Mariel Rodriguez posts negative pregnancy test on Instagram; wants to have baby after she turns 30 years old

Agad na binura ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account ang pinost niyang larawan ng negative pregnancy test niya kaninang umaga. Katuwiran ng TV host-actress, marami na raw ang gusto na magka-baby na siya kaya natakot siyang bigla.


Dalawang taon nang mag-asawa ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez at ang action superstar na si Robin Padilla, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Kaninang umaga, February 21, isang larawan ng pregnancy test na may negative result ang pinost ni Mariel sa kanyang Instagram account

May caption ito na: “no baby!!! false alarm!!! Hahhaahhaha”

Sinabi naman niya sa sumunod na post niya na gusto niyang magka-anak paglagpas ng 30 years old.

Aniya, “I want to have a baby after I’m 30years old :) I want to enjoy being a wife first then mother after ☺”

Samantala, sinubukang tingnan ng ibang followers ni Mariel sa Twitter ang larawang ibinahagi niya sa Instagram.

Gayunman, "page not found" na ito.

Kaya naman tanong ng isang follower ni Mariel, “removed na agad? :))”

At ang sagot naman ng Wowowillie co-host, “yes bec ang dami gusto may baby na. Hahahhaa afraid!!!”

Sa nakaraang interviews ni Robin ay sinabi nitong ayaw pa niyang magkaanak kay Mariel.

Katuwiran ng aktor, kapag nagkaanak na sila ni Mariel ay mababaling na ang atenisyon ng TV host sa kanilang anak gayong hindi pa siya nagsasawa sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN