siya ngayon sa kanyang showbiz career o dahil nandiyan si K-La?

Natatawang sabi niya, “’Eto na lang ang masasabi ko… sobrang masaya itong 2012 at ‘etong 2013.”

Sinabi rin ni Tom na gusto niya ang show na tulad ng Be Careful With My Heart at sana raw ay magkaroon pa ito ng kasunod.

“Kung mabibigyan ako ng ganito pang show, ako game ako, napakasarap ng ganoong klaseng show, napakagaan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana kung mabibigyan pa ulit ako ng tsansa, kukunin ko, iga-grab ko agad.”



UNEXPECTED. Bakit sa tingin niya ay ang lakas ng dating sa audience ng teleserye nilang ito?

“Siguro kasi, dahil magaang lang iyong trabaho, e, kasi ang dami nating show na pulos mabigat, puro heavy drama.

“Ang sarap nga, binabayaran kami pero para kaming hindi nagtatrabaho.

“Lalo na noong nasa Laguna kami… kulitan, adlib-an, enjoy talaga at gagawa na lang kami ng sariling eksena.

“Kaya ang sarap, ang sarap talaga,” masayang sambit pa niya.

Naikuwento rin ni Tom na hindi niya ine-expect na magiging ganito kalakas ang Be Careful With My Heart.

“Hindi ko talaga inaasahan na ganito, e.

“Dahil actually, noong in-offer sa akin iyong role na Jeff [Direk Jeffrey Jeturian], sandali lang dapat, five days lang, pero na-extend.

“Actually, extended kami hanggang July.”



PHENOMENAL CO-STARS. Ano ang masasabi niya kay Richard Yap na kilala rin ngayong bilang "Sir Chief" dahil sa sikat na karakter niya sa soap opera nila ni Jodi Sta. Maria?

“Mabait talaga siya.

"Noong nakasama namin siya sa Laguna noong New Year’s episode, grabe!

“Kasi, bini-Bisaya ko rin si sir Richard—mabait siya.”

Sa palagay niya, bakit kaya ang lakas ng dating ni Sir Chief sa fans?

“Sobra… kung tilian si Sir Richard sa pila, nagkakagulo… parang santong dinadasalan.

“As in, grabe! Siguro dahil sa charm niya, malakas talaga, may kakaiba siyang charm.

“At sabi ng iba, pati mga kaibigan ko, mukhang mabango raw si Sir Chief, e,” nakangiting saad pa ni Tom.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN